Chapter 9

627 19 14
                                    


Naghihintay nalang ako ngayon na magising si Maveline, ang sabi ng Doktor ay na shock lang daw siya sa ingay at sa sight ng mga tao, lalo't hindi raw sanay sa crowds ang anak ko.


I'm holding her hand, "Malapit na sila Lolo at Lola, baby." Gusto kong maging matapang para sa kan'ya, this is her first time na ma-hospitalized, for sure if she wakes up, matatakot siya dahil sa dextrose na nakadikit sa kamay niya.


"Apo! Oh my gosh, what happened?" Naunang lumapit si Mama at tiningnan si Maveline.


"Hindi na pala dapat kami tumuloy, alam ko namang ayaw niya sa crowds pero pinilit ko pa rin ang gusto ko," I smiled with pain.


Hinawakan ni Mama ang balikat ko, "Don't blame yourself, anak. No one wanted this to happen, ayaw din ni Maveline na makita kang gan'yan."


Tumango ako kay Mama. She's right, I shouldn't appear weak.


Bothered pa rin ako sa ginawa ni Yino kanina, I mean, sa hindi niya ginawa.


Bakit nagawa niya pang makipag tawanan kahit nakita naman na niya 'yung sitwasyon ng anak ko? The Yino I know cares for everyone, pero bakit sa dinami-rami ng hindi niya bibigyan ng pansin, bakit anak ko pa? Bakit mismong anak niya pa?


Ayos lang sa'kin kung hindi niya ako pansinin or what, pero bakit pati anak ko dinamay niya? Alam niya naman sigurong gustong gusto siya ni Maveline, 'di ba?


Noong isang linggo ay maayos naman ang pakikitungo niya sa amin, bakit mula kahapon ay parang nagbago lahat nang 'yon?


Kailangan bang iwasan niya pa kami dahil lang sila na ni Lully? Ayaw ko namang maging judgemental pero if ever that's the case, that's too immature.


~


Hindi ako sinundo ni Yino sa bahay, ang sabi niya ay may kailangan daw siyang gawin sa school. Nagpahatid nalang ako sa driver papunta sa school. Wala rin kasi si Kuya, si Papa at Mama naman kung wala sa kumpanya, nasa ibang bansa.


Kapag wala si Yino ay ang lungkot ng buhay ko, wala akong nakakausap. Kahit hindi na ako binubully ng pinunong espasol, wala pa ring nakikipag-kaibigan sa akin.


Apat na buwan na rin noong nangyari iyon, apat na buwan na rin mula nung nagkakilala kami ni Yino.


Masaya ang mga araw ko sa school nang dahil sa kan'ya, kahit palagi niya akong inaasar tungkol sa mga suot ko, kahit halos ubusin na niya ng nakaw 'yung mga saklob ko, mahal ko pa'rin siya.


Mahal ko siya dahil kaibigan ko siya, my last year in this university became so memorable sa loob ng apat na buwan na iyon. It's all thanks to him. Lalo na't next month ay ga-graduate na kami.


Pag-apak ko palang sa school gate ay may nakikita akong isang linya, hindi naman ako late, ah?

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon