Nagising ako na ramdam padin ang sakit ng katawan na dulot ng pakikipag-away ko kay Chelsea. Agad akong tumayo para mag hilamos. Napapangiti ako sa twing maaalala ko ang itsura ni Chelsea habang unti-unti niyang tinatanggap ang pagkatalo niya. Even Ron is on my side now. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng naaagawan.
And too bad for her, there's more to come.
Pagtapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Ang mga magulang ko ang inabutan ko sa kusina kasama si Nanay Bering. Tumutulong si Mommy sa pagluluto habang so Daddy naman ay nag aayos ng hapag. Parehas ko silang hinalikan sa pisngi at nag mano.
"Daddy ako na po." Pagpiprisinta ko.
"Nako ako na Daien. Nakakahiya naman kay Izaac. Ang tagal na nating naglalagi dito ng libre. Kahit sa gawaing bahay man lang ay makatulong kami." Saad ni Daddy. Kumuha ako ng ilang kubyertos at tinulungan siyang mag ayos ng mesa.
"Balang araw ay makakabawi din tayo sa kabutihang pinakita niya sa atin Dy."
"Nako matigas ang ulo ng mga magulang mo Hija. Sinabi ko ng wag na silang magkikilos dahil may mga tao namang naka-atas sa mga trabaho na iyan pero mapilit talaga ang iyong Mommy at Daddy." Sagot ni Nanay Bering habang tatawa-tawa.
"Hayaan mo na po kami Nanany Bering. Hindi rin naman kami sanay na walang ginagawa." Si Mommy naman ang sumagot.
"You don't have to do that Mom and Dad." Halos magkakapanabay kaming napalingon sa nagsalita. It was Izaac. He's leaning on the door with a sweet smile on his face. "Infact pamilya na rin po ang turing ko sa inyo." Lumapit siya sa amin. Nag mano siya sa mga magulang ko at kay Nanay Bering pagtapos ay humalik siya sa noo ko. "Good morning." Bati niya.
"Good morning din Hijo. Teka lang at maluluto na ito." Saad ni Mommy.
"Umupo ka na diyan Izaac at malapit na kumain." Si Daddy naman ang nagsalita.
"Please sit with me Mom, Dad. Hindi po dapat kayo ang gumagawa niyan." Inaya ni Zac ang mga magulang ko na maupo. "Nay nasaan po si Alice? Siya po ang dapat gumagawa ng mga bagay na iyan." Baling ni Izaac sa matanda.
"Ah nasa bayan siya at namimili Hijo."
"Let's eat."
"Pasensya na nalate ako ng gising." Halata kay kuya Daniel na kakagising lang nga niya dahil sa magulo niyang buhok. Nag mano at humalik siya kay Mommy at Daddy habang ginulo naman niya ang buhok ko. Tinap niya ang balikat ni Izaac saka umupo sa tabi ko. "Nalibang kasi ako sa mga librong binigay ni Izaac sakin kaya napuyat ako." Saad pa niya pagkaupo.
"It's a good thing na may napaglilibangan ka na Bro. Alam ko namang inip na inip na kayo dito sa bahay." -Izaac
"Nako ayos lang naman kami Hijo. Mas okay na kami dito sa loob ng bahay mo atleast alam naming ligtas kami. Kesa naman nakakalabas nga kami palagi naman kaming nag aalala para sa buhay namin." Sagot ni Mommy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Daddy.
"Do you want to go out? Mamasyal? Kumain sa labas?" Sobra ang tuwa ko sa narinig kong sinabi ni Izaac. Matagal ko ng gustong lumabas kasama ang pamilya ko kaso hindi ko magawa dahil sa panganib ng buhay namin.
"Talaga? Pero paano?" Tanong ko.
"Sa malayo tayo para safe." Nakangiting sagot ni Izaac.
"Sama natin si Correen, pwede?" Hirit ko pa. Tumango lang siya bilang tugon. Napangiti ako lalo.
"Salamat Hijo. Napakabait mo talaga." Pasasalamat ni Daddy.
"Mag ready na kayo after natin magbreakfast." Lahat kami ay masaya habang kumakain. Napag desisyunan namin na sa Tagaytay magpunta para mamasyal at mag picnic na rin. Kasama rin namin si Nanay Bering.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomantikDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...