T O B E R
"Diba ang english ng tahong mussels?"
Nasa resto kami ng hotel sa baba nang bumanat na naman si Jupiter. Hindi talaga siya nawawalan ng sasabihin kapag magkakasama kami.
"Yep!"
Ang iba ay sumagot. Ang iba naman ay umiiling na lang. Puro kalokohan lang naman ang lumalabas sa bibig ni Jupiter kaya hindi na namin pinapansin minsan.
"So why Sky's favorite is that 'tahong' kahit na hindi naman siya mahilig sa babae?"
I raised my brow and I was about to react when Uno throw something towards Jupiter. Tatawa tawa namang sinimulan na naman niyang kainin ang tahong na nasa malaking bowl.
"Parang hindi lang naman si Sky ang mahilig sa tahong Jupiter" turan ni Uno.
Binitawan niya ang binubuksang tahong at nagpunas ng kamay sa table napkin. Nilingon pa niya si Air na tatawa tawa sa tabi niya.
"Dapat si Grey ang tinatanong niyo niyan, diba pareng Grey?" Sugsug ni Jupiter sa asawa ni Anastacia.
Grey laughed not minding Anastacia who wants to cover her self under the table. Kumuha na lang din ako sa lagayan ko ng tahong at dinamihan ko ng sabaw. Masarap naman kasi ang tahong na gawa ni Anastacia. Marunong siyang magluto, kahit anong putahe.
"Uno"
Sinipsip ko ang sabaw sa tahong at inangat ang paningin ko kay Jupiter. He was grinning while teasing Uno using his eyes.
"Oh?"
"Alam mo ba ang paborito ni Saturn na pagkain?" May nanunuksong tingin si Jupiter kay Uno.
Uno smirk and turn to face Saturn. Mukhang alam ko na ang paboritong pagkain ni Saturn dahil nakailang balat na siya ng saging simula nang magsikain kami kanina.
"It's obvious bro"
"Tumigil ka nga diyan Jupiter, akala mo nakakatawa ka?" Binato ni Saturn ng balat ng saging ang kakambal habang umiinum ng tubig. Masama na din ang tingin niya sa kapatid at hindi makatingin kay Uno.
"Chill bro, nagbibiro lang e"
Kanina ko pa napapansing wala si Two at Forth sa mesang inuukopa namin. I roamed my eyes around but no Two and Forth at the resto. So I decided to ask my friends but each of them was busy chatting with their boyfriends. Si Dee naman tatawa tawa lang sa tabi kaya hindi ko na lang din inistorbo. Hindi naman niya hinahanap si Forth kaya siguro may inasikaso lang.
"Kuya!"
Napatayo ako nang makita ko sila Speed at Boss na papalapit samin. My smile widened when I saw them together with my father. Kumakaway na siya samin kahit nasa bungad pa lang sila ng hotel. Kasama niya ang private nurse niyang kinuha ni Anastacia. Kailangan kasi niya ng makakasama habang wala kami sa tabi niya.
Sinalubong ko na sila para mayakap si Papa. I missed him so damn much and I am happy because he's healthy and alive. Ang sayang matagal tagal pa kaming magkakasama, kasama ang lahat.
"Hey son, where's Two?"
"Pwede na ba akong magselos dahil si Two ang unang hinanap mo?" Nakataas ang kilay na sambit ko.
YOU ARE READING
MY LOVER'S RIVAL ( ETERNAL LOVE ) BXB COMPLETED
RandomMay they can find love from each other -- if one person doubting his trust to his lover? COMPLETED .....