Chapter Thirty Two : Close

68 1 0
                                    

"Sa tingin ko kailangan nating ilipat sa ibang lugar ang mga magulang at kuya mo." Saad ni Zac habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng lunch dito sa opisina niya.

"Bakit naman?" I asked. Sinubuan niya ko pagtapos kong magsalita.

"Kung totoo ngang sadya ang nangyari sayo kahapon, ibig sabihin may hint na sila na tayo ang gumagawa ng lahat ng iyon."

"Saan naman natin sila ililipat?"

"May bahay ako malapit lang sa tinitiran natin. Tago yun at nasa gitna ng malawak na bukiran plus may guard ang paligid kaya sa tingin ko magiging safe sila doon." Uminom si Izaac ng softdrinks at sumubo ng pagkain.

"Malapit lang talaga?"

"Yeah. Tanaw yun sa kwarto ko."

"Well, kung malapit nga lang ay payag ako. Pero kailangan muna nating sabihin to sa kanila."

"Mamaya ay kakausapin natin sila."

Natapos ang pag kain namin ng yun ang pinag uusapan. Sa totoo lang ay nag aalala na rin ako sa nangyari. Paano kung maulit ang lahat? Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. Hindi basta basta ang binangga namin. Kampon sila ng mga demonyo.

Habang nag papahinga kami parehas ni Izaac sa sofa ng opisina niya ay biglang tumunog ang phone ko. Si Ron ang tumatawag. Nilingon ko muna si Izaac bago sinagot ang tawag niya. Niloudspeaker ko muna yun bago nag salita.

"Hello?"

"Hey, are you busy?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Can you come here? I think my problem sa department ko."

"Okay, be there after 5 minutes." I ended the call.

"Ano naman kayang problema sa department nila?" Zac asked. I shrugged. Nag desisyon na kong bumaba para makabalik agad sa opisina ko dahil marami pa kong gagawin. Nang makarating ako sa opisina ni Ron ay ipinaliwanag niya agad sakin ang problemang sinasabi niya. Agad akong tumawag ng mag aayos at nang dumating na iyon ay nag paalam na ko na aalis na pero pinigilan ako ni Ron.

"Let's have coffee first." Aya niya. Tatanggi sana ako kaso naisip ko na kailangan ko nga palang mapalapit sa kanya.

"Okay, pero pwede bang dito nalang sa office mo? Medyo tinatamad kasi akong bumaba e." I said in a sweet voice. Hindi ko masyadong ineexpose ang sarili ko sa public ngayon dahil sa insidenteng nangyari kahapon. Hindi naman ako natatakot pero kailangan kong mag ingat. Hindi pwedeng maisahan ako ng kalaban.

Habang inaantay ko ang mga pinabili ni Ron sa sekretarya niya ay nag ikot ikot muna ako sa loob ng opisina niya habang siya ay nakaupo lang at nakatingin sa akin. Sa totoo lang ay naiilang talaga ako sa mga tingin niyang iyon pero pinagpapawalang bahala ko nalang.

Nagawi ako sa isang rack na may mga nakadisplay na mga picture frame. Karamihan ng mga nasa frame ay mga litrato nila ng nobyang si Chelsea Scott. Napapasimangot ako habang tinitignan ang mga picture nila dahil naaalala ko ang mga panlolokong ginawa nila sakin. Hindi naman sa hindi pa ako nakaka-move on at mahal ko pa si Roniel pero sa twing maiisip ko na nagawa nila ang mga bagay na ginawa nila sa akin, sa amin namumuhi talaga ako. At kahit pa nakuha ko na ang mga magulang ko at ayos na si kuya Daniel gusto ko paring ipagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi ako makakapayag na makagawa pa sila ng anumang masama. Sila ng Houstons at ni Scott. Plus, hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Sabrina. Nasasaktan ako sa twing dadalawin ko ang mga magulang ni Sab. Hanggang ngayon ay lugmok parin sila sa pangyayari. Hindi sila tumitigil sa paghahanap ng hustisya. Pero ano nga bang magagawa nila kung hindi naman nila alam kung sino ang may kasalanan. Gusto kong maibsan kahit papano ang lungkot ng pamilya nila. Kaya gagawin ko ang lahat para magbayad ang may gawa nito sa kanya. Si Roniel Contreras.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon