We were on our way to Batangas. Kukuhanin na namin ang mga magulang ko. At gagawin ko ang lahat para magawa iyon. Ayon sa impormasyon na nakuha namin ay puro mga tauhan lang ng Houston's ang nagbabantay sa mga magulang ko kaya naman nagsama si Izaac ng ilan sa mga tauhan niya. Kami lang ni Izaac ang nakasakay sa kotse habang nakasunod sa amin ang mga tauhan niya. Tatlong oras na biyahe ang lalakbayin namin bago marating ang nasabing lugar. Buong byahe ay hawak lang ni Zac ang isang kamay ko habang ang isa ay ginagamit niya pang maneho.
"Nervous?" Pagbasag ni Izaac sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Hindi kasi nandyan ka e." Sagot ko habang nakangiti. Hinaplos ko yung mukha niya. "E ikaw?" Tanong ko.
"Nah. As long as you're with me, there's nothing to worry about." He answered. He kissed the back of my hand.
Pagtapos ng malayong byahe ay narating na namin ang lugar. Sa malayo kami nag park para hindi makahalata ang mga bantay ng bahay na pinaglalagakan ng mga magulang ko. Pinauna ni Zac ang mga tauhan niya at nang sabihin sa amin na ligtas ng pumasok ay agad kaming sumunod. Nasa dulong silid daw sa second floor ang mga magulang ko kaya naman dun ako agad nag diretso. Ni hindi ko namalayan na wala na pala si Izaac sa likuran ko. Nang marating ko ang kwarto ay nakalock ito. Kinuha ko ang baril na nakasukbit sa gun pocket ko. Lumayo ako ng kaunti saka inasinta ang kandado. Nang matanggal na iyon ay sinipa ko ang pinto para mabuksan ito. Doon ko nakita ang magulang kong magkayakap. Halos mapaiyak ako sa sobrang tuwa ng makita ko sila.
"Mom, Dad!!" Tawag ko sakanila.
"Daien, anak ko." Anas ni Mommy. Nilapitan ko sila at niyakap. Miss na miss ko sila. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Ganun din ang Mommy ko.
"Diyos ko. Salamat sa Diyos." Yun lang ang nasambit ni Daddy habang yakap yakap kami ng mahigpit.
"Enough of that reunion." Napalingon ako sa nagsalita. Isa ito sa mga tauhan ng Houston's. Nakangisi siya samin habang nakatutok ang baril sa amin. Tumayo ako at itinago sa likod ko ang mga magulang ko. "Drop your gun Saavedra." Utos niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Dahan dahan kong binaba ang baril ko. "Good." Anas niya.
Abot abot ang dasal ko na sana ay dumating na si Izaac para mailigtas kami pero wala parin ito. Dahan dahang lumapit ang lalaki sa direksyon namin para pulutin ang baril na inilapag ko. At nung pupulutin na niya ay agad ko siyang sinipa sa ulo na ikinatumba niya. Mabilis kong pinulot ang baril at itinutok sakanya. Ngumisi siya at itinutok din ang hawak niyang baril sa akin.
"Hindi mo kaya Saavedra." Panunudyo nito.
"Well guess what? Kaya ko." Ipinutok ko sa paa niya ang baril. "Pero hahayaan ko ng sila ang tumapos sayo." Lumapit ako sakanya na nakatutok parin ang baril. Sinipa ko ang kamay niyang mag hawak ng baril at pagtapos ay itinali ko ito. Pinulot ko ang bail na nalaglag. "Remembrance." Nakangising saad ko. Inalalayan ko sa paglalakad palabas ang mga magulang ko. Nang makalabas na kami ay doon palang dumating si Izaac. Dumudugo ang gilid ng labi niya at may pasa ang kaliwang pisngi.
"Sorry late ako. Napalaban ako sa baba." Saad niya. "Hello po Mr. and Mrs. Saavedra." Bati niya pa sa mga magulang ko. Kahit may pagtatakha ay ngumiti parin ang mga magulang ko. Nasa likuran lang namin si Izaac habang palabas ng bahay na yun. At nang makasakay na kami ng kotse ni Izaac ay sinunog na ng mga naiwang tauhan nito ang bahay. Nasa back seat kami habang si Zac parin ang nagmamaneho.
"Daien, sino siya?" Pabulong na tanong ni Mommy.
"Mamaya na po kami magkekwento sainyo mom, dad." Sagot ko. Napansin ko na kinuha ni Zac ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya at nag dial.
"Hello Alice... Yes pauwi na kami... Magluto kayo ha?.. Okay sige... Salamat." Pagtapos nun ay tinapos na niya ang tawag. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na kami sa mansion ni Izaac. Halata ang pagkamangha ni Mommy sa bahay nito pero si Daddy naman ay nakamasid lang. Marahil ay alam niya kung kaninong bahay ang pinuntahan namin. Sinalubong kami ni kuya Daniel na nasa harap ng pintuan at naghihintay. Nang bumaba kami ng kotse ay agad lumapit sa mga magulang at yumakap.
"Mommy, Daddy namiss ko po kayo sobra." Saad ni kuya Daniel habang nakayakap kay Mommy.
"Let's go inside." Izaac said. Puno paring ng pagtatakha ang mukha ng magulang ko pero ganun pa man ay sumunod parin sila. Nagdiretso kami sa dining area at doon kumain. Nang matapos ay nag aya si Zac sa sala.
"Alam ko pong naghihintay kayo ng paliwanag My, Dy." Anas ko ng makaupo na kami. Hinawakan ko ang kamay ni Izaac at nag simula na akong magkwento. Tulad ng mga nakaraan na pagkekwento ko ay naiiyak parin ako pero ngayon ay nangingibabaw ang saya ko dahil buo na kami. Ipinakilala ko si Izaac bilang boyfriend ko. Hindi ko naman nakitaan ng pagtutol ang mga magulang ko bagkus ay natutuwa pa si Mommy. Masaya na sana ang lahat kung hindi lang namatay si Sab kaya tulad ng ipinangako ko sakanya ay itutuloy ko parin ang paghihiganti ko. Hindi ako titigil hanggat hindi naghihirap ng husto si Roniel pero sa ngayon ay babawiin ko muna ang mga nasayang na araw na hindi ko kasama ang mga magulang ko.
Pagkatapos ng aming pag uusap ay pinag-pahinga ko na ang mga magulang ko. Si kuya Daniel ay nagpaalam din na magpapahinga na. Kami nalang ni Zac ang naiwan. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"It's almost done." Saad niya.
"Yeah. Yung para kay Sabrina nalang." I answered.
"Ano bang balak mo?"
"I will kill Chelsea. Para naman maramdaman niya kung paano mawalan." Muli na naman akong nakaramdam ng galit. Naikuyom ko ang kamao ko. "Pero bago ko patayin ang haliparot na yun, pasasakitan ko muna sila ng sobra sobra."
"How?" Zac asked. Inilabas ko ang phone ko at hinanap sa gallery ang video na nakuha ka noon. Nang mahanap ko ay ipinakita ko iyon kay Izaac. Ngumisi siya ng makita iyon. "Kailan to?" Tanong niya. Kinuha ko ang phone ko.
"Nasarapan ka naman sa panunuod." Tudyo ko. "Matagal na to. Nakalimutan ko lang ipakita sayo." Paliwanag ko.
"Anong balak mo sa video na yan?" Tanong ulit ni Izaac.
"Surprise." I smirked.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...