No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
A/N : Wag masyadong ma-tense a title ng chapter, marerealize nyo din bakit ganyan ang title =)
****************
HANS
Hindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang naramdaman ko ng makita ko syang namumulta at na confirm ko na si Ethan ang lover nya. I never really imagined that she’ll get mixed up with a married man.
Akala ko simpleng relasyon lang na nagkalabuan. I was so wrong.
Kaya ng daanan ko sya sa opisina nya at sinabihan ako ni Thea na naunang ng umuwi si Katherine, di ko alam kung anung mararamdaman ko. She waited for me nung nakilala nya si Ellie, at ngayong nag react ako sa nalaman ko, iniwan na lang nya ako basta?
Whatever happened to trying to make it work?
At nang hindi ko sya abutan sa bahay ay alam ko na. D@mn. Ginamit nya akong pampalipas ng oras.
She probably went back to Ethan.
Ako, I kept to myself. Hindi na ako bumaba sa floor nila. Never even tried to communicate with her.
And yet after two weeks, na confim ko ng hindi naman sila nagkabalikan ni Ethan. In fact ni hindi pa sila muling nag uusap. Haba ng sermon sa akin ni Thea nung isang araw kung gaano ako katanga. Yung tipong pinamukha niya sa akin na ang dali ko namang sumuko.
Paano naman nung mga panahon iniwan sya ni Ethan, isang konsepto lang sya. Hindi ko kilala. I knew Kaye loved the guy pero dahil hindi ko kilala kung sino, kaya akala ko okay lang ang lahat sa amin.
Akala ko pag binabayaan ko sya kung kanino sya sasaya ok na.
Hindi pala ganun.
Yung nakikita ko syang miserable, hindi ko kaya yun.
Pero, oo. Ako na ang tanga. Hindi ko pa rin sya sinuyo. Pa-miss lang ang drama ko. And I don’t think it’s working.
Rebelde-mode ngayon si Kaye. Self-destructive.
I wonder how she would react pag nalaman nyang lumabas na yung article sa cosmo kung saan kasama ang picture nya.
I need to find her. Oras na para mag usap kami. Perfect din ang timing kasi Christmas party na ng office.
After a few hours, hindi ko pa rin sya mhanap. Gabi na at hindi na ako mapakali. Kanina lamang ay nakita ko si Kaye kasama ang ilang kasamahan sa opisina.
Nakasuot sya ng maong na mini skirt at plain na pink t-shirt, pero napalilibutan pa din ito ng kalalakihan. It is as if may magnet sya sa mga ito. Maybe I should start looking kung saan may naka kumpol na mga kalalakihan, surely, doon ko makikita si Kaye.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...