Chapter 40 - Can't Live Without Her

15.4K 241 12
                                    

Chapter 40

 

No part of this chapter, or all the other previous chapters, may be reproduced.  You can, however, leave your comments and votes...

Syempre mas madaming votes, mas masaya =)

 

****************

HANS

Binuhat ko papunta sa sasakyan si Katherine.  She passed out nung makita nya ang dugo sa hita nya.  Apparently, alam nyang buntis sya.  Sabi ng driver galing sila sa ospital bago sya nagpahatid sa opisina ko.

Habang nasa byahe ay tinawagan ko na si Maddie at sinabing papunta kami sa ospital.

"What happened?"  salubong sa amin ni Maddie sa ER habang ibinababa ko si Katherine sa stretcher.

"She's bleeding and she passed out," sabi ko sa kanya.

"Did you have any idea that she is pregnant?"

"No."

"Was she stressed?"

"Maddie, she was throwing things at me, I think she is beyond stressed."

"Hans, alam mo namang..."

"I know, but I didn't know she was pregnant."  Sabi ko, sabay bawi, "is pregnant."

"You need to wait here," sabi nya sa akin nang makarating na kami sa may pinto ng OR.  "I already called Matt.  He should be here any minute now."

"Maddie,"  tawag ko sa kanya, "kung hindi kaya, don't try to save them both.  Priority mo si Katherine."  I know my voice was breaking.  I know I should tell her to try to save them both, but not if that would only endanger Katherine's life.

"You need to sign a waiver for that Hans. Let me do my job and just fill out the necessary forms."

Nanginginig ako habang nagsususlat.  May mga bagay talagang hindi kayang bilhin ng pera.  Kahit gaano pa yan karami, kung mawawalan ka, mawawalan ka talaga.

Naalala ko nung huling beses na dinala ko sya sa ospital, we lost a child and I almost lost her then.   Andito na naman ako sa ganun sitwasyon.  At buo naman ang loob ko na hindi nila kailangang i-save ang baby kung mailalagay lang din sa peligro ang buhay ni Katherine.

Kahit hindi na uli kami magkaanak.  Kahit hindi ko na sya makitang buntis sa anak namin.  Kahit hindi ko na maranasan yung magpuyat sa gabi dahil may baby na umiiyak at kailangan ipaghele o painumin ng gatas. O yung magpalit ng diaper.  Basta wag lang mawawala sa akin si Katherine.

______________

"Who's inside," tanong sa akin ni Matt.

"Si Maddie at si Jason."

Rude AwakeningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon