"Lully? Lully! Say something, please!" Sinundan ko ang location ng phone niya. Sinubukan ko na ring tawagan siya ulit pero hindi na niya sinasagot.
Si Klei? Sasaktan si Lully? Hindi ko kayang maniwala.
Paano maipapaliwanag 'yung concerns ni Klei kay Lully? Nagkamali ba kami ni Yino ng hinala na gusto nila ang isa't isa?
"MmMm-!" Narinig ko mula sa bandang kanan ang ingay, marami rin akong naririnig na mga kumakalansing na mga bagay. May basag na baso, may mga tunog ng suntok at may mahinang putok ng baril.
Agad kong sinundan ang pinanggalingan ng mga ingay at dahan-dahan akong sumilip sa isang maliit at madilim na kwartong naroon.
Bahagya akong lumuhod at sumilip sa butas na mayroon ang pader. Nabutas ang pader dahil sa mga tama ng bala.
"Sinabi ko naman kasi sa'yong manahimik ka, huwag kang mag-ingay, huwag kang magsumbong sa kahit sino. Pero dahil tatanga-tanga ka, nasabi mo. You don't mean it? Hah! Bobo! Kapag ba may nagtanong sa'yo kung sino'ng pumatay sa Ama mong isa ring tanga, pangalan ko agad ang isasagot mo?" Boses iyon ni Klei, pumatay? "Sayang ka, 'e. Maganda ka, matalino, masungit ka lang minsan pero mabait ka. Kung hindi mo lang napanood kung paano kong pinatay ang Ama mo sa harap mo, sana asawa na kita ngayon. Kung nanahimik ka lang sana, edi hindi ka nakatali ngayon." Bahagya pa siyang natawa.
I parted my lips, pumatay ng tao si Klei? And worse, Tatay pa ni Lully.
Ang hirap paniwalaan, pero lahat nang ito, nangyayari sa harap ko ngayon.
"You should've stayed silent, Lully Mayrie. Masyado ka kasing madaldal 'e. Gusto mo na yatang makasama si Tito."
"Boss, nasa inflatable Island ka 'diba?" Pinaupo ni Klei si Yino sa inuupuan niya kanina.
Boss? Pumatay na rin ba si Yino ng tao?
No...
I heard him scoffed, "Inflatable Island? That place is a shit. Ang hirap makipag-plastikan kay Mavel. Kung hindi lang para sa utang na loob ni Dad kay Tito Maves, hindi ko naman sila babalikan. Who would want to have a daughter anyway? I mean, totoo naman 'yung mga emotions ko nu'ng sinabi sa'kin ni Mavel na anak namin siya, pero mas maganda siguro kung hindi ko nalang nalaman."
Nagkamali na naman ako, akala ko hindi siya masamang tao, pero mas masahol pa pala siya sa demonyo.
"Mom wants to recruit another set of new members. Ikaw na bahala sa lahat, Klei. Just like how we always do. Gusto ko nalang matulog, I'm tired," Pumikit si Yino sa sandalan at humawak sa bridge ng ilong niya.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomansAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...