No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
****************
KATHERINE
Pauwi na kami sa bahay matapos akong pagtulungan ni Hans at Matt. Pasalamat talaga tong g@gong to mahal ko sya. Nakakarami na sya sa akin.
“Don’t do anything stupid,” bilin sa akin ni Hans nang makapasok kami sa gate ng bahay.
Anu pa naman kayang mas stupid pa ang puede kong gawin bukod sa pagpirma sa isang pre-nuptial agreement at pagpayag na i-bully ako nitong si Hans na magpakasal sa kanya.
Mag bestfriend nga sila ni Matt. Pareho silang bully.
“Anu naman kayang stupid ang gagawin ko Hans?” Itinaas ko ang kamay ko kung saan suot ko yung engagement ring na binigay nya kaninang umaga. “May mas stupid pa ba dito?”
For a brief moment I saw hurt on his face, pero agad naman yung napalitan nung indifference. Eto yung bagong facial expression nya.
“Loosen up Hans, I won’t do anything stupid. Because if I do, my brothers might kill you, even before you get a chance to say ‘I do’.” Nginitian ko sya at nagpatuloy, “and if you are too uptight, my brothers might just think na pinipikot kita.” Patapos nun ay tuluyan na akong bumaba ng sasakyan nya.
I had a glimpse of his confusion, at hindi ko alam kung matatawa ako. Sarap ding makabawi minsan.
Pagpasok sa bahay ay sinalubong kami ni Hanna. She was squealing with delight nung makita nya ako. Pero agad syang nagpababa nung makita nya si Hans.
Langya naman, may bond na agad silang dalawa? Unfair!
“Carry,” muling sabi ni Hanna kay Hans. I saw his expression soften habang binubuhat nya ang anak.
Si Hunter naman ay lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. But nothing more. He didn’t say a thing. He didn’t acknowledge Hans’ presence. Hindi ko naman talaga ipinakikilala pa sa kanya si Hans. At sa oras na ito, hindi ko pa din alam kung paano ipapaliwanang sa kanya ang lahat ng ito.
“Ah the princess returns, yan na ba ang prince charming mo?” Si Tristan. Bunso namin. Mas bata sya sa akin ng tatlong taon, at mas malakas lang din ang sapak.
Si Andrew ang panganay. Sya na ang pinakaresponsableng tao na nakilala ko. He took charge nung mamamtay ang mga magulang namin. He also became Hunter’s parent habang hinahanap ko ang sarili ko.
At mas mahalagang makumbinsi ko syang di labag sa loob ang pagpapakasal na gagawin ko.
“Katherine Angela.” Patay. Buo nyang tinawag ang pangalan ko. Bakit kaya mas takot pa ako kay Andrew kaysa sa tatay ko.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...