KATHERINE
"E bakit ba kasi hindi ka nag return call? Ang labo mo naman e, nag aalala kaya ako sa'yo." Himutok ni Thea habang nakapila kami sa canteen.
"Thea, alam mo naman na kung bakit. Nawala talaga sa isip ko."
"Pag magkasama talaga kayo ng gagong yun, lahat nakakalimutan mo!"
"Shh, lower your voice!" Saway ko sa kanya. "Baka kung sinong makarinig sa iyo."
"Hindi naman nila kilala ang pinag uusapan natin. T*ngna, ni hindi ka nga nya mapakilalang girlfriend. Buti pa dati, nakakalabas kau, e ngayon?" Sambit pa niya habang ibinababa namin ang tray namin sa mesa.
Tinutukoy ni Thea noong mga panahon barkada lang kami at walang malisya ni Ethan. Ngayon kasi, feeling ko isang tingin lang nila sa aming dalawa, they would know how i really feel! Hay, bakit ba napakatransparent ko pagdating sa kanya.
"Iwas gulo lang."
"Precisely sis, you need someone na di ka ikakahiya..."
"Di naman nya ako ikinahihiya ah..." Putol ko sa sinasabi.
"...at yung alam ng lahat na may relasyon kayo. Someone who can take care of you."
Di ko na masyadong napansin ang sinasabi ni Thea dahil nakita ko, mali, mas nauna pala ang naramdaman ko, na pumasok si Ethan sa canteen. Bagya akong napangiti pero agad din yung nawala ng makita kong kasunod nya si Sarah.
"Hoy, ba't bigla kang nalungkot?" Tanong ni Thea sabay lingon sa likod nya. Agad nyang nakita si Ethan at Sarah. "Anak naman talaga ng!!!!"
"Thea!!" Saway ko, pero di talaga marunong makinig ang isang ito.
"Ethan, Sarah!" Tawag pa niya bago ko sya napigilan. "Dito na lang kayo, mahirap maghanap ng upuan."
Pinandilatan ko sya ng mata, pero di nya ako pinansin. Me galit ba talaga sa akin ito dahil lang hindi ako nag return call kahapon???
Nagkatitigan kami ni Ethan pero pareho kaming walang magawa. Sa tingin ko nga ay pareho din naming gustong patayin si Thea ngayon. Hay! Talaga naman!
"Hi Thea. Hi Kaye." nakipagbeso beso pa itong si Sarah sa amin. Minsan iniisip ko sana di na lang sya ganito kabait. E di sana ako nakokonsensya sa ginagawa kong panloloko sa kanya.
Sumunod naman si Ethan kay Sarah sa pag halik sa mga pisngi namin ni Thea. Ha! Wala ding magawa ang gaga at di nakapalag kay Ethan. Ayaw din kasi ni Thea na mapahamak ako. Kahit pa forever na kaming galit bati, mahal pa din ako ng bruhang ito.
When Ethan leaned on me, his lips lingered a little bit longer. At napahigpit ang hawak nya sa beywang ko bago ako tuluyang binitawan at umupo sa tabi ni Sarah.
Sh!t! Was it just this morning when we last made love? At ngayon ay magkaharap kami sa mesa na para bang magkakilala lamang. Habang nakaupo sya sa tabi ng asawa nya.
Oo, asawa nya! Hindi ko ba agad nasabi na asawa niya si Sarah? Oh well, in our perfect universe kami ang magkarelasyon. Pero sa totoong buhay, asawa nya si Sarah. Limang taon na silang kasal pero di sila magkaanak.
Nung berks pa lang kami, naikwento ni Ethan na di gaanong mahilig sa s3x si Sarah. Bilang lang sa mga kamay nito ang mga pagkakataon na nagsese3x sila sa isang taon. Hanggang sa nagsawa na din sya sa kakapilit at dinaan na lamang sa mga one-night stand ang s3xual frustrations nya.
At oo pinaniwalaan ko ang bullsh!t nyang yun. Isa pa, lagi din kasing nasa field si Sarah. Kaya sobrang dalang nilang nagkakasama. Yun lang, pag wala si Sarah at di kami ang magkasama, sobrang ako naman ang napa praning.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...