Chapter Twenty : Start of Revenge

148 4 0
                                    

"Aaarrrgh!" Masyado akong nafrustrate dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Izaac kagabi. Alam kong pinagkamalan niya lang ako si Beatrice pero hindi parin ako mapakali. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari.

Lumabas na ako sa kwarto para ipagluto si Izaac ng makakain. Nang matapos ako magluto ay dinala ko iyon sa kwarto niya. Hindi na ako nag atubiling kumatok pa. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nagsusuot ng tshirt. Mukhang katatapos niya lang maligo dahil basa pa ang kanyang buhok.

"Bakit tumayo ka na? Baka mabinat ka niyan." Inilapag ko ang tray na may lamang pagkain sa bedside table at lumapit sakanya. Idinampi ko ang kamay ko sa leeg niya upang malaman kung may lagnat pa siya.

"Okay na ko. Salamat." Nginitian niya ko. "Tsaka may lakad tayo." Dagdag pa niya.

"Ha? Saan naman?" Tanong ko.

"Iuuwi na natin ang kuya Daniel mo. Dito na sa bahay ipagpapatuloy ang pag gagamot sakanya." Again, he smiled to me.

"Talaga?! Oh my God! Thank you Izaac!" I bursted into tears. Napayakap ako sakanya sa sobrang kasiyahan.

"Your welcome." He tapped my back. "Ngayon din ang simula ng mga hakbang natin. Kaya be ready, okay?"

"What do you mean?" I asked.

"Merong mga taong hawak ang mga tauhan ko. Mga miyembro sila ng Houston's. Gusto mo ba silang makilala?" He smirked. Tumango naman ako. "Let's go? We will be having a long day."

Nagbihis lang ako at nagdiretso na papunta sa ospital. Isinakaya si kuya Daniel sa ambulansya at sumama ako sakanya. Habang si Izaac naman ay sumunod gamit ang sasakyan niya. Nang makarating kami sa bahay ay may babaeng nag hihintay sa sala. Kausap iyon ni Alice. Ngayon ko lang nakita ang babaeng iyon kaya naman hindi ko siya kilala.

"Nandyan na pala sila." Saad ni Alice. Lumingon ang babae sakin at ngumiti. "Maiwan na kita. Si Sir Izaac na ang bahalang kumausap sayo." Umalis na si Alice at pumasok sa kusina.

"Ikaw ba yung private nurse?" Napalingon ako kay Izaac na kakapasok lang sa pintuan.

"Yes po. I'm Danica Duterte." Nakipag shake hand si Izaac sa babae.

"This is Angel. Kuya niya ang aalagaan mo." Nag-hi siya sa akin at nginitian ko naman.

"Nasaan na po siya. Daniel, right?" Tanong ni Danica.

"Ipapasok na siya. Paki antay nalang." Tumalikod si Izaac at lumabas ng bahay. Nang tignan ko muli si Danica ay nakangiti parin siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako. Pagbalik ni Izaac ay kasama na niya ang mga hospital staff na nagtutulak kay kuya Daniel. Dinala nila si kuya Daniel sa kwarto na katabi ng hagdan sa 1st floor. Nang mailagay sa kama si kuya Daniel ay isa isang inilagay ang mga aparato na gagamitin niya. Nang matapos sila ay tumabi ako kay kuya at hinawakan ang kamay niya.

"Kuya. Dito muna tayo ha? Pag nahanap natin sila Mommy at Daddy ay ibabalik natin ang dating buhay natin. Gising ka na kuya ha? I love you." Hinalikan ko ang noo ni kuya at tumayo na. "Danica, ikaw na bahala kay kuya ha?" Baling ko kay Danica. Tumango naman siya at ngumiti.

"We need to go Angel. Inaantay na nila tayo." Aya ni Izaac sa akin. Sumunod naman agad ako sakanya. Sumakay kami sa kotse at umabot ng isa't kalahating oras ang naging byahe namin. Bumaba kami ni Izaac sa isang building. Sumakay kami sa elevator at bumaba sa 18th floor. Pumasok kami sa pinaka dulong pinto at doon ko nakita ang dalawang lalaki na nakatali sa upuan. Nakatalikod sila sa direksyon ng pinto kaya naman hindi nila kami nakikita.

"Boss andyan na pala kayo." Saad ng isa sa mga tauhan ni Izaac.

"Saan nyo sila nakuha?" Lumapit si Izaac sa mga lalaki at pinakatitigan ang mga ito.

"Sa isa po sa mga operasyon ng Houston's. Nahuli po kasi ang sasakyan nila kaya naman nagkaron kami ng pagkakataon na dukutin sila." Saad muli ng tauhan ni Izaac.

"Ikaw pala ang may pakana nito Doliente!! Pag nakarating ito sa grupo ay talagang mananagot ka!!" Sinapak ni Izaac ang lalaking nagsalita at kitang kita ang pagbaling ng ulo nito. Nanatili lang akong nasa pintuan. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang magagawa ko kapag nakaharap ko na sila.

"May dala akong surprise sainyo." Nakangiting saad ni Izaac sa dalawa. Sumenyas siya na lunapit ako kaya naman yun ang ginawa ko. Lumapit ako sakanila at hinarap ko ang mga bihag. Kilala ko ang dalawang ito. Sila ang kumuha kay Sab ng pagsamantalahan ito. Bigla ay nakaramdam ako ng sobrang pagkagalit pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para makakuha ako ng impormasyon tungkol sa ibang mga kasamahan nila.

"Surprise! Remember me?" Saad ko. Tila nabigla naman ang dalawa nang makita nila ako. "Oh bakit ganyan ang mga itsura niyo? Para kayong nakakita ng multo." Dagdag ko pa.

"I-ikaw? Diba dapat patay ka na?!" Sigaw ng isa sakanila.

"Sisihin nyo si Ron dahil tanga siya! Nagtipid siya sa bala kaya naman nabuhay pa ako." Sagot ko.

"Kapag nalaman nilang buhay ka, papatayin ka lang nila ulit." Sabi naman ng isa pa. Nginisihan ko sila.

"Talaga? E paano kung sabihin ko sayo na nakita na ako ni Ron at naniwala siyang ibang tao na ako. Uto-uto diba?!" I grinned. "Okay, isang beses ko lang kayong tatanunging dalawa. At pag hindi ako nakuntento sa sagot niyo ay alam niyo na ang mangyayari sainyo." Dagdag ko pa. Kinuha ko ang baril na hawak ng isa sa mga tauhan ni Izaac at tinutok ito sa dalawa. "Saan ko makikita ang iba pang miyembro ng Houston's?" Diretso tanong ko.

"Wala kang makukuhang sagot sa amin!" Sigaw ng isa. Itinutok ko ang baril sa paa nito at pinutok. "Aaaahhhh!" Sigaw niya.

"Ngayon may makukuha na ba akong sagot?" Itinutok ko naman ito sa isa pang lalaki na kitang kita ang takot sa mukha.

"Sa-sasabi-bihin ko n-na." Ibinaba ko ang baril at nag antay sa sasabihin niya. "Sama-samang naninirahan ang buong Houston's sa ancestral house ni Sir George sa Cavite. Nandoon silang lahat ngayon." Pagpapatuloy nito.

"Paano pag nagsisinungaling ka?!" Paninigurado ko.

"Hindi ako nagsisinungaling!! Pakawalan niyo na ko!! Kailangan ako ng pamilya ko!!"

'Pak'

Sinampal ko ang lalaki sa sobrang pagkainis. "Ang kapal ng mukha mong sabihin yan!! E yung pamilyang sinisira niyo hindi mo ba naiisip ha?!! Napaka kapal ng mukha mo!! Dapat sainyo mamatay!!" Itinutok ko ang baril sa ulo ng lalaking nagsalita pero hinawakan ni Izaac ang kamay ko.

"You should calm down Angel." Kinuha ni Izaac ang baril sa kamay ko at inilayo ako ng bahagya sa dalawang lalaki.

"Hahahahahaha. Angel? Angel na ba ang pangalan mo ngayon ha Daien Angelica Saavedra?!! Hahahahaha. Nakakatawa!!" Saad ng lalaking kanina ay binaril ko sa paa. Lumapit ako sakanya at tinapakan ko ang paa niyang may tama ng baril. "Aaaaaahhhhh!! Tama naaa!! Aaaaahhhh!!" Inda niya.

"Nakakatawa parin ba ha?!" Lalo kong diniinan ang pagkakatapak ko sa paa niya habang siya naman ay namimilipit na sa sakit. "You!" Baling ko sa isa pang lalaki na ngayon ay nanginginig na sa takot. "Hahayaan pa kitang mabuhay dahil kailangan kong masigurado na tama ang impormasyong binigay mo sa amin. At kung nagsisinungaling ka naman, mas malupit na pagkamatay pa ang aabutin mo kesa sa gagong ito. You know what to do boys. Let's go Izaac. Ayokong matalsikan ng dugo ng demonyong ito." Lumakad na ako palabas ng silid at nakasunod naman sa akin si Izaac.

"Wag!! Waaaaag!!" Kasunod ng mga sigaw na iyon ay umalingawngaw ang dalawang putok ng baril. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

"Para sainyo to Sab at kuya Daniel. Nagsisimula palang tayo." I said to myself. Nagpunas ako ng luha at muling humarap kay Izaac. Ngumiti ako ng pagak.

"That was impressive Angel." Izaac said to me, smiling.

"Honestly, hindi ko akalain na kaya ko palang gawin ang lahat ng iyon sakanila." Pag amin ko. Izaac just smiled to me.

"Let's go. Let's have dinner." Hinawakan ni Izaac ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng building.

___________________________________
Nagustuhan nyo po ba? Please VOMMENTS. Maraming salamat po!! I love you all!!

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon