No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes…
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
Ayan na Camille ang request mo na maging kontrabida si Amelia =)
****************
KATHERINE
Isang light pink na floor length gown ang suot ko. Yung Grecian style. Ayan. Mukha na akong dyosa. Si Hanna is also wearing a gown of the same color. Si Hans at Hunter naman parehong naka coat and tie. Yung tie nila match ng color ng gowns namin.
Kami na ang happy family. At aaminin ko, picture perfect kami ha. Yung tipong pang portrait ang effect.
As promised, Hans has been the devoted and attentive fiancé and host. Sya ang sumasalubong sa mga guest at kung di ko nga lang alam ang totoo, iisipin ko na he’s enjoying every minute of it. Lalo na pag pinapakilala nya sina Hanna at Hunter.
Pero nang dumating sina Matt ay nagkatitigan lang kami. Pareho naming alam ni Matt ang totoo. No need to pretend except of course kay Victoria.
“Katherine!” Agad nya akong nilapitan at nagbeso beso. Buhat buhat ni Matt si Sky, who’s already three pero mukha pa rin siyang baby pag buhat ng tatay niya.
“Look at them,” sabi ni Victoria at tinuro sina Matt at Hans. “Pareho na silang may baby girl. Kelan lang nakikipag agawan pa yang si Hans kay Sky.”
Sinundan ko ng tingin si Victoria at yeah, they do look good. Nagtagumpay na si Hans na may sarili na din syang baby.
“Matt,” tawag ko sa kanya. Nagulat naman si g*go, akala nya ata isusumbong ko sya kay Victoria, “pakilala mo si Jovik kay Hunter.”
Ganti ganti nga lang yan di ba? Yaan mo syang mag isip kung kelan ko sya isusumbong sa asawa nya na binully nila akong magbestfriend.
“Sundan nyo na si Hanna,” sabi sa akin ni Victoria.
“Ha!”
Natawa sya, “para may kalaro yung bagong baby namin.”
Napatingin ako sa kanya ng may pagtatanong.
“Three months,” sabi nya.
Di ko tuloy mapigilan na akapin sya. “Wow! Congrats!”
Yun lang nasabi ko. Alangan namang sabihin ko sa kanya na feeling ko binubuntis ako ni Hans. Na 48 hrs pa lang kaming magkasama ulit e half of it nasa kama kami.
Lumapit sa amin ang dalawang boys at agad namang may lumapit ding photographer to take a picture. Yung huli naming picture together ay kasal nina Matt sa Baguio. Si Hans pa ang may hawak kay Sky. Ngayon, kumpleto na pati sina Jovik at Hunter hindi nagkakalayo ang edad.
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...