Chapter Thirty Six : Chelsea Scott

106 1 0
                                    

Nagising ako na sobrang mabigat ang pakiramdam ko. Nanghihina ako at nahihilo. Masakit din ang ulo ko. Ano bang nangyari? Nilibot ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sakin ang lugar. Isa itong maliit na kwarto na gawa sa kawayan. May kama kung saan ako ngayon nakaupo, mini ref at dalawang pintuan.

Si Izaac! Naaalala ko na. Tumumba siya sa harap ko at nawalan ng malay. Yun yung huli kong natatandaan. Agad akong tumayo at tumungo sa pintuan sa kanan ko. pinilit kong buksan iyon pero nakalock.

"tao po! Buksan niyo po ang pinto! Tulong!" Paulit ulit akong sumisigaw pero walang nagbubukas ng pinto. Unti-unti na akong nilalamon ng takot. Naulit nga ba ang nangyari noon? hindi pwede.

Pilit kong nilalakasan ang loob ko para sa mga taong mahalaga sakin. Kay Zac, mama at papa. Pati na rin kay kuya Daniel at Coreen. Sila ang paghuhugutan ko ng lakas. Pilit kong itinulak ang pinto pero hindi talaga ito nagbubukas. pinuntahan ko naman ang pinto sa kaliwa para tignan ko kung makakalabas ako doon. CR pala ito. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng banyo para tignan kung meron ba kong pwedeng labasan doon pero wala.

Muli ako lumabas at umupo sa tabi ng pintong nakalock. hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Alam ko na may mga taong naghahanap sakin. Hahanapin ako nila Zac.

Hindi ko namalayan na patuloy na pala sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit ba kasi ganito? yung sayang nararamdaman ko kagabi, pinalitan agad ng lungkot at takot. Hindi na ba ko pwedeng maging masaya?

agad akong tumayo ng bumukas ang pinto. Isang lalaking hindi ko kilala ang pumasok doon. May dala siyang isang tray na may pagkaing laman. Tila nabigla siya ng makitang gising na ako.

"Oh gising ka na pala. kumain ka na. Mamaya dadating na si Ma'am." Utos niya. Ibinababa niya sa bedside table ang pagkain. Nang lingunin niya ko ay agad ko siyang sinapak. Tinamaan siya sa panga pero hindi siya tumumba. Ni hindi siya natinag. "Aba walangya kang babae ka a!" Inambahan niya ko ng sampal pero hindi niya tinuloy. "Pasalamat ka utos sakin na wag kang saktan. Kundi nakatikim ka sakin." Hinawakan niya ang kamay ko at pilit hinila paupo.

"Bitawan mo ko!" Pilit akong pumapalag pero wala akong magawa. Malakas siya. Padabog niya akong inupo at tinalian ang kamay. "Sinong nag utos sayo?! Pakawalan mo ko." I commanded. Tinawanan niya lang ako.

"Manahimik ka nalang. Kainin mo to." pilit niya kong sinusubuan ng pagkaing dala niya pero iniiwas ko ang ulo ko. Kaya ng mainis siya ay hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at ipinilit isinubo ang kutsara. Ibinuga ko sakanya yun pagtapos at sinipa ang tray na nasa pagitan namin. "Pinipikon mo talaga akong babae ka!" Sinampal niya ko ng malakas. Pumaling ang ulo ko sa kanan at hindi nagtagal ay nalasahan ko na ang dugo na nanggaling sa gilid ng labi ko. "Kung ayaw mong kumain wag!" Tumayo siya at pinagpag ang mga kanin na natapon sa damit niya.

"Papatayin kita pag nakawala ako dito." I hissed. Tinawanan niya lang ako.

"Yun ay kung makakawala ka pa." Pagtapos niyang pulutin ang mga nalaglag na kubyertos ay lumabas na siya. Pinilit kong tanggalin ang pagkakatali sa kamay ko pero masyadong mahigpit yun kaya nasasaktan ako. Tumigil na ako sa ginagawa ko dahil masyado ng masakit ang pinagtalian.

Hindi ako dapat mag ubos ng lakas. Dapat ay malakas ako pag hinarap ko ang nagpadukot sakin. Kung sino man siya hindi ako magpapakita ng takot. Lalabanan ko siya.

Hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na nakatingin sa pintuan ng bigla itong nagbukas. Umayos ako ng upo. Muling pumasok ang lalaki pero hindi na siya nag iisa ngayon. Tatlo na silang lalaki.

"Ang tigas ng ulo niyan pre. Nasampal ko tuloy." Saad nung unang lalaki.

"Si Ma'am na bahala dyan." Pagtapos ay nagtawanan sila. ma'am? Ibig sabihin babae ang may gawa nito sakin. isa lang naman ang alam kong may galit sakin na babae e...

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon