Nakatingin ako sa kabaong ni George habang unti-unti itong ibinababa sa hukay. Tinignan ko ang pamilya niyang nagluluksa sa pagkawala ng padre de pamilya nila. Gusto kong masuka habang pinapakinggan ko ang sinasabi nila kanina tungkol sa ugali ni George.
"Napakabait niyang asawa... Kahit kailan hindi siya nagsinungaling sakin... Hindi niya ko niloko... Mapagmahal siyang tao..."
"Kahit kailan walang inagrabyadong tao ang kapatid ko... Hindi niya deserve ang ganitong pagkamatay..."
"Walang puso ang gumawa nito sa Daddy ko, napakabait niyang tao... Paano nila nagawa ang lahat ng to sakanya?"
"Walang dahilan para gawin nila ito sa taong walang ibang ginawa kundi ang tulungan kami... Mabuting tao si Sir... Rest in peace boss..."
Ang tao nga naman, pag namamatay bumabait sa lahat. Lahat ng sinasabi nila ay puro kasinungalingan. Mabuting tao? Mabait? Hindi manloloko? Hindi nagsisinungaling? Pwe! Lahat puro kasinungalingan! Dinamay niya pati ang mga taong walang alam. Ako, si kuya Daniel, si Sab at ang mga magulang ko... Hindi niya dapat kami pinahirapan ng ganun. Pinapatay niya kami... Siya ang walang puso! Hindi ang pumatay sakanya... Hindi ako! Marami akong natulungan sa ginawa ko... Matitigil na ang mga ilegal niyang negosyo at hindi na siya makakasakit o makakapatay ng kahit na sino. Hinding hindi na...
Nang tuluyan ng mailibing si George ay nagpaabot kami ng pakikiramay sa naiwan niya. Kahit papaano ay naawa din ako sa pamilya niya. Ang buong akala kasi nila mabuting tao ang padre de pamilya nila. Hindi nila alam na masahol pa sa demonyo ang hayup na iyon.
Nakita ko si Roniel na nakatayo sa tabi ng kakasara lang na libingan ni George. Hindi siya umiiyak pero kita ang lungkot sa mga mata niya.
"Condolence." Tumingin sa akin si Roniel at bahagyang ngumiti.
"Sabi nila hindi daw pwedeng mag thank you e." Sagot niya, ibinalik niya ang tingin sa puntod ng tiyuhin at bumuntong hininga.
Kung ganyang kasamang tao ang namatay, pwede ka namang magpasalamat. I said to myself. "Yeah. Pamahiin." I rolled my eyes. "Anyway, we need to go. Marami pa kong pending works e. Sorry for your loss again." Nakipag shake hands ako sakanya at tumalikod na. Nilapitan ko si Zac na nakikipag usap sa isa sa mga kakilala niya. Pagtapos niyang makipag usap ay umalis na kami. Umuwi kami ng bahay para maligo muna ulit at pagtapos ay bumalik kami ng opisina para tapusin ang mga naiwan naming trabaho.
Maghahapon na ng magsalita si Lea mula sa intercom at sinabing naghihintay daw si Roniel sa labas ng office ko. Pinapasok ko siya.
"Hi." Bati niya. Ngiti lang isinagot ko sakanya dahil abala ako sa pag aanalisa ng mga papeles na kailangan na ng pirma namin ni Zac.
"What brings you here Mr. Contreras? Diba dapat kasama mo ang family mo dahil kakamatay lang ng uncle George mo?" I said to him without looking.
"I just want to see you Angel. I want to be at peace." His gaze was piercing through my soul. May something sa sinasabi niya na hindi ko maipaliwanag. "You know what, narealize ko na sana noon pa lang iningatan na kita. Sana noon pa lang binigyan na kita ng importansya. Totoo pala ang nararamdaman ko sayo, dapat pinahalagahan ko na." Ibinaba ko ang mga hawak kong papeles at tinignan siya ng may pagtatakha.
"I'm sorry?" Ano bang pinagsasasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.
"Wala, nevermind." Tumawa siya ng pagak. "Aalis na ko. Gusto ko lang makita ka." Tumalikod na siya at tinungo ang daan papuntang pintuan. Lumabas siya ng hindi na muling lumingon pa.
Simula ng umalis siya ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya. Alam na ba niya? Pero paano? Hindi, imposible.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...