Chapter 13

16.7K 223 6
                                    

 

Chapter 13

A/N: Oo, tatlong POV na ito ng iisang scene.  Di ba dapat pag BFF may moment din?

J

 

****************

THEA

Naging kaibigan ko si Hans since college, ngunit naputol ang pagkakaibigan namin the moment na umalis si Katherine.  Pareho naman kaming naiwan, pero sa tingin ko mas masakit lang talaga sa kanya.  He stopped being my friend simula nung biglang umalis si Kaye sa university. 

I think I was a constant reminder nang lahat ng pinagsamahan nila ni Kaye.

At kahit na nung muli kaming nagkita sa opisina, he made me feel that we were never friends.  Parang hindi nag exist yung mga gabing tumatambay kami nina Kaye sa walls at nagkukwentuhan hangang sa abutin na ng gabi, o yung mga panahong sabay naming inaalo si Kaye tuwing umiiyak sya.

But at that moment ng pumasok sya sa conference room at nakita nyang umiiyak si Katherine, I saw the same old Hans.

Kaya ng lumapit sya sa akin at kinuha nya si Katherine ay hinayaan ko na lang siya.  Way back when, sya lang din naman ang nakakapagpakalma kay Kaye.

I allowed him to take charge.  And frankly, at this moment I could have killed Ethan sa ginawa nya.  Hans would too if he only knew.

Paasa si gago e.

T*ngnang nung nasa Galera kami pinakiusapan nya akong sila na lang muna ni Kaye ang magkasama sa kwarto.  Ako naman si tanga, akala ko e aayusin nya na lahat.

Kung hindi man magiging sila ni Kaye, at least man lang sana e nakipaghiwalay sya ng maayos.

Pero hindi.  Pinaasa lang nya talaga si Katherine.  Argh! Gagong yun.  Ni hindi man lang nagpasabi si gago.  Sana man lang napaghandaan ko ito di ba?

Hindi ko alam kung blessing o hindi na andito si Hans.  Alam kong makakatulong sya.  And yet, baka kung anu ang magawa nya kay Ethan pag nalaman nya ang totoo.

“How was she?” Tanong ko kay Hans pagbalik nya sa opisina.

Umiling sya, “not good.  Umiiyak uli nung iniwan ko.  Tapusin ko lang itong presentation tapos babalikan ko na siya doon.”

“Sasama ako.”  Tinignan nya ako na tila ba hindi alam kung anung isasagot sa akin, “Iuuwi ko na sya sa bahay nya.”  Paliwanag ko pa kay Hans.

“Pero…”

“Hans, marami ng nangyari sa sampung taon.  Baka yung Katherine na kilala mo noon, hindi na sya yung Katherine ngayon.”

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon