Chapter Five : Escape

138 3 0
                                    

Naghintay kami ng papasok sa kwarto at hindi kami nabigo dahil hindi nagtagal ay narinig na namin na pumihit ang door knob. Agad na nagtago si kuya sa likuran ng pinto at naghanda na sa pag atake sa sinumang papasok sa pinto. Ako at si Sab on the other side ay nakaupo lang malapit sa pinto at nagkukunwari na parang wala lang. Nakaramdam ako ng kaba ng unti unti ay bumukas ang pinto. This is it. Hinawakan ko ang kamay ni Sab at tumingin sakanya. Ngumiti ako sa kanya para palakasin ang loob nya. Pinisil nya ang kamay ko at ngumiti rin. Tumingin ako kay kuya. She smiled at me and mouthed 'I love you'. Ngumiti rin ako sakanya. Alam ko na mapanganib ang plano namin pero we have to take the risk. Kung wala kaming gagawin ay baka dito na kami mamatay. It's better to die while we're trying to escape rather than die while we do nothing but wait.

Pumasok ang isa sa mga tauhan ni Ron na nakangisi sa akin. We we're right ako na nga ang susunod na sasaktan ni Ron. That heartless bastard! Lahat ng pagmamahal ko sakanya ay nawala na at napalitan ng galit at pagkamuhi. How could he do this to us. Kung may kasalanan si daddy sakanya dapat dinaan nya nalang sa legal na paraan. Hindi yung ganito.

Maya maya ay nakita ko na si kuya na nasa likod ng lalaki. Buong lakas nyang ipinalo sa lalaki ang hawak nyang kahoy.

"Aaaahhhh!" Daing ng lalaki habang nakahiga at hawak hawak ang ulo nya. Pinagpapalo na ito ni kuya hanggang sa mawalan na ito ng malay.

"Daien run!" Hinawakan ko ang kamay ni Sab at sabay kaming tumakbo palabas ng kwarto na iyon. Nilingon ko si kuya at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong kasunod namin sya sa pagtakbo. Ngumiti ako sakanya. Pero agad nawala ang ngiti ko ng biglang may humatak sakanya mula sa likod. It's Ron at kasunod na nya ang iba pa nyang mga tauhan.

"Kuya!" Sigaw ko. Akmang hihinto ako sa pagtakbo ng sumigaw sya.

"Baby run! Save yourself! Save Sab! I'll be fine. See you soon baby. I love you!" Tears roll down my face. Nakita kong binubugbog na sya ng mga tauhan ni Ron. Habang ang demonyo naman ay hinahabol kami.

"Daien hurry! We need to get help! Bilisan mo para mailigtas pa naten si Daniel!" Saad ni Sab habang tumatakbo kami. Gustuhin ko mang magmadali pero nanghihina ang tuhod ko. Knowing kuya's life is in danger makes my whole body tremble in fear. Hindi ko kaya. He's my bestfriend. Mahal na mahal ko si kuya Daniel at hinding hindi ko mapapatawad si Ron kapag may ginawa syang masama kay kuya.

"You can not run from me Daien! You know that!" Sigaw ni Ron habang humahabol samin.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makakita kami ng bahay sa gitna ng isang palayan.

"Sab look! A house. Let's get some help." Nabuhayan ako ng loob. Sa wakas maililigtas na namin si kuya. Kumatok ako sa pinto ng bahay habang si Sab ay nakamasid lang sa paligid.

"Daien sa tingin mo may tao kaya dyan? Paano kung wala. Saan tayo hihingi ng tulong." Bakas padin sa tinig ni Sab ang takot. Naiintindihan ko sya. After what she's been through I know na natrauma talaga sya. Her life will never be the same. I felt bad for her. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa pangbababoy nila sa bestfriend ko.

"Tao po! May tao po ba dyan!" Katok lang ako ng katok. Nakaramdam ako ng saya ng may sumagot sa loob ng bahay.

"Sandali lang andyan na!" Boses ito ng babae. Hindi rin nagtagal ay bumukas na din ang pinto. Pero nagtaka ako ng makita ang ekspresyon ng babae ng makita kami. Para syang nagulat. Pero agad din naman syang ngumiti saamin.

"Ano pong kailangan nila?" Malumanay na sabi ng babaeng sa tantya ko ay nasa mid 40's na.

"Ahm. Ate hihingi po sana kami ng tulong. May humahabol po saamin. Baka ho pwedeng magtago lang po muna kami dito hanggang sa mag umaga na." Agad syang ngumiti at niluwagan ang bukas ng pinto.

"Ganun ba mga hija? Hala sige pumasok kayo." Dinala nya kami sa sala at pinaupo. Hindi ko maintindihan pero parang may pagkataranta sa kilos nya. Para bang hindi sya mapakali.

"Sandali lang mga hija at ikukuha ko kayo ng maiinom at makakain." Saad nya.

"Ay nako wag na ho! Nakakahiya naman. Tama na ho na pinatuloy nyo kami. Sya nga po pala ako po si Daien at ito ho ang best friend ko na si Sab." Ngumiti si Sab sa babae at ganun din naman ang babae sakanya.

"Kagandang mga bata." Nakangiting saad nya. Tumalikod ito at pumunta kung saan. Hinawakan ko ang kamay ni Sab at pinisil ito. Tumingin siya sakin at ngumiti ng bahagya.

"Maililigtas na natin si kuya, Sab. Matutuloy na ang love story nyo." Pabiro kong sabi sakanya. Ngumiti sya at yumuko ulit.

"Matatanggap pa kaya ako ni Daniel, Daien? Hindi na ako pure. Kinuha nila ang dapat ay sa mapapangasawa ko lang." Tumulo ang luha nya at hindi nagtagal ay humagulgol na sya. Pinakalma ko siya pero parang hindi yun umeepekto.

"Sab mamahalin ka ni kuya kahit ano pang nangyari sayo. Alam kong may pagka-asshole ang kuya ko sa babae. Pero alam kong iba ang magiging trato nya sayo dahil iba ka. Bestfriend kita. Rerespetuhin ka nya." Tumingin sya sakin at ngumiti ng bahagya.

"Sana nga." Ilang saglit pa ay bumalik na ang babae na may dalang tray. Nakalagay doon ang dalawang plato ng kanin at malaking mangkok ng sinigang na baboy. Pinakain nya kami. Matapos iyon ay binigyan nya kami ng kumot at unan. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog agad kami.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon