Papunta ako sa kumpanya ngayon dahil may meeting daw, gusto ni Papa na isama ako para mag observe.
Bago ako umalis ay sinigurado ko munang naka ready na ang mga gamit ni Maveline for the day. Kasama niya naman si Iveray kaya wala akong dapat ipag-alala.
Sumakay na ako sa van, "Kuya, let's go. Sa D.Building."
Nang umandar na ang sasakyan ay kinuha ko ang phone ko sa bag para tawagan si Papa, sumagot naman siya kaagad, "Hello, Pa? Nakaalis na ako ng bahay, mag-uumpisa na ba?" Malapit lang ang D.Building sa bahay maya-maya siguro ay nandoon na ako.
"Hindi pa, we'll start in 30 minutes, makakaabot ka pa.'' He replied over the phone.
I said 'okay' and ended the call.
Hindi ko alam kung underdressed ba ako o overdressed sa suot kong light blue coat, white pencil skirt, gray top, at white heels. Bahala na! Ngayon na lang ulit ako makaka-attend sa mga meeting na katulad nito, these past few years I focused on my studies and my daughter. Kung may magawa man akong katangahan, hindi naman siguro nila ako pagtatawanan, 'no?
Maya-maya ay tumigil na ang sasakyan, hindi ko namalayang nakarating na pala kami.
Huminga ako nang malalim at bumaba sa sasakyan with my chin up, kunwari nalang kagalang-galang.
I entered the building and every person na nadadaanan ko ay binabati ako ng good morning. Tinatanguan ko lang sila at ngumingiti.
Papunta dapat ako sa conference room when my Father's secretary stopped me, "Miss Resh, binilin po ni Sir na sa bagong office niyo po muna kayo mag-stay habang nagpe-prepare pa sa conference room." I raised a brow.
"Bagong office ko? May office na ako diba? Bakit may bago na naman?" Gusto kong i-try ang maging malditang boss kahit ngayon lang, pagbigyan niyo na'ko.
"What I meant was newly designed office po, mas pinaganda po ni Sir ang office niyo, Miss Resh. He wants you to take this chance to take a look at it," She's clearly waiting for an answer so I nodded my head, "Follow me po,"
Sumunod naman ako sa kan'ya. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 5th floor.
Pagdating namin sa harap ng pintuan ay tumigil siya, "Why?" tanong ko.
"Ah, Miss Resh, hanggang dito nalang po ako. See it for yourself po." Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya.
Weird.
Dahan-dahan ko namang binuksan ang doorknob, nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto ay may lalaking nakaupo sa swivel chair ko.
"Who....?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang umikot paharap.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...