Chapter Twenty One : Closer

116 3 0
                                    

"Kuya, kahit papano ay naiganti na natin si Sab. Izaac caught two of George's men. Hinarap ko sila. Hindi ka maniniwala pero binaril ko ang isa sakanila pero sa paa lang naman." I touched his face. It's been months pero wala paring progress si kuya Daniel. Sa twing nakikita ko ang sitwasyon niya ay talaga namang namumuhi ako sa mga gumawa nito sakanya. Ipinangako ko sa sarili ko na ipaparanas ko sa mga hayop na yun lahat ng sakit na dinanas namin sa mga kamay nila.

"Kuya, alam kong hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko pero hindi ako papayag na hindi nila pagbayaran ang mga kasalanan nila sa atin. Lalong lalo na kay Sab." Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, muli ay tumulo na naman ang mga luha ko. Sa ganung tagpo ako naabutan ni Izaac ng pumasok siya sa kwartong pinaglalagian ni kuya Daniel.

"Your crying again, Angel." Umupo siya sa tabi ko at hinimas ang likod ko.

"Sorry, hindi ko lang talaga maiwasan lalo na pag nakikita ko ang sitwasyon ni kuya." I sobbed heavily.

"I'm pretty sure that your kuya Daniel didn't want to see you like that." Saad niya.

"Gusto ko na siyang magising Izaac. Miss na miss ko na siya."

"Be patient Angel. Gigising din siya."

"Sir Izaac may bisita po kayo." Si Alice ang nagsalita. Pagkasabi niya nun ay umalis na din siya agad.

"Maiwan na kita dyan. Nag lunch break lang si Danica. Mamaya ay babalik na din yun." Paalam ni Izaac. Ngiti lang ang naisagot ko sakanya.

Nanatili pa ako sa kwarto ni kuya Daniel ng ilang minuto bago mag desisyon na lumabas at magpahangin. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Izaac na kausap si Josh. Siya pala ang bisita ni Izaac.

"What's up Angel?" Bati sakin Josh. Kinawayan ko naman siya.

"Kamusta ka Josh?"

"Ito gwapo parin syempre. Ikaw? Lalo kang gumaganda a. Mukhang inaalagaan ka ni Izaac masyado." Biro niya sa akin.

"Ofcourse, I will take good care of my Angel." Inakbayan ako ni Izaac at inilapit ng husto ang sarili niya sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko.

"Izaac, pag hiwalay na kayo liligawan ko siya ha?" Tumawa si Josh ng malakas pagkasabi niya ng mga iyon. Ni hindi ko naman alam kung anong irereact ko sa sinabi niyang iyon.

"Dream on!" Sagot naman ni Izaac. "My Angel will never leave me, right baby?" Hinawakan pa ni Izaac ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa mukha niya. Natulala lang ako.

"Masyado kayong sweet. Ang sakit niyo sa mata!" Pabirong sigaw ni Josh sa amin. Agad namang binitawan ni Izaac at muling hinarap si Josh.

"Shut up Josh. Ang daldal mo."

"Tss. Alis na nga ako. Si Correen nalang kukulitin ko. Saan kaya napunta ang sense of humor mo?! Ge bye! Bye Angel! Pag tiisan mo lang yang kaibigan ko ha." Pagkatapos magpaalam ni Josh ay umalis na din siya agad. Papanik na sana ako ng kwarto ko ng tawagin ako ni Alice.

"May tawag ka sa telepono." Masungit niyang sabi sa akin.

"Ha? Sino daw?" Takhang tanong ko. Sa pagkaka-alala ko kasi ay wala naman akong pinagbibigyan ng landline number nila Izaac.

"Ron daw." Pagkasabi ni Alice ay napataas agad ang kilay ko. Si Ron? Paano naman niya nalaman ang numero dito sa bahay nila Izaac?

"Sige salamat Alice." Bago pa tumalikod si Alice ay nakita ko pa siyang umirap sa akin. Napapailing nalang ako.

Pumunta ako ng sala at doon ko sinagot ang tawag ni Ron. "Hello?" Saad ko sa kabilang linya.

"Hello Angel? It's Ron." Bungad ni Ron sa akin.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon