Nagising ako nang maaga, tiningnan ko muna ang mag-ama na ngayon ay yakap ang isa't isa, saka ako bumaba para magluto ng breakfast.
Pagdating ko sa kitchen ay nakita ko roon ang Ate Biya na palaging tinatawag ni Mama, "Madam Mavel! Magandang Umaga ho! Eh nakita ko ho 'yong pagkapogi kasabay niyo pong umuwi kahapon. Parang hindi pa po umaalis, ay!" Pumunta siya sa sink para maghugas ng kamay.
Natawa ako, "Yeah, he stayed over for the night," Kumuha ako ng tubig mula sa ref.
Bahagya siyang nagulat, "Ho? Eh bakit?!"
Uminom ako ng tubig at tumingin sa kan'ya, "He is Maveline's Father."
Paano kong nagawa iyon nang ganoon ka-kaswal?
Nabitawan niya ang lettuce na hinuhugasan, "Ha?! Aba'y masayang-masaya na pala ang ating Prinsesa kung ganoon!"
Napangiti ako, "She's more than happy," Kumuha ako ng tatlong itlog sa ref at kumuha na rin ng bread para i-toast. "Do you mind helping me make this breakfast for them?"
Maagang nagigising si Maveline, paggising niya ay gutom na gutom pa.
Agad siyang ngumiti, "Aba'y hindi ho, Madam! Kailangan masarap ito, ano po?"
Tumango ako at saka hinampas sa edge ng bowl ang itlog, paglagay ko niyon sa pan ay nagtalsikan ang mantika.
Akala ko ba hindi natalsik ang mantika kapag itlog?!
Napaatras ako, "Ah! Kaya niyo na po pala 'yan, Ate." I smiled awkwardly.
Marunong naman akong magluto, as long as hindi fried!
Matapos masaktan sa ilang talsik ng mantika ay dinala ko na ang plates sa kwarto nila.
Naabutan kong gising na si Maveline at wala sa tabi niya ang Daddy niya, "Where's your Dad?" Inilapag ko ang tray sa bed at inayos ang buhok niya.
"He's taking a shower po." Itinuro niya ang bathroom.
Nagtaka ako, "Shower?" Sinong nagbigay ng permission para maligo siya rito?
Hindi na nakasagot si Maveline dahil nag-ring ang phone ni Yino. She was about to get it pero pinigilan ko siya, "Don't answer calls if they aren't yours,"
Binawi niya ang kamay niya, "Paano po if the call is important, Mommy?"
Napaisip ako, "Okay, then Mommy will take a look," Kinuha ko ang phone sa side table.
The contact name is, 'Lully Cuz'.
Ngayon ko lang nalaman na may pagka-'jeje' side pala si Yino.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomansaAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...