Ngayon ang first day ko sa kompanya ni Izaac as the new vice president. Dapat ay isa lang ako sa mga stocks holder pero nagkataon na nagresign ang vice president nila kaya ako nalang ang ipinalit ni Izaac. Nung una ay tumanggi ako dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang gampanan ang posisyon na iyon pero sabi naman ni Correen ay basta sundin ko lang ang desisyon at utos ni Izaac.
"Angel, she will be your secretary. Lea." Pagpapakilala ni Correen sa babaeng nasa harap ng pinto ng magiging office ko. "And that door will be your new office." Dagdag pa niya.
"It's my pleasure to meet you po Miss Angel." Nakangiting sabi ni Lea. I smiled on her. Binuksan ni Correen ang pinto ng opisina at namangha ako sa laki at ganda nito.
"Ayos na ba sayo ito Angel? May gusto ka pa bang idagdag?" Tanong ni Correen sakin.
"Okay na to para sakin. Thank you Correen." Pormal na sabi ko. Kailangan kong maging pormal dahil may ibang tao na nakapaligid sa amin ngayon.
"Kung ganun ay maiwan na kita. Pupuntahan ko pa si Izaac." Paalam nito.
"Okay. See you later Correen." Nagbeso muna kami bago siya umalis. Tanging ako at si Lea nalang ang naiwan.
"Ma'am may pag uutos po ba kayo sakin? Coffee? Breakfast?" Tuloy tuloy na tanong ni Lea sa akin. Napatawa ako.
"I'm okay Lea. I'll call you when I need something." Saad ko.
"Okay Miss Angel. Labas na po ako." Paalam niya.
"Lea?" Tawag ko sakanya ng palabas na siya ng pinto.
"Yes po Miss Angel?"
"Please don't be scared at me. Hindi naman kita kakainin." I said to her. Napangiti naman siya.
"Copy po Miss Angel." Nag-bow pa ito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako umupo sa swivel chair. Isa isa kong iniscan ang mga papeles na nasa table ko at binasa ang mga iyon. Tinuro na sakin ni Correen ang lahat ng dapat kong malaman bilang isang vice president. Kahit ang history ng kompanyang ito ay naitackle na rin niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Pasok."
"Have you eaten?" Tanong sakin ni Izaac ng makapasok siya.
"Hindi pa. Bakit anong oras na ba?" Tanong ko sakanya.
"Past twelve na." Sa sobrang tutok ko sa mga ginagawa ko ay hindi ko na namalayan na lagpas pananghalian na pala. Agad kong naalala si Lea. Malamang ay hindi parin yun naglalunch. Pinindot ko ang intercom.
"Yes Miss Angel?" Tanong ni Lea sa akin.
"Sorry Lea, hindi ko namalayan ang oras. Mag lunch ka na." Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Okay lang po Miss Angel. On diet naman po ako e."
"I see. Take a break Lea." Saad ko.
"You shouldn't be too nice to your employees. Baka abusuhin ka nila." Napalingon ako kay Izaac na nakasilip sa window ng opisina ko.
"Hindi naman siguro." Katwiran ko.
"Okay. Let's have lunch na." Aya niya sa akin. Lumakad na siya palabas ng opisina kaya sumunod na ako sakanya. Paglabas namin ay agad niyang hinawakan ang bewang ko. Dapat ay nasasanay na ko sa ganito ni Izaac dahil may katagalan na din namin tong ginagawa pero ewan ko ba, nagugulat parin ako paminsan minsan pag hinahawakan niya ko.
Sa isang restaurant malapit sa kompanya lang kami kumain ng lunch. Kasama din namin si Correen.
"I have a news for you Angel. Hindi ko alam kung good o bad news ito pero sasabihin ko parin para makapaghanda ka." Napalingon ako kay Izaac ng magsalita siya. "Roniel Contreras will work at the company." Dagdag niya ng hindi ako magsalita.
"Ha? Pero paano? Bakit?" Takhang tanong ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Hindi ko iyon mapaliwanag. Kahit ako ay hindi ko din alam kung good o bad news ba ang narinig ko.
"Nakausap ko siya nung isang gabi sa isang gathering and he told me na gusto niyang mag work sa kompanya since stock holder naman siya dun. Kaya pumayag ako. He will be working at the IT department." Paliwanag niya.
"I think may kinalaman sayo to Angel." Sabat ni Correen.
"Exactly." Izaac looked at me. "So from now, you must be careful. Ingatan mo lahat ng galaw mo." I nodded.
"I am Angel Katrice Smith. I have nothing to be afraid of." I said with confident. Izaac grinned.
"That's my girl." Saad ni Correen.
"No Correen. She's my girl."
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...