Chapter 25: He's Back

14.6K 197 0
                                    

No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced.  You can, however, leave your comments and votes…

Syempre mas madaming votes, mas masaya =)

 

****************

KATHERINE

I’d been reading the report for the Puerto Galera Property on the way to Hans’ office.  Pinapaakyat nya ang report for his review bago pa tuluyang simulang ng company ang development.  Going through the report, I realized how quickly my life has changed in the last three months.

Kelan lang, I would be what one would consider a mistress.  Although, totoo naman.  But I never considered myself na ganun. 

Lagi kong sinasabi na nagmahal lang ako. 

I never intended to take him away from his family.  I just wanted a few moments with Ethan whenever Sarah is not around.  And then it became a full blown affair.  Hanggang sa sobrang ang sakit sakit na.

Hanggang iniwan na nya ako.  Hanggang sa sya na rin ang sumuko.

Buti na lang hindi ako sinukuan ng mga kaibigan ko.  Buti na lang andun si Hans to pick up the broken pieces with me.

Minsan nga naiisip ko na sobrang malungkot na lang ako nung bumalik ako sa Pilipinas at walang pinatutunguhan ang buhay ko kaya hinayaan ko na rin ang sarili ko na magkaroon ng relasyon with Ethan.

Siguro nagwork para sa akin ang ganoong relasyon dahil hindi ko rin mabigay ng buo ang sarili ko sa kanya.

Ngayon ko lang na realize that it has always been Hans.  Sa lahat ng mga nangyari sa akin, I think I never stopped loving him.  Somewhere along the way, pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ko na sya mahal.  Na nakalimutan ko sya.  Yung lang siguro ang tanging paraan para makalimutan ko yung sakit ng paghihiwalay namin.

At dahil hindi rin lang ako nagpaalam ng maayos sa kanya, hindi ko alam kung mag aantay ba sya o kung may babalikan ako.

♥ﻕ♥ﻕ♥ﻕ♥ﻕ♥ﻕ

Malapit na ako sa pinto ng office ni Hans nung maamoy ko ang paborito nyang cologne, and then I felt that familiar feeling.

Nag angat ako ng mata mula sa binabasa ko, and then my heart literally skipped a beat or two.  Alam mo yung madalas kong nababasa sa pocketbook yun, tapos sabi ko sa sarili ko, ang OA naman nun.

Pero nung oras na iyon.   Literal na huminto ang pagtibok na puso ko.  Biglang nanlamig ang buong katawan ko.   I was immobilized for a moment.  Pero dumiretso pa rin ako sa office ni Hans.

Bahagyan kami nagkatitigan, pero kapwa walang kibo.  Akmang may gusto syang sabihin pero tila nagbago ang isip niya at umiwas na lamang ng tingin.

At ganun ganun na lamang tapos biglang bumalik na lang lahat.  The memories came crashing in.  The waiting.  The late nights in bed.  The laughters.  The tears.  His promises.  The pain.

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon