A/N: No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
****************
KATHERINE
Lumipas na ang mga araw simula ng manggaling kami sa Galera. We've prepared and submitted the report.
Ngunit simula ng magbalik kami sa Maynila ay hindi pa rin kami nag-uusap uli ni Ethan. He stopped communicating with me. He’s not returning my calls. Kahit isang text wala. Wala ng good morning sa umaga, o kaya ay nagtatanong kung kumain na ako ng agahan… o ng lunch… o kung anung oras ako uuwi.
Wala. Tahimik na.
Hindi na din sya umuuwi sa condo.
Wala akong idea kung anu ang nangyari. He was the perfect boyfriend nung nasa Galera kami. So attentive to my needs.
T@ngna, umasa tuloy na ako baka sakali ngang ako ang pipiliin nya.
Samantalang all I wanted for that trip was to distance myself from him. Na turuan ko ang sarili ko na umiwas at unti-unti syang bitawan. Treat him as what our relationship should been in the first place. Fvck bvddies. Ganun lang naman talaga dapat kami.
Hindi ako dapat nahulog. Hindi ako dapat nagmahal
And yet, umaasa ako. Umaasa ako na kahit konti e mahalin nya din ako. Umaasa ako na kahit hindi nya sinasabi ay totoo ang mga ipinaparamdam nya sa akin.
Umasa ako na kahit na andun doon si Sarah ay puede ako manghiram ng panahon nya.
Umasa ako.
Lalo pa ng nangako siyang hindi nya ako iiwan.
Pauulit ulit yung nag eecho sa isip ko…
"Basta kahit anung mangyari, andito pa rin ako. Hindi kita iiwan."
Pero ngayon, eto at hindi nya ako pinapansin. Ni hindi ko sya makausap tungkol sa project na kailangan na din namin i-present.
Feeling ko nag iisa ako kahit pa nandyan si Thea at si Eric na umaalalay sa akin. Kahit na hindi nila ako hinahayaang mag isa at pilit silang gumagawa ng paraan para aliwin ako.
Kahit si Hans ay umaalalay sa akin dahil may mga trabaho na akong di naayos. Pero iniiwasan ko pa rin na maulit ang nangyari sa office nya. In fact, kung hindi rin lamang sadyang kailangan ay hindi ko sya kinakausap at kung magkasabay o magkasalubong man kami ay umiiwas ako.
Hindi ito ang tamang panahon para sa closure o kung anu mang kailangan ni Hans sa akin. Masyado akong maraming issues para idagdag ko pa ang komplikasyon ang nakaraan namin.
“Kaye,” si Ma’am Maricel, alam ko na kung anu ang papatunguhan ng usapang ito. “About the presentation…”
Sabi ko na nga ba e. Ang dami nyang sinabi at pinaliwanag sa akin pero isa lang ang rumehistro:
“Wala si Ethan, sumunod kay Sarah sa Singapore…”
Pvcha, biglang gusto kong sumigaw. Magwala. T@ngna naman nya. Wala pang isang linggo ng nangako siya sa akin na hindi nya ako iiwan, at ano, eto’t ni walang pasabi na sumunod sya kay Sarah?
Madali namang magpaalam di ba?
“I trust that he endorsed everything to you? Mamayang hapon na ang presentation.”
Hindi na talaga ako makasagot, kung hindi lang siguro lumapit si Thea at hawak ang kamay ko ay nag break down na ako ng tuluyan.
“We’ll be ready at 4, ma’am.” Sagot ni Thea para sa akin. “We’ve been working on the presentation since we returned. I’m sure maiimpress natin ang Board, as well as the future investors.”
“Good. Make sure it goes off without a hitch.”
“Yes m’am,” sagot uli ni Thea sabay dinala ako sa mini conference room namin kung saan naghihintay si Eric.
Pagkasarang pagkasara ng pinto at sabay ng paghagulgol ko. Inakap ako ni Thea at hinagod niya ang likod ko. Sobrang sakit nung alam mong hindi ka na nga pinili wala pang decency to say goodbye.
“T@ngna Thea, bakit? Sobrang wala ko bang kwentang tao na hindi man lamang niya ako maharap?”
Hindi naman ako masagot ni Thea, pero patuloy sa sya paghawak sa akin, until I felt his arms holding me, and heard him whisper, “shhh, angel, I’m here. I’ll make everything right.”
Sana kung ganun lang kadali.
He wrapped his arms around and cradled me into his arms like a child. And the familiarity of the past hit me.
I’ve always known I was safe with him. Ganito lang din dati tuwing umiiyak ako. Lagi syang andyan. He knows the right words to say. He knows when to touch me and when he shouldn’t.
At dahil doon ay hinyaan ko na lamang ang sarili ko na maramdaman ay security na ibinibigay sa akin ng mga oras na yun ni Hans.
He continued to hold me hanggang sa maubos na ang mga luha ko. And yet, hindi nya ako binitawan nang sinabi nya kay Eric na “prepare the presentation. Ako na ang magpepresent sa Board mamaya.”
“Thea, email mo sa akin yung narrative report. Ihahatid ko lang sa bahay si Kaye.”
Hindi na ako tumanggi. Pagod na pagod na ako. Between the emotional turmoil that Ethan put me through at sa puyat nung nasa Galera pa kami, sobrang drained ko na.
Pinasunod na lang ni Hans kay Thea ang mga gamit ko sa kotse. Idinaan na lang ako ni Hans sa private lift nya para wala ng makakita sa mugto kong mga mata.
Hanggang sa naihatid na ako ni Hans sa condo.
The place I shared with Ethan. Damn. I could still smell him on my sheets. Kailangan ko na sigurong magpalaundry at itabi na lahat ng gamit nya.
Pumili na sya.
At ako ang naiwan.
__________
19 Jan 2015
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...