Chapter 41 - Revelations
No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes...
Syempre mas madaming votes, mas masaya =)
****************
HANS
"Dad," tinignan ko si Hunter na nasa may pintuan kasama si Thea. "You should go home."
"Kailangan kong bantayan ang mommy mo."
"Well, you need to change," sabi nya habang tinuturo ang suot ko. "You look like a mess."
Ito pa ring yung suot ko nung umalis ako ng bahay para pumasok sa opisina. May tuyong dugo na sa pantalon ko nung dalhin ko si Katherine sa ospital. May dugo na rin ang long sleeves ko gawa ng pagsapak sa akin ni Andrew.
"Besides, Hanna needs you. She couldn't sleep."
Tinignan ko silang dalawa ni Thea, still suspicious of their motives. Sobrang naparanoid ako sa sinabi ni Andrew.
"Dad," tawag uli sa akin ni Hunter. "I will not leave. And I will not let Tito Andrew to take us away from you." He assured me.
Napahiya naman akong bigla, pero at the same time, natuwa ako dahil alam kong this time, nakapag adjust na sya sa akin.
"You should leave na." Pilit nya pa sa akin. "We will call you when she wakes up."
___________
Nagpahatid ako sa driver sa bahay pero binilinan ko sya na aalis din kami agad.
I took a quick shower at changed my clothes. Naghanda din ako ng mga gagamitin sa ospital. Mukhang matatagalan kami doon.
Nang maayos ko na ang dadalhin ay pinuntahan ko si Hanna sa kwarto nya. Nagtatantrums ang anak ko ng datnan. Agad ko siyang kinuha sa yaya.
"Da-ad..." humihikbi sya.
"Ayaw po niyang matulog, kanina pa umiiyak," sabi sa akin ng yaya.
"Sige ako na ang magpapatulog sa kanya."
Sanay naman syang kasama nya ang yaya nya, pero nararamdaman din siguro nyang may nangyayari sa paligid nya.
"Mo-om..." iyak nya uli.
"Shhhh, baby. Tahan na." sabi ko sa kanya habang ipinaghehele ko sya. "Pag okay na si mommy, dadalhin kita sa hospital to see her."
____________
Pagbalik ko sa ospital ay nakita ko sa labas ng kwarto ni Katherine si Ethan kausap si Thea.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Visiting a friend," he said casually.
Pag sinapak ko kaya ito dito iba-ban din ako ni Jason sa ospital? I'm tempted, really.
Tumayo sa gitna namin si Thea, "utang na loob Hans! Kanina pa ako umaawat ha. Ethan is Katherine's friend. Dumadalaw lang sya."
BINABASA MO ANG
Rude Awakening
ChickLitKatherine is having an affair with Ethan nang muli silang magkita ni Hans, ang ex-BF, now boss turned lover nya... (EXCERPT) He's too damned close. Dapat sana ay umiiwas ako pero hinayaan ko syang makalapit at hawiin ang buhok ko. Nang inilapit nya...