Mavel's Point Of View.
Nagising akong nakita silang lahat sa harap ko, tumingin ako sa buong kwarto at hindi nakita si Yino roon.
Si Mama, si Papa, si Maveline, ang isang hindi pamilyar na lalaki, si Kuya at ang Doktor.
Nawala ang liwanag sa mga mata ko, pero hindi dapat iyon maging dahilan para hindi maging masaya.
This is my second life, I'm thankful.
Niyakap agad ako ni Maveline nang mahigpit, "Mommy! I missed you so so so much! Daddy didn't come here, Mommy. I'm mad at him."
I hugged her back, "I missed you too, baby," Sinasabi niyang galit siya sa Daddy niya pero hindi iyon ang nakikita ko.
Your mouth can lie, but your beautiful eyes can't.
"Mavel, are you feeling better? Do you need anything? Are you in pain or something?" May isang matangkad na lalaking humawak sa kamay ko, marahan ko iyong tinanggal at nagpilit ng ngiti sa kan'ya.
"Ah, this is Dine Elion, my friend," Sumingit si kuya sa usapan.
Dine Elion? Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. His friend....Siya ba 'yung nagsabi kay Yino na lubayan kami?
"Are you the one who...?" Napatigil ako sa pagsasalita nang ngumiti siya, I can feel the same warmth I feel in Yino's smile.
Napatitig ako sa itsura niya, he looks cold but I think he's not. When he smiled, I feel my world lit up, parang nagkaroon ako ng liwanag at lakas ng loob para patuloy na lumaban.
Bakit?
Muli niyang hinawakan ang kamay ko, "No, that's my brother. Malakas 'yung toyo ng kapatid mo kaya inutusan niya 'yung brother ko."
Napa-iwas ako ng tingin sa kan'ya, I can't stand looking at him like this. Sobrang gandang tingnan ng ngiti niya, I'm afraid I might....
"Mavel, anak..." Humawak si Mama sa balikat ko saka ako niyakap, "Thank you for fighting, baby girl. Thank you for not leaving us, mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namin.." Just by that I felt my tears flowed down,
Sana kaya ring sabihin ni Yino 'yan, Ma..
Napangiti ako, ngayon ko lang napagtantong maraming tao ang nagmamahal sa akin. What change would it make kung wala si Yino sa buhay ko?
I wonder why siya ang naging Daddy ni Maveline, sa dinami rami'ng lalaki. I think I get it now, we're meant for each other, we're meant to be Maveline's parents. But we're not meant to stay side by side forever.
Pangalawa naming pagkikita ito, anyone would say that this is destiny. Pero sa pangalawang pagkakataon, ipinakita na naman ng mundo na hindi kami para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...