Chapter 20

15.3K 209 0
                                    

A/N:   No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced.  You can, however, leave your comments and votes…

Syempre mas madaming votes, mas masaya =)

 

****************

KATHERINE

“Hans, napag usapan na natin ito…” ulit kong sabi sa kanya habang nag aalmusal kami.

Oo, I’m staying with him.  Pero hindi pa din ako pumayag na ilipat ang mga gamit ko dito.  May bahay nga ako di ba?   Kung gusto nya akong kasabay matulog e makikitulog na lang din ako dito.   I’m done playing house for the moment.

Yung gusto nyang level of commitment, hindi ko pa rin maibigay sa kanya.  Not that umaasa akong magiging kami pa rin ni Ethan pero gusto ko pa rin buo ako pag nagcommit ako sa kanya.

“Sabay lang naman tayong papasok, anu naman ang mahirap doon?”

“Pinagbigyan na nga kita sa gusto mo di ba?”

“Hindi naman din masama kung sabay tayong pumasok.”

“Hans.  Boss ka, tanda mo?  Anu kayang parte ng boss kita ang hindi maintindihan?”

“It’s not even part of the HR policies na bawal makipag relasyon sa opisina.”

“Dahil hindi bawal puede na agad?  Baka susunod email blast na sa buong company ang gawin mo.”

“Don’t push me Kaye, gagawin ko talaga yan.”

“Alam mo namang I want to stay as invisible as possible.  Pag ginawa mo yan pag uusapan tayo.”

“It doesn’t matter.  Girlfriend kita.  I want people to know that I am yours.”

Naman!  Yung isa, itinatago ako, eto naman gusto akong ibalandra sa mga tao.  Wala bang yung nomal lang talaga?  Kailangan talaga extremes?

“Hindi ngayon.  Give me enough time to adjust to this relationship.  Higit isang buwan ka pa lang sa company Hans, ano na lang ang iisipin nila?  That I’m sleeping with the boss to make it?”

“We both know that is not true.”

“Tayo oo, sila hindi.  Sawa na ako sa mga taong nagja judge sa akin.”

“How much time do you need?”

“A few weeks.”

“You realize na isasama kita sa mga family gatherings at sa labas namin ng mga kaibigan ko. O baka naman pati yun bawal pa rin.”

“One at a time Hans.”

“Whatever.”  Sagot nya sa akin sabay kuha ng susi ng kotse at ng mga gamit namin.  “I’m still driving you to work.”

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon