"Do you want to see them?" Izaac asked me. I nodded. Ayon sa kanya ay may miyembro pa ng Houston's ang nahuli ng mga tauhan niya. "Hindi magtatagal ay mapapansin na nila ang isa isang pagkawala ng mga tauhan nila kaya naman napagdesisyunan ko na paalisin na ang mga tauhan ko sa Houston's pag sapat na ang nalalaman natin." Dagdag pa niya. Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Pakiramdam ko kasi ay wala pa kami sa kalahati. Naiinip na ko.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Izaac mula sa likuran. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa mga bewang ko at ngumiti. Hinarap ko siya. Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti. "Your so beautiful my Angel." He said.
"Thank you Zac." Muli ay niyakap ko siya. Nasa ganoong posisyon lang kami ng ilang minuto. Humiwalay lang siya sa akin ng mag ring ang phone ko.
"Baka importante yun. Sagutin mo na." Saad niya. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table ko at tinignan kung sino iyon.
"It's Ron." Sabi ko kay Izaac.
"Sagutin mo." So I did. Niloudspeak ko ang tawag para marinig ang usapan namin.
"Hello Ron. Bakit?"
"May ginagawa ka ba?" Tanong niya. I looked at Izaac, umiling siya.
"Wala naman, bakit?"
"Aayain lang sana kitang lumabas e." Muli akong tumingin kay Izaac at this time tumango naman siya.
"Sure."
"Good. Sunduin kita sa bahay nila Izaac a."
"Okay sige. Bye." I ended the call. I faced Izaac. He was holding my hands.
"Magiging okay ka lang ba na kasama siya?" Tanong ni Izaac sa akin. I touched his face.
"Oo naman no." I smiled. "Kailangan ko ng mag ready. Labas ka muna." Dagdag ko pa.
"Dito nalang ako. Hindi naman kita sisilipan e." Biro niya. Marahan ko siyang tinulak palabas ng kwarto. Bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ay humalik muna siya sa tungki ng ilong ko. Nakangiti ako habang papasok ng bathroom. Pagkahubad ko ng damit ko ay agad ko nang sinimulan ang pag ligo. Napapangiti ako sa twing maiisip ko kung ano na kami ni Zac ngayon.
Nagbago siya simula ng maging kami. Palagi na siyang nakangiti at hindi na siya ganong masungit tulad ng dati. Ngayon ko masasabi na nakita ko na ang totoong Izaac na kinuwento sa akin ni Correen. Hindi ko talaga akalaing magugustuhan ako ni Izaac at gusto pa niyang totohanin ang kasal namin. Sa ngayon ay kaming dalawa palang ang may alam ng totoong relasyon namin. Even Correen didn't know about it. Ayaw pa kasi muna ipaalam ni Zac ang totoo.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Zac na nasa sala at nagbabasa. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Ibinaba niya ang librong binabasa niya at bumaling sa akin. "Hindi pa man din kayo umaalis ng Ron na yun ay nakakaramdam na ko ng selos." He frowned. Humilig ako sa balikat niya.
"Wag kang magselos. Alam mo naman kung para saan to diba?" Sagot ko. Minutes later ay may narinig na kaming bumubusina sa labas ng gate nila Zac. Agad kaming tumayo at magkahawak kamay kaming naglakad palabas. Tama ang hinala namin si Ron nga ang bumusina. Nang makalapit kami sakanya ay ngumiti siya.
"Long time no see Izaac." Ron smirked. Tinanguan lang siya ni Zac. "Pwede ko bang mahiram si Angel? Mamamasyal lang kami." Nakangisi parin si Ron habang sinasabi iyon.
"Sure. May tiwala naman ako sa fiance ko e." Hinalikan ni Zac ang sintido ko at ngumisi kay Ron.
"Aalis na kami Zac." Paalam ko. Izaac gave me a peck on the lips then smiled.
"Take care my Angel. I love you." He winked. Napangiti naman ako. Zac can be cheesy sometimes.
"I will. I love you too."
"Enough of those sweet nothings. Let's go Angel." Aya ni Ron. Hinalikan pa ulit ako ni Zac sa labi bago kami nakaalis. Buong byahe namin ay tahimik lang si Ron.
"Saan mo ko balak dalin?" Tanong ko. Nilingon niya ko saglit at ngumiti.
"Dyan lang." Sagot niya. I made a face. Ano na naman kayang balak ng walangya to. Sinilip ko ang phone ko at sinigurado kong naka-on ito. Baka kasi kung saan akong lupalop dalin nitong kampon ng demonyo na to. Alam kong mate-trace ako ni Zac agad dahil sa gps ng phone ko. Maganda ng sigurado.
"Saan yung dyan lang?" Tanong ko muli.
"Basta, surprise."
"Tss." Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana at pinagmasdan ang dinadaan namin. Pamilyar naman sa akin ang daan na yun kaya hindi ako masyadong kinakabahan. Plus, the fact na tinrain ako ng self-depense at shooting ni Josh. Kayang kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko kay Ron kung sakaling pagbalakan niya muli ako ng masama.
"We're here." Nilingon ko si Ron ng magsalita siya. Alam ko ang lugar na to. Dito kami madalas magpunta nung kami pa. I'm pretty sure na doon niya ko dadalin. Inakay niya ko para maglakad. Minutes later ay narating na namin ang lugar. Tama nga ang hinala ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Lahat ba ng babae niya ay dinadala niya dito? Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Marami ka na bang nadala dito?" Tanong ko. Alam kong hindi lang ako ang nadala niya dito. Siguro pati si Chelsea ay dinadala niya rin dito.
"Nope. Pangalawa ka palang. Ang ganda ng lugar no?" Sagot niya. Nakatitig lang siya sa umaagos na tubig ng batis at nakangiti.
"Si Chelsea yung una?" Tanong ko ulit. Umiling siya.
"Hindi tipo ni Chelsea ang mga ganitong lugar. Mas gusto niyang magshopping sa mall o di kaya ay tumambay sa place para alam mo na." Then he shrugged.
"Edi sino yun isa?" Hindi ako nag eexpect na sabihing ako yun pero gusto kong malaman kung anong isasagot niya.
"Her name is Daien. Actually, kamukhang kamukha mo siya. Akala ko nga nung una ikaw siya e." Tinignan niya ako at ngumiti. "Pero hindi pala." Dagdag pa niya.
"Really? Asan na siya?"
"Ewan ko." Naikuyom ko ang palad ko sa sagot niya. Hindi niya alam kasi ang alam niya patay na ko.
"Okay." Kahit nag-ngingitngit ako sa galit ay pinagtiisan ko padin siyang makasama para na rin makakuha pa ko ng kahit kaunting impormasyon. Maraming kinukwento sa akin si Ron, ang iba ay alam ko na dahil naikwento na niya sa akin noong ako pa si Daien. Matamnan lang ako nakikinig kahit naiinip na ako.
"You know what I like you." Napalingon ako sakanya ng sabihin niya iyon.
"Engaged na ako kay Zac alam mo yun. At isa pa may girlfriend ka. Si Chelsea." Natawa siya sa sinagot ko.
"But still, I like you."
_______________________________
Patawad po sa mabagal na UD. Busy lang po. Sana po patuloy niyo paring suportahan ang AR kahit pagong ako. Sorry po.~AylaClara
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...