Chapter Two : Revelation

204 2 0
                                    

"Ugh." Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako. Hahawakan ko sana ang ulo ko ng maramdaman kong hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil nasa likod ko ito at nakatali. Pinilit ko agad dumilat kahit sobrang sakit ng ulo ko para malaman kung nasan ba ako. Isang walang laman na kwarto ang tumambad sa akin pagkadilat ko. Doon lang nag-sink in sakin ang mga nangyari sa akin kanina. No, sa amin pala. Naalala kong kasama ko nga pala si kuya Daniel at Sab ng may dumukot saming sandamakmak na lalaki.

Teka si kuya at Sab! Paglingon ko sa aking kaliwa ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang tulog pa si Sab sa inuupuan nya. Tulad ko ay nakagapos din sya. Pero nanumbalik ang kaba sa dibdib ko ng hindi ko makita si kuya sa tabi namin.

"K-kuyaaa! Kuya asan ka?!" Tawag ko kay kuya Daniel ng hindi ko sya mahagilap sa loob ng kwarto.

"D-Daien I'm h-here." Lumingon ako sa bandang likod ko at dun ko nakita si kuya na nakaupo rin pero duguan sya at halatang hinang hina. Awtomatikong tumulo ang mga luha ko sa nakita kong kalagayan nya. Mukha syang hirap na hirap sa sakit na nararamdaman nya. Ang dami nyang sugat sa mukha na halatang galing sa pambubugbog.

"Kuya what happen to you? Sinong may gawa sayo nyan?" Pinilit kong kumawala sa pagkakagapos ko para sana malapitan sya pero hindi ko magawa dahil sa mahigpit ang pagkakatali ko sa upuan.

"Those a*shole beat the hell out of me baby. But I'm f-fine kaya stop c-crying na. H-hindi mapupunasan ni k-kuya yung mga l-luha mo." Kahit alam kong nahihirapan sya ay nagawa parin nyang pagaanin ang loob ko. Kakaiba talaga si kuya.

"Sino sila kuya? Bakit nila tayo dinukot at bakit nila ginawa sayo yan?" Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari. Wala akong alam na nakaaway namin or galit samin kaya hindi ko lubos maisip kung bakit to ginawa samin.

"I don't know either baby." nakayukong sagot ni kuya. Binalingan ko si Sab at susubukan ko syang gisingin. Sa tingin ko mas makakabuti kay kuya kung tatantanan ko muna sya sa kakatanong para makapag pahinga sya.

"Pst. Sab! Wake up!" Makailang beses ko pa sya tinawag bago sya unti unting dumilat.

"Hmmm. Fvck my head!" Untag nya ng magkamalay na sya.

"Sab are you okay?" I asked her. Lumingon sya sakin tapos ay sa paligid. Matapos ng halos isang minuto ay doon lang ata nya napagtanto ang mga nangyari. Her eyes is wide open when she face me again.

"Fvck! What happen Daien?! Bakit tayo nandito?!" Gulat na tanong nya. Halata sa mukha nya ang pagpapanic pero hindi ko alam kung paano sya papakalamahin. Magsasalita na sana ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang dalawang lalaki at agad silang ngumiti ng makitang gising na kami.

"Oh. Gising na pala ang mga bisita natin eh. Tiyak matutuwa si boss neto." Saad ng lalaking balbas sarado at halata sa mukha nya na hindi sya gagawa ng mabuti.

" Aba oo naman. Kanina pa sila hinihintay ni boss eh. Teka at tatawagin ko na sila ng masimulan na ang kasiyahan." Tumatawang sabi ng isa pang lalaking mukha talagang goons. Lumabas na ito at naiwan mag isa yung lalaking balbas sarado at nakatingin lang ito samin ni Sab na para na kaming hinuhubaran. Tss. Maniac much! Sarap tusukin ng mata.

"Stop eye- raping them you a*shole! Pagnakawala ako dito dudukutin ko yang mata mong hayup ka!" Sigaw ni kuya sa maniac na nasa harap namin. Nag iba ang itsura neto at agad na lumapit kay kuya para suntukin sya. Tumumba ang inuupuan ni kuya dahil sa lakas ng pagkakasapak sa kanya ng lalaking balbas sarado.

"Kuya! Stop it!" Awat ko pero parang hindi man lang nya ako narinig dahil patuloy sya sa pagsapak at pagsipa kay kuya. Kitang kita ko ang hirap na nararamdaman ni kuya Daniel sa ginagawa ng lalaking nasa harapan nya.

"Manong tama na please!" Awat din ni Sab pero wa epek talaga dahil patuloy parin ito sa ginagawa nya sa kuya ko.

"Tangina mo lumaban ka ng patas at kalagan mo ko dito para makalaban ako! Duwag kang hayop ka!" Tila naghahamon pa na sabi ni kuya sa lalaki.

"Hahaha! Gago! Anong akala mo sakin?! Mangmang?! Kakalagan kita tapos ano tatakas ka?! Ulol!" at patuloy nyang pinagtatadyakan si kuya.

Wala na kaming nagawa ni Sab kundi ang magmakaawa na tumigil na sya. Napapapikit nalang ako tuwing dumadapo ang mga paa at kamao nung lalaki sa kuya ko. Wala na ring tigil ang pag agos ng luha ko. Sana kayanin ni kuya ang mga ito.

"Brando, stop it." Napahinto yung lalaki sa ginagawa nya ng marinig ang boses na nanggagaling sa pinto. Sa hindi ko mawaring dahilan ay feeling ko kilala ko ang boses na yun. Sobrang pamilyar ng mga tinig na yun. Hindi ko agad ito nilingon dahil mas inalala ko si kuya.

"Kuya are you okay?" Alam kong nakakatanga yung tanong ko pero gusto ko lang malaman kung okay pa ba sya. Nagthumbs up lang sya at ngumiti ng pilit. Okay na yun kesa wala akong makuhang response.

"You?!" Saad ni Sab na agad na nagpalingon sakin sa tinutukoy nya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala. Sya? Sya ang boss?! Sana nagkakamali lang ako. Please God sana mali nga ako.

"Nice to see you again Sab." Nakangiti nitong sabi at saka bumaling sakin. "Did you miss me 'hon'?"

"R-Ron?!"

A/N : Si Ron po yung nasa pic :) enjoy reading guys! Comments and votes puh-lease :)

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon