Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto and I'm 100% sure na hindi ito ang kwartong pinagkulungan samin nila kuya at Sab. Maganda at malaki ang kwartong ito. Sky blue ang pintura at may dalawang pinto. Kung hindi ako nagkakamali ay yung isang pinto ay CR at yung isa naman ay ang pinto papunta sa kabuuan ng bahay.
Matapos kong iikot ang tingin ko sa loob ng kwarto ay agad kong sinuri ang sarili ko. May dextrose ako sa kanang kamay at iba na rin ang suot kong damit. Kinapa ko ang likod at balikat ko at doon ko nalaman na may mga benda na ang mga sugat ko. Pati ang mga maliliit na galos ko ay may mga nakapahid na din na gamot. Kahit papano ay nakaramdam ako ng saya ng mapagtanto ko na nailigtas nga ako.
Akmang tatayo na ako ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang matandang babae. Nakangiti ito sa akin at may dalang isang tray ng pagkain.
"Gising ka na pala hija. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng matandang babae sa akin.
"Mabuti na po ako. Maraming salamat po." Nakangiting sagot ko.
"Ako nga pala si Bering. Nanay Bering nalang ang itawag mo sakin dahil yun ang tawag sakin ng karamihan ng mga tao dito." Malumanay na saad niya.
"Okay po. Uhm. Nanay Bering, may iba pa po bang kasama ang mga taong nagligtas sakin?" Tanong ko patungkol kay kuya at Sab.
"Sa pagkakaalam ko mag isa ka lang na dala ni Sir at Lucio eh. Bakit hija?"
"Kase po yung kuya at best friend ko naiwan sa lugar kung saan kami ikinulong. Tulad ko po ay may tama rin sila ng bala." Malungkot na saad ko. Nag aalala ako kila kuya. Bakit ba kase ako nawalan ng malay. Hindi ko tuloy naituro kung nasaan ang mga kasama ko.
"Sa pagkakaalam ko ay pinaikot na ni Sir ang iba niyang mga tauhan para masuri ang lugar. Pero sasabihin ko parin kay Lucio ang tungkol sa mga kasama mo para sigurado." Tinapik pa ni Nanay Bering ang balikat ko. "O siya kumain ka na hija at pagtapos ay inumin mo ang gamot na inireseta sa iyo ng doctor. Ano nga bang pangalan mo?" Dugtong pa niya.
"Daien po." Pagpapakilala ko. Tango lang ang isinagot niya. "Siya nga po pala Nanay Bering pwede ko po bang malaman kung nasaan yung taong naligtas sa akin? Gusto ko lang pong magpasalamat."
"Ah si Sir Izaac? Madalas ay doon siya sa gazebo naglalagi. Malamang ay nandoon yun ngayon. Ang alam ko kasi ay hindi naman siya pumasok sa opisina." Sagot niya sakin.
"Ganun po ba? Pwede niyo po ba akong samahan papunta sakanya?"
"Walang problema Daien. Pero bago yun ay kumain ka muna at uminom ng gamot. Babalikan na lamang kita mamayang konti." Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Hindi nagtagal ay lumabas na si Nanay Bering.
Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na ang mga gamot na nasa mesa sa gilid ng kama. Nang matapos kong inumin ang mga iyon ay tinanggal ko na ang dextrose na nakakabit sa akin. I hate needles. Hindi ako makakakilos ng maayos kung may nakakakabit sakin na ganito.
Umikot ikot muna ako sa kwarto habang hinihintay si Manang Bering. Hindi nga ako nagkamali maganda ang buong kwarto. Pero ang talagang nakapag pamangha sa akin ay ang closet sa tabi ng pintuan ng CR. Sa unang tingin ay isa lang itong simple at maliit na closet pero pag binuksan mo iyon ay doon mo lamang malalaman na isa pala itong walk-in closet. Isang napakalaking walk-in closet ng isang babae. Napakaraming damit, sapatos, bags at kung ano ano pang gamit na pang babae. At sa dulo ng silid na iyon ay ang litrato ng isang napaka gandang babae. Napakaamo ng mukha nito at hindi maitatanggi ang rangya sa itsura niya. Lumapit ako sa malaking frame na iyon at pinakatitigan ang babae sa litrato. Napakaganda niya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong hinahaplos ang litrato niya.
"Daien. Andyan ka lang pala. Akala ko ay kung saan ka na nagpunta." Si Nanay Bering ang nagsalita. Nandoon na pala siya sa pintuan ng walk-in closet.
"Pasensya na po kung nakielam ako sa kwarto. Nacurious lang po kase ako." Sagot ko. Ngumiti lang ang matanda.
"Ayos lang iyon. Hindi naman madamot si Ma'am Beatrice." So, Beatrice pala ang pangalan ng magandang babaeng nasa litrato. Nandito din kaya siya sa bahay?
"Halika na at iikot kita dito sa bahay para makausap muna si Sir Izaac." Pag aaya ni Nanay Bering sa akin. Agad naman akong sumunod sakanya.
Pagkalabas ng kwarto ay nakita ko na ang halos kabuuan ng bahay. Malaki nga ito. Nasa ikalawang palapag ang kwarto kung saan ako nagpahinga. Hindi mapagkakaila ang rangya ng bahay. Lahat ng gamit na nadadaan ko ay halatang mamahalin.
Pababa na kami ng hagdan ng may makasalubong kaming babae na sa tantya ko ay kasing edad ko lang.
"O Alice saan ang punta mo?" Tanong ni Nanay Bering sa babaeng kaharap na namin ngayon.
"Maglilinis po sa balcony nanay." Magalang na sagot nung babaeng tinawag ni Nanay na Alice.
"Ganun ba? Siya nga pala, Alice ito pala si Daien. Siya yung bisita ni Sir Izaac. Daien, si Alice isa mga kasambahay dito." Pagpapakilala samin ni Nanay Bering. Yung maamong mukha ni Alice nung kausap niya si Nanay Bering ay napalitan ng mataray na mukha nung humarap siya sa akin.
"Hindi po ako interesado sa mga babaeng dinadala ni Sir Izaac dito nanay. Bukas makalawa ay siguradong iba na naman ang kasama niya." Nakataas ang kilay na saad ni Alice. Akmang sasagot pa sana si Nanay Bering nang tumalikod na si Alice at umakyat.
"Anong pong problema nun Nanay?" Tanong ko habang pababa kami ng hagdan.
"Ay nako wag mong intindihin yung si Alice. Matagal na kasing may gusto yun kay Sir Izaac. Lahat ng babaeng dinala ni Sir dito ay sinusungitan niya. Pwera lang kay Ma'am Beatrice." Saad ng matanda.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi nagtagal ay narating na namin ang pintuan palabas ng bahay. Tulad ng loob ay halata din ang rangya ng labas ng bahay. May garden at malaking swimming pool ito. Sa di kalayuan ay matatanaw mo rin ang isang gazebo. Doon ko siguro matatagpuan ang taong nagligtas sa akin.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomansaDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...