Chapter Eighteen : Confusion

135 1 0
                                    

"Grabe. Inlove na kaya sayo si Izaac?! Grabe to Angel. Hindi ako maka-move on." Hanggang ngayon ay hindi parin talaga kami maka-move on sa sinabi ni Izaac sa akin kanina sa restaurant.

"No Correen, she's my girl."

Halos paulit ulit kong naririnig yun sa isipan ko. Alam kong pwedeng wala lang yun sakanya pero sa akin, sa amin ni Correen merong kakaiba dun.

"Baka naman wala lang yun, Correen." Tanggi ko pa. Umiling naman si Correen.

"Na-ah. I know Izaac well. Alam kong hindi siya magsasalita ng basta basta. Alam kong may meaning yun." Pagpupumilit ni Correen.

"Malay mo naman. Oo nga pala. Kailan magsisimula si Ron sa kompanya?" Pag iiba ko nalang ng usapan.

"Bukas na ata. Ready ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Correen sakin.

"Ang totoo Correen hindi ko din alam. Hindi ko alam kung makakaya ko bang maging si Angel kapag si Ron ang kaharap ko. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ba ang galit ko pag kaharap ko na siya. Baka kasi...." Yumuko ako at pinag laruan ang mga daliri ko. "Baka mapatay ko siya." Pag amin ko. Hinimas naman ni Correen ang likod ko.

"Ito na ang simula ng paghihiganti mo Angel. Basta sumunod ka lang sa mga plano ni Izaac."

"Oo Correen." Pagtapos naming magkwentuhan ay nagpaalam na siyang uuwi na. Kaya naiwan ako mag isa sa kwarto. Doon ay nagbukas ako ng laptop na ibinigay sa akin ni Izaac at nag research tungkol sa Houston's. Pero wala akong mahanap na impormasyon tungkol dito. Mukhang magaling talaga magtago ang grupong iyon. Tumigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Bakit po Nay?" Tanong ko kay Nanay Bering pagkabukas ko ng pintuan.

"Tara na at mag hapunan." Aya niya sakin. Sumunod naman agad ako sakanya.

"Nasan po si Izaac? Di po ba siya kakain?" Tanong ko kay Nanay Bering ng makita kong wala si Izaac sa dining area.

"Tinawag na siya ni Alice. Malamang ay pababa na iyon dito." Saad ni Nanay Bering.

"Nanay, ano pong niluto niyo?" Bungad ni Izaac nang makababa siya.

"Seafood paella ang pinaluto mo diba?" Tanong naman ni Nanay Bering sakanya.

"Opo."

"Edi yun ang niluto ni Alice."

"Ah sige po. Tara na kain na tayo Angel." Nakita kong inirapan ako ni Alice pero hindi ko na siya pinansin.

Tahimik kami ni Izaac hanggang sa matapos kaming kumain. Pagtapos niyang kumain ay nagdiretso siya sa sala at doon nagbukas ng laptop. Siguro ay magtatrabaho na naman. Ako naman ay lumabas ng bahay para magpunta sa gazebo. Nang makaupo ako ay inilibot ko ang paningin ko sa buong kabahayan ni Izaac. Malaki ito at malawak. Hanggang 4th floor ang bahay. Malaki ang garden nito at merong pool. At pag nasa gazebo ka naman makikita mo ang ganda ng bukirin na sakop din nila Izaac. Sa loob naman nito ay may iba't ibang facilities. May home theater, mini library, arcades, mini bar at sa 4th floor ay may mini garden kung saan may over view ng paligid. Kitang kita ang karangyaan ng buong kabahayan pero despite of that ramdam ang lungkot ng bahay na ito. Malaki ang bahay pero kaunti lang ang nakatira dito. Tanging si Izaac, Nanay Bering, Alice at si Tatay Lucio lang ang nakatira doon. Sa ilang buwan kong nakatira dito ay minsanan ko lang makita si Izaac na nakikisalamuha sa iba pang nakatira dito. Si Nanay Bering lang ang madalas niyang kinakausap pero hindi naman katagalan ang mga pag uusap na iyon.

"Gabi na. Hindi ka pa ba matutulog?" Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita, doon ko nakita si Izaac na papalapit sa gawi ko. Pagkalapit ay umupo siya sa tabi ko.

"9 palang naman. Mamaya na siguro. Ikaw?" Sagot ko naman.

"Hindi pa ko inaantok." Simpleng sagot niya. "So how's your first day at Sandoval's Empire?" Patukoy niya sa unang araw ko bilang VP ng kompanya niya. Iba-iba ang mga bussiness na hinahandle nito. Merong winery, toy bussiness, clothing line at BPO company kung saan naka-assign bilang HR manager si Ron. Nasa 5th floor iyon habang nasa 10th floor naman ang office namin ni Izaac bilang executive.

"Ayos naman. Nacheck mo ba yung ginawa ko? Tama ba?" Tanong ko sakanya.

"Yes. Actually it's impressive. Ang bilis mo natuto." He said smiling. "Alam mo bang tutol ang buong board sa paghirang ko sayo bilang vice president? Marami kasing gustong mapunta sa posisyon na iyon."

"Pwede naman kasi akong maging regular employee lang e." Sagot ko.

"Hindi pwede ang ganon Angel. Alam nilang fiancè kita kaya hindi pwedeng basta ka lang na empleyado. Besides alam din nilang galing ka sa marangyang pamilya sa France kaya alam mo kung paano maghandle ng isang kompanya."

"Pero paano kung pumalpak ako?" Tanong ko pa.

"Correen and I will be there to cover up your mistakes." Saad pa niya.

"Izaac, pinagdalan kita ng kape." Si Nanay Bering iyon na may dalang tray ng kape. "Nakita ko kasi kayo ni Daien kaya pinagtimpla ko na kayo." Inilapag niya sa gilid ni Izaac ang tray na may nakalagay na dalawang tasa ng kape. Iniabot sakin ni Izaac ang isa at ang isa naman ay ininom niya.

"Salamat po Nay."

"Thanks Nanay. Matulog ka na po." Saad ni Izaac.

"Sige maiwan ko na kayo." Pagpapaalam ni Nanay Bering. Tumalikod na ito at naglakad papasok ng bahay.

"Si Nanay Bering na ang itinuring kong Nanay simula ng mawala si Mama." Napatingin ako kay Izaac ng magsalita siya. "Simula bata palang ako siya na ang nag aalaga sakin. Ni hindi na nga siya naka-buo ng sarili niyang pamilya dahil sa pag aalaga niya sa pamilya ko." Yumuko siya tsaka nagsalita muli. "Noong nagsisimula palang si Daddy sa pagpapalago ng kompanya namin ay siya ang lagi kong kasama. Kaya ipinangako namin ni Beatrice na kami ang mag aalaga sakanya hanggang sa pagtanda niya. Too bad ako nalang ang makakatupad noon. Wala na si Beatrice." Muli ay nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Izaac. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "May hihilingin ako sayo Angel."

"Ano yun?" Tanong ko.

"Pwede mo bang ipangako mo sakin na makakapag-higanti tayo sakanila? Na pagbabayaran nila ang mga ginawa nila sa kaibigan at kuya mo pati na rin kay Beatrice?" He sounds desperate while saying that. He's eyes were full of sorrow.

"Pangako Izaac. Pangako." Saad ko. Nabigla ako ng yakapin niya ko ng mahigpit.

"Salamat Angel." He smiled to me. "Siya nga pala. May bibigay ako sayo." May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya. Binuksan niya iyon at tumambad sakin ang isang singsing na may diamond sa gitna. Nabigla ako. Ni hindi ako nakapag salita.

"Ito yung magsisilbing engagement ring natin. Diba kasi engage tayo sa harap ng ibang tao? So eto na." Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing sa ring finger ko. Hindi parin ako makapag salita. Tinignan ko siya sa mata. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. "Salamat Angel. You are really my Angel." Muli ay niyakap niya ko.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon