"Angel, nasaan si Izaac?" Tanong ni Correen pagkapasok niya sa opisina.
"Hindi ko alam. Nauna akong umalis kanina kasi dumaan pa ako sa hospital e." Dinalaw ko kasi si kuya Daniel. Sabi ng doctor na nagmomonitor sakanya ay bumubuti na daw ang lagay ni kuya. Pero nag aalala ako dahil hanggang ngayon ay hindi padin siya nagigising.
"Ah. Puntahan ko nalang sa bahay. Baka tinamad pumasok. Sige alis na ko." Nagbeso muna kami bago lumabas si Correen ng opisina ko.
Pinindot ko ang intercom para makausap si Lea. "Lea, you can have your break."
"Okay po Miss Angel. Thank you po." Sagot naman ni Lea sa kabilang linya. Bumalik ako sa mga papeles na kailangan kong ireview. Kailangan kasing aralin ko muna yun ng mabuti bago ipasa kay Izaac.
"How's the new vice president?" Nabigla ako ng pumasok si Roniel sa opisina ko. "Pumasok na ko. Wala kasi yung secretary mo sa labas e." Paliwanag pa niya. Tinigil ko ang ginagawa ko at sumandal sa swivel chair na inuupuan ko.
"How can I help you Mr. Contreras?" Pormal na sabi ko. Umupo siya sa sofa na nakalagay sa kaliwang bahagi ng opisina ko.
"Wala naman. Lunch na kasi pababa na sana ko para kumain pero naisipan kong puntahan kayo ni Izaac dito pero mukhang hindi pumasok ang fiancè mo." He shrugged. "Hindi ka pa ba magla-lunch?" Tanong pa niya.
"Maybe later. Marami pa kong dapat tapusin." Sagot ko.
"Pwede naman yan mamaya Miss Angel. Sabayan mo na ko mag-lunch. It's on me." He winked at me. Hindi ko alam kung anong balak niya pero magandang pagkakataon na rin to para mapalapit sakanya.
'The closer, the better.'
Yan ang isa sa mga plano namin ni Izaac. Kailangan kong mapalapit sakanya para mas madali naming malaman ang mga plano nila.
"Sure." I smiled at him. Tumayo na ako at kinuha ang sling bag na dala ko. Tumayo na rin si Ron at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks Mr. Contreras." Pagpapasalamat ko.
"It's my pleasure. Ron, call me Ron."
"Okay Ron." Inilabas ko ang phone ko galing sa bag ko at nagtext.
Will be having a lunch with the devil.
Sinend ko iyon kay Izaac at Correen. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng reply galing kay Correen na nagsasabing mag ingat daw ako. Inaantay ko ang reply ni Izaac pero wala akong natanggap.
"Baka matunaw yang phone mo kakatitig mo." Biro ni Ron sakin. Nginitian ko lang siya at itinago na ang cellphone ko sa bag.
Lumabas kami ng building at kumain sa isang restaurant sa mall. Sa totoo lang ay nasusuklam akong makita si Roniel pero tinitiis ko iyon alang-ala sa mga plano namin. Pinipilit kong maging pormal para hindi siya maghinala.
"So where is your girlfriend? Chelsea ba yun?" Tanong ko sakanya.
"I think nasa Zambales siya ngayon for vacation?" Sagot niya.
"You think? Hindi mo alam ang where-abouts ng girlfriend mo?" I asked him.
"Hindi naman namin nakagawiang ibigay ang info ng lahat ng mga dapat naming gawin. Hindi namin sinasakal ang isa't isa. Kaya siguro kami nagtagal ng ganito." He smiled.
"Gaano na ba kayo katagal?" Tanong ko naman.
"Almost 6 years na din. Sa state palang ay kami na. Hanggang napunta kami dito ay hindi kami naghiwalay." Naikuyom ko ang mga kamay ko sa mga narinig ko. Ang kapal ng mukha niyang ipagmalaki sa akin ang kataksilang ginawa niya sa akin. Ngayon palang ay nag uumapaw na ang galit ko sakanya pero pinipilit ko paring maging kalmado para hindi niya ako mahalata. Alam kong isang maling galaw ko lang ay mabibisto niya ako.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...