Chapter Four: She Knows

23.6K 289 1
                                    

ETHAN

Pinatayan na ako ng telepono ni Kaye. Sabi na nga na badtrip yun kanina.  Kung puede nga lang pumatol sa babae ginawa ko na. Pahamak talaga itong si Thea.

Kelangan makaisip ako ng paraan. Di dapat pinapatagal ang mga ganitong bagay. Mas maganda kung damage control agad.

I found myself walking towards her office.  This should go without a hitch.  We have done this a hundred times.  At sobrang galing naming magpanggap.  But then lately, feelin ko habang tumatagal lalong humihirap ang sitwasyon namin.

Siguro dahil na din I have fallen in love with Katherine.  At alam kong minsan ang hirap hirap itago.

Tagal kong nakatayo sa harap nya bago pa man nya napansin na andun pala ako.  it gave me time para titigan sya. Hay, bakit nga ba hindi kami kaagad nagkakilala.  Sana walang nagtatago. Sana puede ko syang i-date. O hawakan ang kamay nya habang naglalakad kami... O nakawan sya ng halik pag galit sya sa akin.  Sana puede kong ipagsigawan na mahal ko sya.

"Yes, anything?" She must be really pissed. Wala akong mabasa sa expression ng mukha nya.

Well, two can play this game, binigay ko sa kanya ang hawak kong folder, "we need the marketing plan for this site."

"Kailan ang deadline?"

Buti na lang talaga may mga projects pa kami.  Madaling makagawa ng dahilan.

"Ipepresent natin yan sa meeting next week with the new CFO.  I think magpapatawag ng departmental meeting anytime soon. Just be ready with the ideas."

Bahagya syang ngumiti.  Bibigay din ito.  Di naman ngapala yung ang problema, ang problema ay kung ka ilan?

"May mga notes na din dyan sa loob, you can go over them and tell me what you think."

Agad na akong umalis, while I'm still ahead.  Hayaan ko nga syang mabitin.  At least makakapag isip sya.  Countdown kung kailan nya ako tatawagan.  Tingin ko ten minutes. Kunwari magbabasa pa sya.

Pang tatlong tingin ko na ito sa relo. 15 minutes na wala pa din? Ay talaga namang tiniis ako.

Riinnngggg....

It took her 20 fvcking minutes to call? I'm in deep sh!t!

"Ethan?"

"Napabasa mo na ba yung proposal?" Pa cool pa din. Bakit kaya hindi na lang ako mag sorry tapos mag promise that I'll make it up to her?

"Yup. We can discuss the project over dinner. Tonight?"

Mamayang gabi na agad? Hindi ko naisip yun ah.  Hindi ko naman kasi napag isipan ang lahat nung puntahan ko sya.  Nung oras na yun ang pinakamahalaga sa akin ay ang makita ko sya.  Na maiparamdam ko na kahit anung mangyari ay mahalaga sya sa akin at mag eeffort ako.

Nag backfire sa akin.

"Ah, umm...hahatid ko si Sarah sa airport.  Paalis sya maya maya."

Ayan nasabi ko na.  Dumaan lang pala talaga si Sarah para ayain akong mag shower kaninang umaga.  At kumuha ng mga gamit para sa travel nya sa Singapore.

"Okay, let me know kung kelan natin pag uusapan ito.  I'll also inform the team." team meaning si Thea at Eric.

Uy sandali. Mukhang hindi galit. Me pag asa pa ako. And Sarah leaving tonight means that I'll get to spend my nights with Katherine.  And wake up each morning with her by my side.

"Sure. Same number right?"

Lame. That was so lame Ethan. Saway ko sarili.


*****

"Labs, are you ready to go?"

"Aalis ka na agad? Kala ko mamaya pang 12 ang flight mo?" Tanong ko kay Sarah.

 "Well, I was hoping we can have dinner before I leave.  Afterall, I'd be gone for two months."

"Hindi mo na kasi dapat tinanggap yan.  You're barely here as it is."

"Ethan, alam mo naman na kailangan yun for my promotion."

Akala nya dahil hindi ako sumagot ay okay na lang sa akin.  Kaya nga nagkanda leche leche ang relasyon namin ay kulang na nga sa s3x, lagi pa syang wala.

Yung walang s3x, puede naman sana.  Puede na akong magsarili pag nasa mood.  Pero ang hirap nung mag isa ka.  Yung walang connection.

Pero, dahilan ko na lang siguro yun. Sadyang nagmana lang ako sa tatay kong babaero. Ayaw ko lang aminin.   Pero akalain mo namang nung mahanap nya yung babaeng naging dahilan ng pag iwan nya sa amin ay tumino naman sya.

Siguro nga may makilala kang para sa iyo.  Yun nga lang minsan, hindi yun yung taong iniharap mo sa altar.

"I'm almost done. Give me a few minutes then daanan kita sa office ninyo."

Now having dinner bago ko ihatid si Sarah sa airport.  Pero bakit nga ba imbes na malungkot ako at halos inaantay ko na lang ang mga minuto bago tuluyan na syang pumunta ng Singapore at mawala ng dalawang buwan.

Ang bad ko lang talaga. Pede naman kasing makipaghiwalay.  Bakit hindi ko na lang kaya gawin?  Hay. Kasi nga sinabi ko na hindi hindi ko gagawin ang ginawa ng tatay ko.

“Ethan! Are you even here with me?”

“Huh?”  Oo nga, lumilipad talaga ang isip ko.

“Iniisip mo sya?”

“Huh?”  yup, wala na talaga akong maisagot sa tanong nya.  Alam na kaya nya?

“Hey, wag na tayong maglokohan.”  Sasagot pa sana ako pero hindi na niya ako hinayaang magsalita pa.  “Alam kong merong iba.  You’ve been cold for months, kahit ang tagal nating di magkita.  Plus ako na nga ang nag aaya, madalas ay tumatanggi ka pa.”

‘Sh!t.  Ganun ba talaga ako kal!bog at yun ang naging batayan nya na may babae ako?’

“I have no intention to know kung sino man sya.  But take this time na wala ako to sort things out.  Pagbalik ko, it’s either maghiwalay tayo o kalimutan natin na may babae ka at magsimula tayo uli.  Either way, you resolve this mess Ethan.”

Napatanga na lang talaga ako sa sinabi nya.  Ayokong magdeny dahil ayokong magsinungaling sa kanya.  But I’d have two months para magpaalam kay Katherine.  Two months to end our relationship.

-------

Nasa media yung pix ng tattoo ni Ethan

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon