CHAPTER THIRTY

24 2 0
                                    

Hi sa mga readers ko na umabot hanggang Chapter na to 😊 Salamat ng marami sa pagsupport and I love you all from the bottom of my heart ❤

T O B E R

"Okay guys this is exciting!"

Kinakabahan ako sa pagngiti ni Anastacia. Nasa tabing dagat na kami. Lahat ay nakaupo at nakabilog sa ginawa nilang apoy kanina. Sila Two at Uno lang ang wala pa dito dahil umalis sila at may inasikaso. Hindi ko lang alam kung ano.

"Gaano naman ka-exciting yan Ana? Please bigyan mo kami ng thrill, yung yayanigin buong pagkatao ko"

Si Jupiter. Na napakalma ko din kanina dahil sa selos. Pero hindi ko alam kung mapipigilan niya ngayon ang dadamdamin dahil magkakaharap harap na naman kami. Kilala ko siya, hindi siya madaling magalit. He was calm even though he wants to cuss you to death.

"Jupiter, this is what you call thrill and exciting! Mapapawow ka na lang talaga sa sarap!"

"What is it then Anastacia? Let's see kung tama nga yang sinasabi mo"

Tumawa ang lahat dahil napanguso na lang si Ana kay Dee. Grey was beside her. The kids was asleep. Napagod kanina kakalangoy sa dagat.

"Truth or dare"

"Ano namang thrill diyan? It's a common game Anastacia" Saturn utter. Kanina pa din siya tahimik simula nang dumating si Sky. Wala siyang sinasabi. Maybe he respect his friend even if we know Sky's doing.

"With a twist duh! Pwede ba patapusin niyo muna ako! Wait nasaan ba yung dalawa?"

"Were here"

Sumiksik sa gitna namin ni Air si Two at pumagitna naman si Uno kay Saturn at Forth. Forth was serious and intimidating at the same time.

"Where were you at?" Bulong ko kay Two na kumuha ng marshmallow na nakatusok sa stick habang niluluto sa apoy.

"It's nothing, may pinag-usapan lang kami ni Uno"

Pinakatitigan ko siyang mabuti. Alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi. But now, I know his telling the truth.

"Okay guys!" Ana clap her hands and look at us one by one. "Are you ready guys?"


"Tell us what the 'twist' tingy Anastacia, masyado mo na kaming binibitin e"

Bumanat na naman si Jupiter. Halata na din ang pagkakakunot ng noo niya. Hindi talaga masara ang bibig niy. Pero kapag nagseselos may pawalk out pang nalaman.

"Truth or dare na walang dare, gets?" Nakangising anas ni Ana kay Jupiter.

"Ano yun? Truth or dare tapos walang dare? Tinotalkshit mo ba kami Anastacia?" Jupiter was confused and pissed. Nakakatawa ang reaksyon niyang nakatingin lang kay Ana.

"Can you please listen first Jupiter? Patahimikin mo nga yang planeta mo Air"

Narinig ko lang ang mahinang pagtawa ni Air. I feel the cold hands touching my nape as he smiles too of the scene were watching.

MY LOVER'S RIVAL ( ETERNAL LOVE ) BXB COMPLETEDWhere stories live. Discover now