"When will she know?" Ani Yino habang nakatitig at nakahawak sa kamay ni Maveline na ngayon ay tulog na ulit.
"Maybe tomorrow? Or the following day..." Hindi ko alam kung kailan ba niya dapat malaman, "I don't know, siguro kapag nakalabas na siya sa hospital," Sagot ko saka umupo sa couch ng kwarto.
Nang tumingin ako sa kan'ya ay nakangiti lang siya habang hawak ang kamay ng anak niya, ayaw niyang bitawan na para namang may aagaaw kay Maveline.
Lumingon siya at nahuli akong nakatingin! Umiwas ako at kunwaring itinuon ang paningin ko sa ilaw ng kwarto.
Sinong tangang titingin sa ilaw?!
Bahagya siyang natawa, "Ngayon ka pa nahiya? You bore my child for nine whole months, there's nothing to worry about. Sabihin mo lang kung gusto mong tumitig sa'kin magdamag. Magdamag, Mavel, Magdamag." Nakakainis siyang ngumiti.
Napairap ako, "Anak mo ang ipinunta mo rito, baka nakakalimutan mo."
Hindi siya sumagot kaya tumingin ulit ako sa kan'ya, ngayon ay nakapatong na ang mukha niya sa dalawa niyang kamay. Hindi ko na iyon pinansin pa at hihiga na sana nang magsalita siya, "Do you know this guy na kapatid ng kaibigan ng Kuya mo?"
Napabangon ako ulit at humarap sa kan'ya, kapatid ng kaibigan ni Kuya? Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Maraming kaibigan si Kuya at wala naman akong kilala ni isa sa mga kapatid ng mga 'yon.
Ibinaba niya ang kamay niya at tumitig sa akin, "Kanina, bago ako pumunta sa studio, may humarang sa'kin, sabi niya layuan ko raw ang mag-ina niya, which is kayo," Napatitig ako sa ganda ng mga mata niya lalo na ngayon, parang hinihiling sa'kin ng mga mata niya na sabihin kong hindi, na sabihin kong sa kan'ya kaming mag-ina at hindi sa iba.
Natawa ako, nakita ko namang tumaas ang isang kilay niya, "Really? Did you asked his name? Baka siya talaga 'yung totoong Daddy ni Maveline at hindi ikaw," I laughed my insides out.
Naniwala talaga siya roon? Alam niya naman siguro na si Iveray at siya lang ang naging kaibigan ko mula noon.
Nang tumingin ako sa kan'ya ay halos manlisik ang mga mata niya sa kakatitig sa'kin. Napatigil ako sa pagtawa nang ma-realize kung ano ang gagawin niya. Lumapit siya nang lumapit, "W-What do y-you think you're d-doing?"
Tatayo na sana ako pero naiharang niya agad ang dalawa niyang braso at ipinagitna ako, "Don't joke about this thing ever," His voice become husky, he got closer, and closer, and closer! Tumigil siya sa kalalapit at tumitig sa mga labi ko, hinarangan ko iyon ng dalawa kong kamay, causing him to laugh. Akala ko titigil na siya sa kakalapit pero hindi pa pala! Mas lumapit siya at bumulong sa tenga ko, "Listen to what I will say, You.and.Maveline.are.mine." Bahagya siyang lumayo at tumitig sa mga mata ko, "At walang kahit sinong p'wedeng umangkin sa inyo, maliban sa'kin." He closed his eyes at parang alam ko na kung anong gagawin niya, I closed my eyes and he gave me a very quick soft kiss.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomansAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...