Chapter Seven : How?

141 2 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sab is dying in pain. Marami na ring dugo ang nawawala sakanya. Pinunit namin ang ibaba ng suot niyang blouse para itali sa parte ng sugat niya. Para kahit papano ay maibsan ang pagdurugo nito. I was crying the whole night. Napakaraming nangyari ngayong araw na to. Nakakabaliw. Hindi ko na alam kung paano kami makakatakas. O kung makakatakas pa ba kami.

"Kailangan nating makaalis dito Daien. Si Sab hinang hina na siya." I looked at Sab. She's sleeping. Sobrang naaawa ako sakanya. Kung tutuusin ay damay lang siya. Kami lang ni kuya ang kailangan ni Ron pero naisama siya sa pagdukot dahil kasama namin siya. Tapos ngayon siya pa itong napuruhan.

"We need to get some sleep Daien. Kailangan nating magpalakas. Lalo ka na." Kuya tapped my shoulder. Humiga ako sa isa sa mga hita niya para subukang makatulog. Suddenly ay naisip ko si mommy.

"Kuya I miss mom." Napatingin sa akin si kuya na kanina ay nakasandal sa pader at nakapikit. Hinaplos haplos niya ang buhok ko at tsaka ngumiti.

"I miss her too. I'm sure that she's worried about us. Ilang araw na tayong hindi umuuwi." Nakatingin lang sa kawalan si kuya habang sinasabi ang mga yun. Tama siya. Sigurado akong nag aalala na si mommy sa amin. Hindi naman kasi namin nakaugalian na hindi mag paalam pag hindi uuwi. We always tell mom our where abouts. Even kuya told her everything. Ganun kami kaclose kay mommy.

"I now wonder kuya, alam na kaya nila ang nangyari satin? Especially dad?" Tanong ko kay kuya Daniel.

"I don't know. Pero kung alam na nila I'm sure na ipapahanap na nila tayo."

"Sana hinahanap na nila tayo. Para kahit papano may kaunting pag asa na tayo para makaalis na sa impyernong ito."

"Sana nga baby." Buong gabi kaming nagkwentuhan ni kuya. Kahit papano ay nakakagaan ng loob yung ginawa namin. Pagkatapos naming magkwentuhan ay nakatulog na kami.

___________________________
"Gising na! Tama na tulog! Hindi kayo bisita dito!" Kinakalabog pa ng isa sa tauhan ni Ron ang pader na kahoy habang ginigising niya kami. Agad ay nagmulat ako ng mata. Nakita kong gising na din si kuya. Nasa tabi niya si Sab at hawak niya ang kamay nito. Kung nasa ibang scenario lang kami ay kikiligin ako sa dalawang ito pero iba ang kinalalagyan namin ngayon.

"Bulag ka ba?! Hindi mo ba nakikitang gising na kaming lahat?! Pangit ka na nga, bulag ka pa!" I hissed at him. Agad na tumingin sa akin ng masama ang pangit sa harap ko at tsaka ngumisi.

"Pasalamat ka at dadating si big boss ngayon at bawal kitang galawin. Kung hindi inalmusal na kita." Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Yung tingin niya ay parang gusto nga niya akong almusalin. Nakakadiri.

"Subukan mong hawakan kahit dulo ng buhok ng kapatid ko puputulin at ipapakain ko sayo yang nasa ibaba mo!" Sagot ni kuya.

"Nakakatakot." Natatawang saad ng tauhan ni Ron. Maya maya pa ay pumasok na ang demonyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay nakangisi na naman siya.

"Good morning everyone." Sinabi niya yun habang nakatingin sa akin. He even winked at me. Nakakairita. Paano niya kaya nagagawa ang mga ito.

"My boss is excited to see you Daniel and Daien. Para na rin nya kasing makikita ang daddy niyo." Nagpalipat lipat siya ng tingin sa amin at hindi nagtagal ay may pumasok na sa pintuan. Isang lalaking mataba na sa tingin ko ay nasa early 50's. Nakasuit siya at may dalang baston. He looked powerful. Sa tindig palang niya ay halata ng may ibubuga siya. He smiled at us.

"So kayo pala ang mga anak ng dati kong kaibigan. Looks like Anton raised you well." Nakangiti parin siya sa amin.

"What do you want?!" Tanong ni kuya sa lalaki.

