Chapter Thirty Nine: Abrupt

79 1 0
                                    

Nanatili akong nakaupo sa tabi ng puntod ni Sabrina habang si Izaac naman ay nakatayo na. Nakatitig sya sa lapida.

"Napakabuti ng bestfriend mo. Tinulungan nya parin ako kahit sinaktan kita." Saad nya. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko syang nakangiti sa akin. "Sana buhay pa siya, siya sana ang gagawin nating Maid of Honor sa kasal natin." Iniwas ko ang tingin ko. Kasal? Hindi ko sigurado kung gusto ko pang ituloy ang sinasabi niyang kasal. "Magpapakasal parin naman tayo hindi ba?" Tila nabasa niya ang nasa isip ko kaya niya iyon tinanong. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Patawarin mo na ko Daien. Nag mamakaawa ako. Hindi ko kayang mawala ka. Ikababaliw ko." Isa-isang nagpatakan ang mga luha niya. Narinig ko rin ang mahihinang hikbi niya. "Natakot ako na baka maagaw ka niya sakin kaya ako nagkaganun. Hindi ko man lang naisip na dahil din sa ginawa ko baka mawala ka na rin ngayon." Lumakas ang mga hikbi niya. Kita ko na din ang pag baba't taas ng balikat niya. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Sakit dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Doon ka napagtanto na hindi ko pala kaya na iwanan siya. Hindi dahil sa ayoko siyang saktan, kundi dahil mahal na mahal ko rin talaga siya.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya na kanya namang kinagulat. Tinignan niya ko ng may pagtatakha. Ngumiti ako. Niyakap ko siya na lalong nakapag paiyak sakanya.

"Sorry Daien. Sorry... I love you so damn much." Untag niya. Hinimas ko ang likod niya para pakalmahin. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

"Tahan na. Hindi naman kita iiwan." Saad ko.

"Papakasalan mo parin ako?" Tanong niya na parang bata. Natawa ako ng mahina.

"Oo naman Zac. Gusto mo ngayon na e." Biro ko. Nagkaron ng pagkamangha sa mukha niya.

"Really?" He asked. I nodded.

Hindi ko malaman kung bakit tila nataranta siya at agad niyang kinuha ang mobile phone niya. Nag excuse siya sa akin at lumayo ng kaunti para makipag usap.

Nagtatakha man ay hinayaan ko na siya. Baka sasabihin lang niya sa pamilya ko na nahanap na niya ko at okay na kami. Tinuon ko ang pansin ko sa lapida ni Sabrina at hinimas ito. "Thank you Bes. The best ka talaga." Saad ko habang nakangiti. Muli kong nilingon si Izaac na hindi mapakali habang may kausap. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin at inaya akong umalis. Nagpaalam muna ako kay Sabrina tsaka sumama sakanya.

Habang nasa kotse ay panay padin ang text niya kaya hindi ko na napigilang magtanong. "May nangyari ba?"

Lumingon siya sa akin saglit at ngumiti. "Wala naman, bakit?"

"Bat parang ang abala mo?"

"Ah yun ba? Inaasikaso ko na kasi yung kasal natin. Pinagmamadali ko sila."

"Ha? Wala pa naman tayong exact date ha." I said a bit confused.

"Meron na."

"Ha? Kailan?"

"Now."

Halos masamid ako sa sobrang pagkabigla. Ngayon?! Seryoso ba siya?!

"Ano?!" Nagbibiro lang siguro siya. Hindi naman siguro kami magpapakasal ngayon.

"Sabi mo naman na papakasalan mo kahit ngayon diba? Since hindi na rin naman ako makapag hintay na makasal sayo. Let's get married today." Parang wala lang niyang sagot.

"Zac seryoso ka ba? Paano mo matatapos lahat yan ngayon? Pede pa naman nating i-set ng ibang araw e. Para may time tayo para magplano." Tumingin ako sa relo ko at alas onse na ng tanghali ngayon. Hindi siya makakapag prepare ng isang kasal kahit anong madali niya. "Zac pede naman nating planuhin to ng maayos." Saad ko pa.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon