Chapter One : The Abduction

516 4 0
                                    

"Kuya asan ka na ba?! Malapit na ang set ko pero wala ka padin. Ayokong iwanan si Sab dito mag isa pag turn ko na dahil baka kung sino sinong mokong lang lumapit na naman sakanya. Kaya bilisan mo na." Sigaw ko sa phone habang nakatingin kay Sab na halatang kinikilig sa mga sinasabi ko sa kuya ko sa kabilang linya.

"Im only two blocks away baby. I'll be there in no time. Nako ha, konti nalang at iisipin ko na, na type ako nyang si Sab at binebenta mo ko sakanya. Palage mo kasi kaming pinag sosolo." He said. Well totoo naman yon. Matagal na syang crush ni Sab at talagang pinaglalapit ko silang dalawa in a way na hindi mahahalata ni kuya Daniel.

"Tss. Why would I do that kuya?! Hindi ko ibebenta ang sarili kong best friend para lang sa kuya kong playboy no!" Pagsisinungaling ko. Yes, you read it right. Playboy nga ang kuya ko. Every week iba iba ang nakikita kong babaeng kasama nya. At take note tinuturuan nya pa kong magsinungaling at sabihin sa mga pinapakilala nya sakin na sya pa lang kauna-unahang babaeng pinakilala sakin ng kuya ko at inlove na inlove sakanya si kuya. Pero syempre may kapalit yun. Pwede bang wala?! Hehe.

"Im not a playboy, baby. Sadyang mabait lang ako kaya pinagbibigyan ko sila." Kahit sa phone lang kami magkausap ay ramdam na ramdam ko ang hangin na dala ng mga salita nya. Grabe.

"Tss fine kuya! Paki bilisan mo nalang dahil 20 minutes nalang at ako na ang kakanta." Yes, singer ako sa isang bar. Actually bar ito nila Sab na best friend ko. Kumakanta ako dito every weekend. Well this is my passion. Ito yung nakakapag pasaya sakin, ang mag perform sa stage at pakinggan ng maraming tao. Ito ang comfort zone ko.

"Yes ma'am. I'll be there in less than 10 minutes. Bye!" At pinutol na nya yung tawag. Umupo muna kami ni Sab sa table na malapit sa stage para dun na antayin si kuya Daniel.

"Hey girl, how is your boyfriend Ron? I haven't seen him for a while." Tanong ni Sab sakin.

"Well, he's okay naman. Busy lang sya sa work nya kaya hindi sya masyadong nakakasama sa atin." Sagot ko habang iniikot ikot ang yelo sa dalandan juice na iniinom ko.

"Ah ganun ba. Ang weird naman. Dati kase halos kahit saang lugar na nandun ka makikita din sya pero ngayon ni kahit ata sa text hindi kayo nakakapag usap." She said. Well she's right naman. Hindi na kami masyadong nakakapag usap ni Ron ngayon. Masyado daw kasi syang busy ngayon dahil may tinatapos silang project. Ron is my boyfriend for almost two years. Pero ngayon lang sya naging ganito kabusy to the point na nawawalan na sya ng time sakin. Pero iniintindi ko nalang. I trust him. Baka sobrang busy lang talaga.

"Hey Daien. Punta ka na sa back stage after 5 minutes para makapag ayos ka pa." Sigaw ng coordinator ng bar.

"Okay Jen! Thanks! Hmm. Sige na Sab pupunta na ko ng back stage para makapag retouch. Antayin mo nalang si kuya jan. Wag kang masyadong magpapahalata ah. Hayaan mong sya ma-fall sayo. Hihihi." Nag wink pa ko sakanya habang naglalakad ako papasok ng back stage. Nagretouch lang ako ng konti at inantay ang turn ko. Nung sinabi ng coordinator na set ko na daw ay agad na akong pumanik sa stage at umupo sa upuan na nasa gitna ng stage. Ngumiti ako at bumati sa mga guest ng bar. Medyo maraming tao ngayon dahil friday at payday.

"Good evening guys! Im Daien and i will make your heart sing with me tonight." Ngumiti ako at nag simula ng kumanta. May mga nagrerequest ng kanta o kaya naman minsan ay nakiki-jam sa akin. Tulad ng ibang mga gabi na kumakanta ako dito ay natapos ang set ko na masaya ako. Well iba talaga epekto saken ng pagkanta. Pinagagaan nito yung pakiramdam ko.

Pagtapos ng set ko ay bumaba na ko ng stage at pumunta na sa table ni kuya at Sab. Sa sobrang busy nila sa pagkekwentuhan ay hindi na nila namalayan na nasa harapan na nila ko.

"Buong set ko ata ay nagkwentuhan lang kayo at hindi nakinig sa pagkanta ko." Kunwari ay nagtatampo ako sa inabutan kong ginagawa nila pero deep inside ay kinikilig na ko sa nakikita kong "medyo" pagiging close nila.

"Sus. Ofcourse not Daien! Pinapanuod ka namin kanina no! Nagkekwentuhan lang kami ng kuya mo tungkol sa boyfriend mong si Ron." Paliwanag ni Sab.

"About Ron?! Ano namang tungkol sakanya?" Tanong ko habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"I told Sab na I dont like that jerk for you baby." Kuya shrugged after he said that. Well hindi naman tinago ni kuya sakin ang hindi nya pag sang ayon sa relationship namin ni Ron. Natatandaan ko pa nga na sinapak nya si Ron nung makita nyang magkaholding hands kami sa isang park. Sabi ni kuya ay hindi daw nya gusto ang itsura ni Ron. Hindi naman daw sa pangit ang boyfriend ko. Its just that hindi daw mukang pedeng pagkatiwalaan. Ewan ko ba kay kuya kung bakit ganun sya sa boyfriend ko. Pero ngayon naman ay hindi na nya masyadong binubully si Ron pag nakikita at nakakasama nya. Unlike noon.

"Tss. Kuya kahit hindi mo ikwento kay Sab yun obvious na obvious kaya yung pagkaayaw mo sakanya." Sagot ko.

"Oo na, alam ko na yun! Tara na ilibre mo kami ng pagkain ni Sab para sa pagpapanggap namin na fan mo ngayong gabi." Tumayo na si kuya Daniel at dire-diretsong pumunta sa exit ng bar. Tumayo na rin si Sab para sundan ata ang crush nya. Hihi.

"Oy pst! Sab! Teka!" Huminto naman agad sya sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya at nginitian ko sya ng nakakaloko.

"Yun lang ba talaga ang napag usapan nyo ni kuya ha?" Sinisiko-siko ko pa sya ng mahina habang nakatingin sakanya ng nakakaloko.

"Meron pang iba pero saka ko na ikekwento sayo kase inaantay na tayo ng future boyfie ko sa labas." Confident nyang sabi habang nakangiti palabas ng bar.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanila. Pinagbuksan kami ng pinto ng kotse ni kuya bago sya sumakay.

"Saan mo ba kami ililibre Daien?" Tanong ni kuya pagka-start nya ng engine ng kotse.

"May malapit na fast food jan oh. Dyan nalang tayo para mura. Sigurado kasing mamumulubi ako dahil ikaw ang ililibre ko." Kunwaring seryoso kong sabi.

"Grabe ka naman Daien! Hindi ka ba nahihiya saming dalawa ni Sab?! Matapos ka naming palakpakan ng malakas kanina titipirin mo kami?!" Si kuya.

"Oo nga best." Pagsang ayon ng bestfriend kong kumekerengkeng.

"Oo na sige na! Kayo ng bahala! Ang aarte nyo." I rolled my eyes.

Nagkaron ng ngiting tagumpay si kuya. Hay siguradong mamumulubi ako ngayong gabi.

Habang nagdadrive si kuya ay nagkaron ako ng hindi magandang pakiramdam. Yun bang parang may sumusunod samin. Basta ewan ko. Basta alam ko kinakabahan ako. Napunta kami sa madilim na part ng daan ng biglang may humarang sa kotse ni kuya.

"Kuya look out!" Buti nalang at naipreno ni kuya ang sasakyan kundi ay babangga kami sa kotseng biglang sumulpot sa harap namin.

"Fvck! Dito lang kayo, bababa ako. Uupakan ko lang tong gagong to!" Halata ang pagkainis ni kuya sa boses nya.

Hindi namin marinig ang pinag uusapan nila kaya binuksan ko ang bintana at inilabas ang ulo ko para tanungin sana si kuya kung okay lang ba sya ng biglang pukpukin ng baril si kuya sa ulo dahilan para mawalan sya ng malay at humandusay sa daan. Isa isang naglabasan ang mga lalaki sa loob ng van at tinungo ang kotseng sinasakyan namin. Isasara ko na sana ang bintana ng mahablot ng isang lalaki ang buhok ko at pilit binuksan ang pinto ng kotse.

"Daien!" Sigaw ni Sab na nasa passenger seat. Hahawakan na nya sana ang kamay ko ng bumukas ang pinto sa passenger seat at hinila palabas si Sab.

"Saaaaab! Sino kayo?! Pakawalan nyo kami! Kuyaaaa! Kuya gumising ka jan!" Sigaw ko habang pilit kumakawala sa kamay ng mabahong lalaki na may hawak sakin. Pilit ding kumakawala si Sab sa pagkakahawak sakanya ng isa pang lalaki. Maya maya pa ay may tinakip sa ilong ko na panyo. Naamoy ko doon ang nakakahilong amoy. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at antok. Kahit ayoko ay unti unti ng pumipikit ang mga mata ko. Sa huling sandali ay tinignan ko ulit si kuya at Sab.

"K-kuya. S-sab." Then everything went black.

A/N :

Hi guys! Ito po ang unang story ko na ipopost ko sa watty :) well i have a lot in my mind pero ito yung gusto kong unahin. Hihihi. Pwede nyo pong icorrect ang mga wrong spelling and wrong grammar ko. Pero sana in a nice way. Sarrie na din sa mga typo error. Mobile lang kase ang gamit ni author kaya medyo mahirap mapansin agad ang mga errors, y'know? Soooo. Enjoy reading guys! I hope all of you will like it. No! It'll be better if you'll lalalalove it ;) hihihi. :*

Si Daien po yung nasa pic :)

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon