No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
****************
KATHERINE
Hindi naman nagulpi ng mga kapatid ko si Hans. Sila na nga ata ang friends ni Andrew ngayon. Tapos si Tristan pala madalas nakakatrabaho si Karl. O sige, sila na ang bagong magkakaibigan.
Lumiliit ang mundo naming lahat. Paano na lang talaga pag hindi ito nagwork out? Lalo pa at pauwi kami ngayon sa Alabang kung saan doon ko na ititira ang mga anak ko.
Buti na lang sanay silang palipat lipat ng bahay. Pero hindi sila sanay na may ama. Lalo na si Hunter. Nasa tabi sya ngayon ni Hans sa harap ng sasakyan. Hunter is wearing the same look as Hans. Parehong pareho sila. Pero ang awkward ng katahimikan. Pati si Hanna tulog.
Pagdating sa bahay ay binuhat ni Hans si Hanna at dinala sa isang kwarto na mukhang nursery. Ayos. Ang bilis ng mga tao nito ni Hans ha. Sinenyasan ko ang yaya ni Hanna na bantayan siya.
Nang lumabas si Hans sa kwarto ay sinamahan naman nya si Hunter sa kwarto nito. Naka ayos na din ang mga gamit nya sa kwarto pero wala pang designs. I think, bibigyan na nya si Hunter ng kalayaan para i-design ang sariling kwarto nya.
“Pahinga ka muna,” sabi ko kay Hunter.
Nang iwan na namin si Hunter at dinala ako ni Hans sa dating kwarto namin at the end of the hall. “This is going to be our room.”
Napansin ko yung paggamit nya sa salitang “our”, pumasok ako sa kwarto and it looks exactly the way it was nung huli akong andito. Oo, master’s bedroom nga talaga yun, at yung pamilyang sinasabi nya na ititira nya dito, kami na yun.
Binuksan ko ang closet, at nandoon pa rin ang mga damit ko at mga gamit. Everything was left untouched even after 19 months.
Sa sobrang kakaisip ko sa mga nangyari, hindi ko napansin na nasa likuran ko na si Hans. “Kung may iba pa kayong kailangan, sabihin mo na lang sa akin.”
Napapikit ako. G*d, he’s so close. His voice is so soft. Eto yung Hans na namiss ko. Yung pinangarap ko na hahanapin ako at babalikan.
Naramdaman ko na lamang hawak nya ang magkabilang braso ko at iniharap nya ako sa kanya. I looked into his eyes and saw tenderness. He leaned in closer and then kissed me. This time walang ng galit sa halik nya. When I responded, binuhat nya ako papunta sa kama.
We made love the whole afternoon. It was so unlike the times when we used to make love. Dati kasi we make love with so much urgency. Yung primal and raw. Pero ngayon, he was taking his sweet time. Yung parang he wanted it go on forever. Yung tipong he wanted to tell me something but he couldn’t.
T*angna, sobrang pagod ko. I stayed in bed until late afternoon habang nakikipaglaro sya kay Hanna sa pool. Naririnig ko ang hagikgik ng anak ko hanggang dito sa kwarto. I think Hunter stayed in his room, reading some books. Isa pa yang nakuha nya sa tatay nya. Pareho silang bookish.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
Genç Kız EdebiyatıKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...