"Simple lang. Ang makaganti sa daddy mo." Sumenyas siya kay Ron at agad itong lumapit sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya at iniabot ni Ron sakanya ang isang cellphone. Itinapat niya ito sa tainga niya at nag hintay. Maya maya ay inialis niya ang cellphone sa tainga niya at pumindot.

"Hello?" Sagot sa kabilang linya. Niloudspeaker niya ang tawag kaya nadidinig na namin itong lahat. At hindi ako pwedeng magkamali si daddy ang nasa kabilang linya.

"Anton! Kamusta kaibigan? Ang tagal na nating di nag uusap a." Nakatingin lang ang lalaki sa amin habang kausap niya si dad.

"G-George?" Tanong ni dad.

"The one and only Anton. Alam mo bang sa sobrang pagkamiss ko sa iyo ay naghanda ako ng regalo?" Itinapat sa amin ni kuya ang cellphone. Isinenyas niya sa amin na mag salita kami, so I did.

"Dad! Dad help! Kuya and Sab are with me. May tama ng baril si--" Naputol na ang sinasabi ko dahil inilayo na sa sakin ang cellphone.

"Hear that Anton? Your princess is asking for your help. Don't be a coward and face us."

"Hayup ka George! Pag may nangyaring masama sa mga anak ko papata-- toot toot" Binabaan na siya nung lalaki. Lumapit ako kay kuya at Sab para yakapin sila. Umiiyak na naman ako. I suddenly miss dad. Sigurado akong nag aalala na siya sa amin ngayon.

"I could kill you all right now. But it will be more thrilling if your dad will see it in his own eyes, right?" Nakangiting saad ni George.

Mamamatay din pala kami. Doon din pala ang punta namin. Ang kaisipan na iyon ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Kung mamamatay man kami ngayon dito dapat ay may gawin man lang ako. Ayokong mamatay ng nakatanga.

I saw Ron's holding a gun on his right hand. Bigla ay naisip ko na agawin yun. At yun ang ginawa ko. Nakuha ko ang baril at tinutok sakanila. Lahat sila ay may bakas ng pagkabigla sa mukha. Halatang hindi nila inasahan ang ginawa ko. Even Ron. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril kaya mabilis ko itong naagaw.

"Daien!" Dinig kong sigaw ni kuya. Lumapit ako sakanila pero nakaharap parin ako kila Ron habang nakatutok ang baril sakanila.

"One fvcking wrong move, I'll shoot!" Banta ko. Binuhat ni kuya si Sab. Handa na kaming umalis.

"Let's go Daien. Sab is getting worse." Tango lang ang sinagot ko. Lahat ng atensyon ko ay nasa mga kalaban. Papalabas na kami ng pinto ng makarinig ako ng putok ng baril.

'Bang!'

I turned my head to kuya Daniel's direction then there I saw him lying down next to Sab.

"Kuya!" Agad kong ibinaling ang atensyon ko sa kung sinumang bumaril sa kuya ko. Nagpaputok ako ng sunod sunod sa gawi nila Ron. Wala akong pake kahet sino ang tamaan. Basta gusto kong makaganti sakanila. Nakita kong may dalawa na sa mga tauhan ni Ron ang nakahandusay na. Pero para sakin ay kulang pa iyon. Bumaril lang ako ng bumaril.

'Bang bang!'

Nakaramdam ako ng mainit na pumasok sa bandang likuran at balikat ko. Agad akong nahilo at nanghina. Naramdaman ko na ang pag agos ng dugo sa mga parte kung saan ako tinamaan. Bago ako mawalan ng malay ay tinignan ko kung sino ang bumaril sa akin. I saw Ron holding a gun. Nakatutok iyon sa akin. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta sa likod ko ng hindi ko namamalayan.

Nakaramdam na ako ng pagbigat ng mata. Unti unti ay nakakatulog na ko. Nilingon ko si kuya at Sab. Parehas na silang walang malay at duguan. Tumulo ang mga luha ko. Hanggang dito nalang ata kami.

"Iwan na naten ang mga yan. Wala na silang halaga ngayong patay na sila. Hayaan mong maghanap si Anton sa mga bangkay ng mga minamahal niyang anak." Saad ni George. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko na kayang labanan ang antok na dala ng tama ng baril. Ramdam ko na din ang sakit na dulot nito. Nakarinig ako ng mga yabag palabas ng pinto. Pagtapos nun ay wala na kong maalala.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon