No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes...
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
P.S. Para sa'yo to @chadescudero wala talagang forever.
****************
KATHERINE
Nang magising ako ay mataas na ang sikat ng araw. At nag iisa na lang ako sa kama at tanging kumot lamang nag nakatakip sa hubad kong katawan.
Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Kung paano ipinuwersa sa akin ni Hans ang sarili nya na tila ba parang parusahan ako.
I would have made love with him. Willingly. But I think at that moment, he had other ideas. At alam kong yung ang paraan nya na kahit papaano ay maibsan ang galit na nadarama nya.
He made love to me after that, over and over until the break of dawn. And he did it as gentle as humanly possible.
And now he is gone.
Tumayo ako mula sa kama, not bothering to put on anything, at tumuloy sa banyo. Nalungkot ako ng walang nakahandang tubig sa tub. O kahit na note man lang sa salamin gaya ng dati nyang ginagawa.
Apparently nagbago na nga siya. But then, what did I expect? Yung hahanapin nya ako? Malalaman nyang may mga anak kami and he would welcome me with open arms? Yung he would get down on one knee, ask me to be his bride and promise me forever?
Lakas makag@go nun. Walang forever. At sa lahat lahat na rin lang ng nangyari sa amin ni Hans, mas lalong alam kong walang papatunguhan ang relasyon namin.
Kaya't naligo na lang ako at nagbihis, uuwi na uli ako sa amin. Talk to my brother at pagdedesisyunan na kung ano ang maaring naming gawin.
Gauging from Hans' reaction, alam kong hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha ang mga anak ko.
L!ntek naman kasing mahakbangan lang ako ni Hans e nabubuntis ako. Ayan may dalawa syang souvenir na pinagpaplanuhang bawiin sa akin.
"Good. Gising ka na."
Napatingin ako sa may pintuan kung saan andun si Hans. Nakaligo na din sya at nakapagbihis na. He looked older. Syempre trenta na sya.
But sometimes, I see a glimpse of that boy whom I fell in love with. Parang ngayon, he's wearing a black t-shirt, khaki na shorts at white na chucks. Kung titignan sya, iisipin mo na relaxed lang sya. Just another lazy Saturday morning with me.
And yet I know better. Sobrang nagpipigil pa din ito ng galit.
"Asan ang mga bata?" He asked.
"Pinauwi ko kay kuya sa Forbes."
"Good." Sagot nya, "daan tayo kina Matt, tapos susunduin natin sila."
"And?"
"And you all are going to stay with me sa Alabang."
Ganun lang. Hindi man lang sya nagtanong. Basta na lamang sya nagdesisyon.
"May buhay ako dito Hans, hindi mo naman puedeng basta na lang pagdesisyunan ang buhay namin."
"I can and I will." And there goes the boy. Eto na yung Hans na hindi ko kakilala.
"Oh, and by the way, wear this." Iniabot nya sa akin ang isang maliit na kahon.
"Anu ito?"
"Engagement ring mo. We'll get married in two weeks. Enough para mai-announce at maiayos nila itong resort for the wedding."
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...