Chapter Eight - Habang May Buhay

16.1K 225 0
                                    

Chapter Eight - Flashback

A/N:  No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced.  You can, however, leave your comments and votes

xoxoxoxJ


First Year College

 

KATHERINE

 

“Hello…”

“Hans…” humikbi ako sa kabilang linya nang marinig ko ang boses nya.

“Kaye, umiiyak ka ba?”  agad nyang tanong.  “Asan ka?  Pupuntahan kita.”

“Nasa kanto ninyo…”

“Antayin mo ako sa may simbahan, susunduin kita.”

Napaakap ako kay Hans ng makita ko sya, sabay hagulgol.

“Shhh… tahan na,”  sabi nya habang hinahaplos nya ang buhok  ko.

Nang mahimasmasan ako ay muli syang nagtanong, “Gusto mo bang pupunta sa amin? Wala sina lola ngayon.”

Tumango lamang ako habang naglalakad kaming papunta sa bahay na tinutuluyan nya. Dito sa compound nakatira ang lola nya habang ang mga magulang at kapatid nya ay nakatira sa isang exclusive village sa Makati. 

Pareho lang kami ng kwento.  Parehong nagrerebelde sa magulang.

Sya, lumayas sa bahay nila dahil nalaman nyang may ibang babae ang ama nya.  Kung tutuusin ay mababaw ang problema ko kesa sa kanya.  Pero sya ang ginagawa kong sandalan.  He became my strength sa mga panahong madalas shitty ang buhay ko.

“Upo ka muna dyan.”  Tinuro ang sofa nila.  “Kumain ka na ba?  Magluluto lang ako ng lunch natin.”

“Marunong kang magluto?”

“Relax.  Pinagdala ako ni Karyn ng pork chop at kung anu anu pang pagkain nila sa bahay.  Yung tipong iinit na lang.”

Si Karyn ang bunso nyang kapatid at kakambal ni Karl. 

“Hans…”

“Umm?”

“Halika muna dito.  Hold me for a while.   Hindi pa naman ako gutom e.”

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.  Nanatili kami sa ganung posisyon, hanggang sa napansin ko ang gitara sa tabi nya.

“Tumutugtog ka?”

“Yup.  Nasa choir ako.”

“Talaga?  Hindi nga?”

Kinuha nya ang gitira at inayos ang tono nito.  Matapos nun ay sinimulan nyang tumugtog at kumanta…

Nais kong mabuhay sa haba ng panahon

Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko

Ang aking buhay, ang aking buhay

Sa 'yo'y ibibigay

Tangi kong panalangin ay pagsamo mo

Kailanma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko

Habang may buhay, habang may buhay

Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy

Sa 'yo lamang iaalay

Ang aking buhay, ang aking buhay

Sa 'yo'y ibibigay

At kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo

Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko

Ibig kong malaman mo

Hanggang sa dulo ng mundo

Ang pangarap ko'y sa 'yo…

Matapos ang kanta nya, alam ko, he meant it will all his heart.  Na sa mga oras na yun, ako na ang buhay nya.

And I came here to break his heart.

__________

03 Jan 2015

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon