Chapter 15

18.4K 237 7
                                    

A/N:   Camille, hinay hinay sa pagbabasa ha?  Baka hindi ito pambata =)

 

****************

KATHERINE

Sige na nga, ako na ang kinilig sa lunch / merienda namin ni Hans.  Pede mo nga atang isama ang early dinner. 

“Nabusog ako ha.”

“That’s was my intention.  Ang laki ng pinayat mo e.”

“Agad agad?  Tatlong araw lang payat na agad?”

“Mas maganda kung medyo me laman ka ha.”

“Pero sobrang busog ko lang talaga, lakad lakad tayo.”

“Lakad tayo sa may walls?”

“Sige.”   Na excite naman ako.  Tagal ko na ding hindi nagpupunta dito.  Last time na andito kami ay morning after nung first time namin.  Bago ako tuluyang umalis.

He held my hand, squeezed it a bit.  “Lika na.”

Naglakad kami namagkahawak ang kamay.  Kapwa hindi nagkikibuan. 

Palubog na ang araw.  Malapit ng matapos ang araw na ito.  Hanggang kailan kaya ako malulungkot?

I shivered.

“Nilalamig ka?”

Bahagya kong inangat ang mukha para tumingin sa kanya, “embrace mo ‘ko.”

Hindi ko na kailangang magdalawang salita, binitwan nya ang kamay ko, umakbay sa akin at inilapit ang katawan ko sa kanya.  “Better?”

“Yes.  Paminsan minsan pede naman tayong ganito.”

“Ayoko nga.  Baka masanay ka,”  biro nya.

“Promise di ako aasa,”  I shot back, and he just laughed. 

Patuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin ang dati naming spot.  “Want to stay here?”

I sat on the pavement overlooking the golf course and facing clock tower.   It felt so good to be back.  Yung feeling na umuwi ka matapos ang mahabang panahon kang naligaw.

Umupo si Hans sa tabi ko.  Ipinatong nya ang kamay nya sa may tuhod ko habang idinantay ko naman ang ulo ko sa balikat nya. 

We stayed that way.  Walang nagsasalita sa amin.  I think we were both caught up in the moment.

Pinanuod namin ang mga naglalaro ng golf.  Pinanuod namin kung paano lumubog ang araw.  Inabot namin na magbukas ang mga ilaw sa golf course at dumilim sa kinaroroonan namin.

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon