Chapter 3

1.1K 32 6
                                    


"Is she....your daughter?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya sa akin. Ibinaba ang wine glass na hawak saka sinubukang hawakan ang kamay ni Maveline. Bahagya akong umatras kaya hindi niya naabot ang kamay ng anak niya. Naghalo sa mata niya ang lungkot at pagkadismaya.


"Mommy, who is he?" Sa lakas ng boses ni Maveline ay imposibleng hindi narinig ni Yino iyon.


"Yes, she is." I said, hiding my nervousness.


"Is she...?-"


"No. She's not." I'm sorry Yino, this isn't the time. Akala ko kaya ko na, pero hindi pa pala. I will tell you when it is the right time. Kung alam mo lang kung gaano natakot ang anak mo sa mga taong sumusubaybay sa buhay mo.


"Pero, Resh. Tell me the truth, please?" Muling nagbagsakan ang luha sa mga mata niya, ako ang kinakausap niya pero kay Maveline siya nakatingin na para bang sinasaulo niya ang mukha ng anak niya. Na parang natatakot dahil baka hindi na niya ito makita pang muli.


"Ano bang truth ang gusto mo? Hindi mo siya anak, Yino. 'Yon ang totoo." Humakbang ulit ako paatras at palayo sa kaniya.


I'm sorry, I thought I can, seeing my daughter afraid is the last thing I can tolerate in this world.


Humakbang si Papa palapit sa akin at binuhat si Maveline para ibigay kay Mama. Hinila niya ako palayo kay Yino, sa parteng walang makaririnig. "Ano bang ginagawa mo? We talked this through, right? Si Yino ang ama ng apo ko, bakit hindi mo sabihin 'yon sa kaniya?"


Tinanggal ko ang kapit niya sa braso ko, "Pa, kung nakita mo lang 'yung takot sa mukha ng apo mo kanina sa labas, sa harap ng mga camera at mga reporters, 'yon 'yung itsura niya noong nalaman niyang iniwan siya ng Daddy niya, 'yon 'yung takot na kahit sabihin nating matagal na, maaaring bumalik ulit. And it hurts me, Pa. It hurts me to see her like that again. This is only the first time, paano pa kaya kung malaman ng publiko na the 'Asia's top paid model' is her father? Can you imagine? Her every move is now open to the world, ayaw ko ng ganoon, Pa. Alam mo 'yan." Umupo ako sa upuang malapit sa pwesto namin.


"At least, kahit si Yino lang 'yung makaalam, Mavel. Kahit si Yino lang, hindi naman kailangan malaman ng publiko. Can't you just tell him the truth?" This, itong side na 'to ni Papa ang pinaka ayaw ko sa lahat, 'yung ipipilit niya 'yung gusto niya, and he will say that this is for his apo's future. No matter how or what it costs, gagawin niya talaga 'yung alam niyang tama.


I said nothing, he's exactly like this seven years ago...


8 am, pababa na ako sa dining. Pipilitin ko na naman 'yung sarili kong pumasok, wala naman akong natututunan! Walang kwenta 'yung mga tao sa eskwelahan, lahat sila kung hindi mga sipsip, pabida naman. Lahat gagawin para sa grades, mga tanga.


"Ang aga mo yata ngayon? Nag iba ba ihip ng hangin?" Kakalabas lang din ni kuya sa kwarto niya, mang-aasar na naman si gago.


Umirap lang ako at nagsimulang kumain, kung hindi lang para sa Porsche Cayman ay hindi na talaga ako aapak pa sa eskwelahang 'yon.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon