A/N: Pagpasensyahan na po ang pagiging EMO ni Katherine, habang tumatagal ang pagsusulat ko ng story nya, baka sakaling malamang ko kung bakit lagi na lang syang senti.
****************
KATHERINE
Hindi ko na alam kung anung oras na. I’ve stayed in Hans’ room for God knows how long. Basta ang alam ko, pag nagigising ay nandun lang si Hans. Ni hindi ko alam kung umaalis ba ito, sa tabi ko habang natutulog ako.
Nagdesisyon na akong bumangon. This has to stop. Tama na ang pagluluksa ko sa pagkawala ni Ethan.
Oras na nga siguro para tanggapin kong dumating na yung time na kelangan na nya akong iwan. Hindi na puedeng mabuhay ako doon sa alternate universe na binuo namin.
Eto na ang realidad para sa aming dalawa.
“Welcome to the world of the living.”
“Ay!!!” sigaw ko. “Langya. Kelangan talaga manggulat?”
“Buhay ka na nga. Nakakapagmura ka na.”
“Malamang. Lakas nga ng tibok ng puso ko!! Pag inatake ako sa puso, kasalanan mo!”
“At least alam kong may puso ka pa,” nakangiting sabi nito habang papalapit sa kama kung saan ako nakaupo.
“Kanina ka pa ba andito?”
“Kakauwi ko lang galing opisina.”
“Anong araw na ba?”
Humalakhak ito at umupo sa gilid ng kama. Itinaas nya ang dalawang paa at inunan ang mga braso.
“Seryoso nga. Hindi ko alam kung anung oras na.” Nakasimangot kong sabi sa kanya.
“Gusto mo bang lumabas?” Balik nyang tanong sa akin.
Tinignan ko ang sarili ko. Suot ko ang t-shirt at shorts nya. Ni wala nga akong underwear. Paano naman akong lalabas.
“Pinagdala ka ng damit ni Thea. Andun.” Sabay turo sa closet nya. Aba, nasa closet na agad ang mga damit ko? Moving in agad agad?
“Why don’t you take a bath and then, hanap tayo ng kakainan sa labas. Game?”
Tumango lamang ako at pumunta sa closet na tinuro nya. “Shorts and shirt ok?” Tanong ko.
“Kahit ano. Maganda ka pa din.” Sabay tayo sa kama.
Feeling ko naman nagblush ako. Nung binuksan ko ang closet at nakita ko ang ilan sa mga damit ko at ilang mga bago.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...