No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
****************
HANS
Pretend?! Yan ang sabi sa akin ni Katherine. Pretend harder. T@ngna, kala ba niya madali lang ito. Hindi ko pa talaga napoproseso ang mga nangyari. Ang tanging klaro lang sa akin ngayon ay may dalawa akong anak at binully ko sya na magpakasal sa akin in two weeks.
Para sa akin na sya forever. Para wala ng Ethan. O kung sino pa man na gustong pumorma.
Ako na ang selfish. Pero ayoko nang magparaya. The last time na ginawa ko yun, hindi lang sya ang nawala sa akin. I also lost the chance na maalagaan si Hanna nung baby pa sya. O makilala si Hunter ng mas maaga.
Wala na akong oras para suyuin at ligawan pa sya. Knowing Katherine, hindi na sya dapat pinag-iisip. Nauuna lagi ang hesitation sa kanya.
Isa pa pag pinakita ko sa kanya na that I am still the besotted fool na sobrang in-love sa kanya, she might just use it against me. Kaya I act as unaffected as possible. Hindi ko nga lang alam na naaapektuhan na pala si Hunter sa lahat ng iyon.
Buti na lang at narinig ko sila ni Kaye kanina. At least alam ko kung anu ang iniisip nya: I have a right to be mad.
Yeah, I do. At don’t get me wrong. Galit pa rin ako sa mga nangyari. Pero part of me understands why they happened. And if truth be told, I just want to move past everything. And hirap nga lang talaga.
And yet, the moment na madikit ako sa kanya. I just can’t control myself. Alam mo yung I want to hold her tight at hindi na sya bitawan kahit kailan. Tama nga si Matt, itinatali ko sa akin si Katherine by not giving her a choice.
I wiped all the expression from my face, “sure. I’d be the most devoted fiancé and eventually, husband, na makikita nila. But I warn you Kaye, you will act accordingly. And make sure that you will not do anything that will embarrass me.”
Tinaasan nya lang ako ng kilay. Langya naman talaga. Kung iba lang ang kausap ko nito, nanginginig na sa takot.
“And you are not to communicate with Ethan ever again.”
Hindi na ako nag antay na sumagot pa siya. Lumabas na lamang ako sa kwarto at pumunta sa mini bar. At this rate, bago pa man kami ikasal ni Katherine ay alcoholic na ako.
I stayed there hanggang sa tingin ko ay tulog na sya. At then bumalik na ako sa kwarto. I laid beside her and pulled her close.
And she moved a little closer, I made love to her until I completely lost myself.
_______________
KATHERINE
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...