Chapter 21: Birthday Boy

14.8K 222 1
                                    

A/N:   No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced.  You can, however, leave your comments and votes…

Syempre mas madaming votes, mas masaya =)

 

****************

KATHERINE

Gabi na ng matapos ang shoot at interview kay Hans.  He was as vague as possible pag tinatanong sya tungkol sa relasyon namin.  But he made one thing very, very clear:  He is off the market.

“Tired?”  Tanong nya sa akin.  Nakaupo ako ngayon sa mesa nya at pinagmamasdan ang mga litratong nakapatong sa cabinet sa likuran nya.

Napangiti ako ng makita ang picture namin nung kasal ni Matt.  Andun yung kaming apat plus Sky, right before the wedding, at yung isa ay kuha habang sumasayaw kami during the reception.

Kinuha nya ang picture na yun tinitigan.  “Beautiful,” sabi nya.

Lumapit sya sa akin, placed himself between my legs, and kissed my forehead.

Kinuha ko ang hawak nyang litrato.  We looked so intimate and serene.  ‘Twas like we belong in each other’s arms.

I smiled at him and kissed him on his lips.  It was meant to be a light kiss.  Pero as usual, we have this tendency to get carried away.  We were breathless when we stopped kissing.

Bahagya syang lumayo sa akin, “wanna go home now, Angel?”

“Let’s go,” aya ko sa kanya.

“Do we need separate cars?”

I smiled, “hindi na.  Let them talk.  Ganun lang din yun.  Nakabalandra na ang mga mukha natin sa magazines, at pinagdala mo ako ng pagkain sa opisina kanina.  I think it would be too late para magpanggap akong wala tayong relasyon.”

He held my hand habang palabas kami ng opisina nya.  Buti na lang din at may sariling lift ang executive offices. 

“Okay lang ba sa iyo kung mag dinner with Matt and Seb?  Kasama naman nilayung mga asawa nila.”

Talaga naman.  Kelan kaya yung family dinner?  Sunod sunod talaga e.  Nagmamadali lang talaga ito.

“Do I have a choice?” nakataas ang kilay ko habang nagtatanong.

“Meron naman.  Pero kawawa naman ako, sila may mga partners, ako wala.”  Puppy eyes.

“Hans!  Sabi ng you are too old to be doing that.”

“Mas matanda ka sa akin.”

Kinagat ko sya sa braso, “ang yabang mo!  Tatlong buwan lang kaya!”

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon