"Go inside, your daughter is probably waiting for you, goodnight." Tanging sabi niya saka sumakay sa sasakyan at nag-drive paalis.
Heto na naman ako, iniisip lahat ng mga sinabi niya kanina.
'I can't bear to hear you consecutively saying that we will find the right persons for us when in fact I'm here.'
Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na iyon? Kung tutuusin ay kaya ko lang naman iniiwasan si Yino dahil ayaw kong malaman niyang siya ang tatay ni Maveline. Pero sakaling tanungin ako kung mahal ko pa ba siya......I must admit, na-excite ako nung nakita ko siya, my heart feels like it's going to explode. Marami kaming pinagsamahan, baka iyon lang ang dahilan kung bakit ako kinabahan at na-excite.
Also, that was 7 years ago, 7 years are enough for a person to move on, right?
Pagpasok ko sa loob ay si Iveray nalang ang nakita ko sa countertop ng kitchen, nakain ng snacks. Narinig niyang pumasok ako, lumapit siya sa'kin, "Anong nangyari, Resh? Are you okay?" Pinaupo niya ako sa sofa at umupo sa tabi ko.
Umiling lang ako, "Si Maveline? Tulog na?"
Kumagat siya ng cookie at tumango, "Yes, ako na rin nag wash sa kan'ya. I told her na you're doing some business with Tito Yino kaya ayon, she eventually slept din naman."
Nakahinga ako nang maluwag, "That's good, thank you, Iv." I tiredly smiled at her.
Kinindatan niya lang ako at ngumisi, "So what business ba 'yon with Tito Yino, huh Mommy Resh?"
Hinampas ko nga, "Ano ba?! N-Nothing, may napag-usapan lang."
"Suuus, bakit ka nauutal when it's just 'n-nothing'? 'Wag ako, Resh. I've been there nung wala pa 'yung inaanak ko, nung ipinagbubuntis mo palang siya, at nung nanganak ka. I've been there, kilala kita kahit hibla lang ng buhok mo, Vue." She's just using my third name for fun, for insulting me na rin.
"Oo na, hindi lang basta may 'napag-usapan', nagkasigawan din kami, tapos maya maya nagkaayos din. Medyo nasaktan ko siya gamit 'yung mga salitang dapat kineep ko nalang sa sarili ko kasi hindi naman totoo. Words can sometimes really hurt a person like how knives do, 'no? Nasaktan niya ako dati, and baka isipin niya na I'm getting my revenge." I scoffed, "But I'm not."
Umayos siya ng upo sa couch, "Let me guess, it's about the father issue, right?" I nodded. "To be honest, muntik ko nang masabi 'yon kanina. Good thing napigilan mo ako. I know you're just afraid of everything or everyone that might hurt my inaanak. Pero darating at darating ang panahon na hindi na mahihiya si Maveline na magtanong tungkol sa Dad niya. Also, I can't promise you na habambuhay kong maitatago kay Yino ang bagay na'to." Tumayo siya dala ang ngayo'y ubos nang baso ng gatas, "Huwag mo sanang ipagdamot kay Yino 'yung bagay na alam nating lahat na noon palang, 'yun na 'yung gusto niya." Nagpatuloy siya sa sink para hugasan ang baso nang muli siyang lumingon sa akin, "Wash yourself up, rest early." Saka siya nagpatuloy umakyat sa guest room.
Nag-stay pa ako roon for a couple of minutes saka ko napagdesisyunang umakyat na sa kwarto namin ni Maveline at mag ready for bed.
Pagpasok ko ay tulog na tulog na siya, nakalabas pa ang isang paa sa kumot. Lumapit ako roon at ipinasok ang paa niya sa loob.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...