"Miss Angel, phone call po. Si Nanay Bering daw po siya." Saad ni Lea sa akin. Agad kong sinagot ang telepono.
"Nay, napatawag po kayo?" Tanong ko.
"Daien, hija ang kuya mo." Saad ni Nanay Bering. Agad akong nakaramdam ng sobrang kaba nang maintindihan ko ang sinabi ni Nanay Bering.
"Ano pong nangyari kay kuya nay?" Tarantang tanong ko.
"Gising na siya."
"Uuwi na po ako nanay. Pakisabi po kay kuya antayin nya ko." Agad kong pinutol ang tawag. Nagmamadali akong lumabas ng opisina ko at nag diretso sa opisina ni Zac.
"Si Zac?" Tanong ko sa sekretarya niya ng hindi ko makita sa loob ng opisina nya si Zac.
"Nasa meeting po Miss Angel." Naalala kong bigla na may meeting nga pala siya ngayon. Halos patakbo kong tinungo ang board room. Hindi na ako nag abalang kumatok dahil emergency naman. Nagtinginan ang mga tao sa loob ng buksan ko ang pinto. Hindi ko na inantay magsalita si Zac.
"Zac si kuya gising na." Saad ko. Tila nabigla din si Izaac sa sinabi ko.
"I need to cancel this meeting. We will resume this first thing in the morning tomorrow. Thank you, you may all go now." Saad ni Zac sa mga board members. Agad siyang lumapit at humawak sa kamay ko. Hindi siya nag sasalita habang tinatahak namin ang daan papuntang parking lot habang ako naman ay hindi na mapakali.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Zac habang nasa byahe kami.
"Ofcourse I'm okay. Sa wakas gising na si kuya." Nakangiting saad ko. "Excited na kong makita siya Zac." I added.
"You'll see him soon my Angel." Hinalikan ni Zac ang kamay kong hawak niya.
Minutes later ay narating na namin ang bahay. Hindi ko na inantay na pagbuksan ako ni Zac ng pinto dahil dali dali na kong lumabas ng kotse nya at tumakbo papasok ng bahay.
"Kuya." Sambit ko ng makita ko si kuya Daniel na nakahiga sa kama niya. Agad niya kong nilingon at ngumiti. Lumapit ako at niyakap siya. "Kuya, thank God your awake." Nagsimulang mangilid ang mga luha ko.
"Baby girl." Ang kanina ko pang pinipigil na luha ay tuluyan ng nagsilabasan. Sobrang namiss ko si kuya.
"Kuya namiss kita sobra." Saad ko. Hinimas niya ang likod at hinalikan ang noo ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at pinakatitigan si kuya. Namayat si kuya dahil sa ilang buwan na hindi pagkain. Sigurado akong gutom na gutom na siya. "Kuya wait lang at ipagluluto kita."
"Stay with your kuya, Angel. Nagpaluto na ko nang makakain nyo." Napatingin kami ni kuya kay Izaac na nasa tapat ng pinto. Nakalimutan kong kasunod ko nga pala siya kanina. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya dito sa loob ng kwarto. Tinignan ako ni kuya Daniel ng may pagtatakha.
"Kuya, si Izaac. Siya ang tumulong satin." Nilingon ko si Izaac at sinenyasan na lumapit. Agad naman niya akong sinunod. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ano ba ang nangyari baby? Pano tayo nahanap? Nasaan si Sab? Sila Mommy at Daddy alam na ba nila na nandito tayo at ligtas?" Sunod sunod na tanong ni kuya.
"Kuya kumain ka muna. Mamaya namin ikekwento sayo lahat." Sinunod naman iyon ni kuya Daniel. Nakatingin lang kami ni Izaac sa kanya habang magana siyang kumakain. Alam kong gutom na gutom siya dahil ilang buwan din siyang hindi kumain. Nang matapos siya ay nagsimula na kaming mag kwento. Lahat lahat ay ikinuwento namin sakanya. Ang pagkamatay ni Sab, pagkawala ng mga magulang namin, ang pagkupkop sa amin ni Izaac, ang Houston's, si Ron, at ang paghihiganti na ginagawa namin. Tahimik lang na nakikinig sa amin si kuya Daniel habang ako naman ay hindi maiwasang hindi umiyak.
"Izaac, pwede bang iwanan mo muna kami saglit? May pag uusapan lang kami." Saad ni kuya Daniel kay Izaac. Tumango lang si Izaac at umalis na.
"Ano yun kuya?" Pagsisimula ko.
"Are you sure about this Daien?" Tanong niya.
"About what?"
"About Izaac at sa mga plano niyong paghihiganti." Agad akong ngumiti kay kuya nang maintindihan ko ang sinasabi niya.
"Yes kuya, I am 100% sure." Inayos ko ang buhok niya. "Izaac is a good person. Kinupkop niya tayo despite the fact na hindi niya tayo kilala. Pinagkatiwalaan at inalagaan niya ko. At higit sa lahat minahal niya ko sa kabila nang lahat ng nangyari." Ngumiti ako at hinaplos ang mukha ni kuya Daniel. "At kung nag aalala ka sa pwedeng mangyari sakin dahil sa paghihiganting ginagawa namin ay wag ka ng mag alala. Tinuruan na nila ko ng mga dapat kong gawin. Izaac trained me well. Tandaan mo kuya, para to kay Sab." Nangilid na naman ang luha ko. "At para mahanap ko na din sila Mommy at Daddy."

BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomansaDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...