A/N: No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
****************
KATHERINE
Inabot din kami ng halos isang linggo sa Baguio. Minsan namamasyal kami minsan, minsan nasa cabin lang. Ako, nagbabasa ng libro, sya nagtatapos ng ilang trabaho na dinadala ng driver o di kaya ay iniemail sa kanya.
May isang araw pa nga na naglunch kami kasama sina Matt at Victoria. Medyo okay naman si Matt sa akin, parang wala na lang din siguro syang magawa ngayon o napagsabihan sya ni Victoria. Either way, masaya silang kasama.
I also think I gained a friend kay Victoria, we exchanged numbers and promised to have coffee.
Besides, sobrang cute din ni Sky and I want to see her too.
Nakuha nya ang kulay ng mata ni Matt, pero mas light ang pagkaka blue ng mata nya, at sabi nila ang strawberry blonde na kulay ng buhok nya ay galing sa nanay ni Matt.
Biro nga namin kay Victoria, gender lang ang nakuha sa kanya.
Sky got Matt wrapped around her pretty little fingers. Come to think of it, pati Hans, sobrang naaaliw sa inaanak nya. Sabi nya sa akin, pagbalik ng Manila ay bibisitahin namin sina Matt sa bahay.
Pero nasa Baguio pa lang ay pinahiniram na nila sa amin si Sky para ipasyal. Parang ang saya saya lang din ni Hans habang kasama si Sky. Nakakagulat nga na marunong siyang mag alaga ng bata.
Pero sabi nya nga, nung nakatira sya sa lola nya ay madami syang pinsan na naalagaan.
At matapos ang mahabang bakasyon, pabalik na kami sa realidad.
“Matulog ka muna. Mahaba pa ang byahe.”
“Hindi ako makatulog. Gusto mo ako muna ang mag drive?”
Isang malakas na “No!” ang sinagot nya sa akin. With matching head moments pa yan ha.
Natawa na lang ako sa kanya, “chauvinist.”
“I’m not,” sagot nya, “gusto ko lang kasi inaalagaan kita.”
“Sige na. Hindi ko na hahawakan yang manibela mo… pero puedeng pakambyo?”
“Pilya ka!”
Saglit pa ay nakatulog din siguro ako, kasi susunod na imulat ko ang mata ko ay nasa parking lot na kami at pinapatay na ni Hans ang makina.
“Saan na tayo?” tanong kosa kanya. Kasi naman hindi pamilyar ang parking lot na ito sa akin. This is definitely not my condo. Mas sosyal ito.
“We’re home.”
“Huh?” tanong ko ulit habang inaalalayan niya akong bumaba ng sasakyan.
“Unit ko sa Makati.”
“Hans, di ba nga may bahay naman talaga ako? Dinaanan pa nga natin e.”
“Halika muna sa taas, doon natin ‘to pag usapan.”
Dumiretso kami sa isang private lift at inilabas nya ang keycard. Wow naman, penthouse talaga?
Malaki din ang unit nya, nasa tatlo o apat siguro ang kwarto. May sariling garden at swimming pool. Ganito ba talaga siya kayaman?
Sabagay yung ancestral house naman nila, malaki at bongga din. Luma nga lang pero malaki talaga.
“May penthouse ka sa Makati tapos may mansion ka pa sa Alabang? What do you need those houses for?”
“Yung sa Alabang, doon ko ititira ang magiging pamilya ko. Itong unit na ito, this is where I live, sleep, work.”
“Ah bachelor pad?”
“Nope. If you are wondering kung may mga babae akong inuwi dito, sasagutin ko na, wala. But I want you to stay with me.”
“Live in agad agad? Kailan lang nag declare kang girlfriend mo ako tapos ngayon gusto mo live in na?”
“Gusto ko lang na makasama ka. Kahit hindi dito. Kahit sa bahay mo. O sa condo.”
Ayos lang sya? Gusto nyang iuwi ko sya sa fvck pad ko? Ayoko na ngang bumalik dun.
“Bakit hindi puedeng yung normal na boyfriend-girlfriend lang na set-up?”
At oo, ngayon pa ako magpapakipot di ba? Nag honeymoon na nga kami sa Baguio.
“Because if it escaped your mind, we have been sleeping together for the past week. Nasanay na akong katabi kang matulog.”
“Hans, if we live together, ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa opisina.”
“Laman na tayo ng lahat ng society pages because of Matt’s wedding.”
Napasinghap ako. Nalimutan ko nga palang wedding of the year ang kasal nina Matt. Although it was a private event, it was covered by their corporate press. Nagbigay sila ng ilang pictures sa media para sa press release na din ng resort nila Greece. D@mn. Hindi ko naisip yun.
“C’mon, let’s go to bed. May sabado at linggo ka pa para magdesisyon.”
At dahil sobrang tulala ko, hindi ko na din halos napansin na nasa kwarto na nya ako. Oh well, bawal ngang mag inarte di ba?
I still have the weekend with him.
___________
12 Feb 2015
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...