Pagkatapos naming mag usap ni Sir Izaac ay pinagpahinga na niya ako. Bukas daw ay pupuntahan daw namin ang hospital kung saan naka-confine si kuya Daniel.
Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit gusto niya kong tulungan na makapag higanti sa grupo ni Ron. Ngiti lang kasi ang isinagot niya sa akin ng tanungin ko siya kung paano. Pagtapos nun ay inaya na niya kong pumasok sa loob para maghapunan.
Binigyan ako ni Nanay Bering ng damit na maari kong suotin. Agad akong naligo at nagpalit ng damit. Pagtapos ko ay nahiga na ako para magpaantok. Nakatingin lang ako sa kisame ng bigla ay maalala ko sila Mommy at Daddy. Kamusta na kaya sila? Bigla ay nakaramdam ako ng takot para sa mga magulang ko. Baka sila ang balikan nila Ron. Agad akong tumayo para puntahan si Sir Izaac. Una akong nag ikot sa ibaba ng bahay. Nang makarating ako sa kusina ay doon ko nakita si Nanay Bering.
"Oh hija bat gising ka pa?" Tanong niya.
"Nay, alam niyo po ba kung saan ko makikita si Sir Izaac? May importante lang po akong sasabihin." Diretsahang sagot ko.
"Tignan mo dun sa may home office niya. Sa dulong pinto sa may itaas. Malamang ay nandoon iyon." Nakangiting saad ng matanda.
"Salamat po." Agad akong umalis para hanapin si Sir Izaac. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang home office niya. Agad akong kumatok at binigyan naman niya ako ng permiso para pumasok.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya pagkapasok ko.
"Sir, ang mga magulang ko po. Baka balikan po sila nila George." Nag aalala talaga ako. Feeling ko ay sila na ang isusunod ng mga demonyong yon.
"Papupuntahan ko sila bukas sa mga tauhan ko." Sagot niya.
"Ah Sir gusto ko po sanang ako ang personal na sumilip sa kanila." Pagbabaka-sakali ko.
"Okay, I'll come with you."
"Naku Sir wag na ho. Baka ho may dapat pa kayong asikasuhing iba. Kami nalang po ng mga tauhan mo." Pagtanggi ko.
"I insist. Sasama ako. Kailangan nating masigurado na hindi malalaman ng mga yon na buhay ka pa."
"Okay po. Pero Sir tanong lang po. Bakit niyo po ako gustong tulungan?" Kanina pa kasi ako nacucurious kung bakit e. Hindi naman sa ayaw ko pero yung pagligtas lang niya sa buhay ko ay laking pasasalamat ko na. Tapos ngayon ay gusto naman niyang tulungan akong makapag higante. Bakit? Sigurado akong may malalim na rason iyon at yun ang gusto kong malaman.
"Malalaman mo rin yon. Pero hindi pa ngayon. Now, go to sleep. Maaga tayong aalis bukas." He commanded.
"Okay po. Thank you po Sir. Goodnight." Tumango lang siya kaya lumabas na ko ng silid at nagdiretso na sa kwarto na pinaglalagian ko. Nakatulog ako na ang mga plano ni Sir Izaac ang nasa isip ko.
Si Nanay Bering ang gumising sakin kinabukasan para sabihing maghanda na daw para sa pag alis namin ni Sir Izaac. Agad akong naligo. Pinili ko ang pinaka maayos na dress na nakita ko sa mga damit na ibinigay sakin ni Nanay Bering kagabi. Pagtapos kong mag ayos ay bumaba na ko para puntahan na si Sir Izaac. Sa may dining area ko siya inabutan. Nagbabasa siya ng dyaryo habang nag aalmusal.
"Kumain ka muna." Pag aaya niya. Lumapit ako sa mesa at umupo sa harap niya. Halos sabay lang kaming natapos kumain kaya sabay na rin kaming lumabas ng bahay. Pasakay na sana ako sa kotse ng mga tauhan niya ng magsalita siya.
"Sa kotse ko na ikaw sumakay." Utos niya kaya agad ko siyang sinunod. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nagpasalamat ako. Pagkasakay niya ng sasakyan ay umalis na kami.
Tahimik lang kami parehas habang nasa biyahe. Pinagmamasdan ko lang ang mga dinadaanan namin at napansin kong parang nasa probinsiya kami dahil puro bukid ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...