Chapter Three : Betrayed

173 2 0
                                    

"R-Ron?!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang boyfriend ko ang nasa harap ko. His standing right in front of us smiling. Nakangiti sya habang nakikita ang sitwasyon namin. Pero bakit?!

Ayoko mang paniwalaan ang nasa isip ko pero base sa nakikita ko ngayon sa tingin ko tama ako. Na sya nga ang nagpadukot samin. Pero bakit? Ano ba talagang nangyayari? Walang kahit anong kasagutan ang pumapasok sa isip ko. Naguguluhan parin ako.

"Yes hon, it's me. Surprise?" Nakangiting saad ni Ron habang nakatitig sakin.

"P-pero bakit?" Sa dami ng tanong na tumatakbo sa isip ko yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Bakit nga ba? Kailangan ko ng explanation.

"I knew it! Sabi ko na hindi talaga mapagkakatiwalaan yang mukha ng demonyong yan eh!" Kahit nanghihina ay pilit na sigaw ni kuya.

"Hahaha! Hindi ko akalain na ganun ka katalino Daniel. Naramdaman mo agad na may balak akong masama. Tagal ko ding nagtimpi ha. Kung hindi ka lang sana pakeelamero mas maaga ko sana tong natapos." Natapos?! Ang alin?! Naguguluhan na talaga ko. Ano ba talagang nangyayari?

"Ano bang kailangan mo samin?! Bakit mo to ginagawa?!" Tanong ko. Agad naman syang bumaling sakin. Naglakad sya palapit sakin at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nya ang pisngi ko at tsaka nagsalita.

"You see Daien. Lahat ng meron tayo ay parte ng mga plano ko. Malaki ang atraso ng ama mo sa mga Huston's. Pero dahil mailap ang t*rantado mong ama ay hindi namin sya mapatay. Isa nga sya sa mga magagaling, no doubt about that." Hawak pa nya ang kanyang baba na tila ba nag iisip habang sinasabi ang mga yon. "Kaya napagdesisyunan ni boss na gumamit na ng ibang taktika para mapalutang at mapasakitan si Anton. At yun ang gamitin kayong mga mahal nya. Lalo na ikaw na prinsesa nya." Dagdag nya. Teka atraso? Huston's? Takte wala akong maintindihan.

"I-I can't understang a thing." Lumingon ako kay kuya at nakita kong nakatingin din sya sakin. Base sa mga nakikita ko sa mga mata nya, halatang alam nya kung anong tinutukoy ni Ron. Nasaktan ako sa mga nalaman ko. All this time hindi pala ako minahal ni Ron, na lahat ng to ay pagpapanggap nya lang para magantihan si Papa. Tsaka bakit parang may hindi sinasabi sakin si Papa at kuya? Ano ba talagang meron?

"Tss. A*shole! Panlabas na itsura mo lang pala ang gwapo pero demonyo ka pala sa loob mo!" Sigaw ni Sab kay Ron. Pero ngumiti lang si Ron at hindi nya pinansin ang sinabi ng best friend ko.

"So Daien does it hurt? Wag kang mag alala umpisa palang yan. There's more to come so be ready." Nakangiti paring saad nya. Bakit hindi ko man lang to natunugan? Bakit ako naniwala sakanya? Grabe. Ang tanga ko. Napakatanga ko! For almost 2 years hindi ko man lang naisip na may binabalak lang pala syang masama.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ko. Kung sana ay kinilatis ko muna sya at kinilalang mabuti e di sana wala kami dito. Pati si kuya at Sab nadamay pa sa katangahan ko. Ang tanga tanga ko grabe.

Nakayuko lang ako at umiiyak ng bumukas muli ang pintuan. Ang akala ko ay lumabas na si Ron pero muling nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang pumasok.

"C-Chelsea?!" Halos panabay na tanong namin ni Sab. Lumapit sya kay Ron at ipinulupot ang mga braso nya sa braso nito. Humarap sya samin at ngumiti tapos ay humarap muli kay Ron at humalik. As in french kiss! Nakaramdam ako ng sakit ng makita ko iyon. Hindi ko naman itatanggi, mahal ko ang boyfriend ko ata nasasaktan ako sa mga nangyayari pero ano pa bang magagawa ko? It was all of his plan. Lahat lahat ng yun.

"Get a room b*tch!" Sigaw ni Sab. Huminto naman yung dalawa sa ginagawa nila at muling hinarap kami. Tumawa ng maikli si Chelsea at tsaka nagsalita.

"Why? Ngayon nyo lang ba ko nakitang may kahalikan girls?!" Sarkastikong saad nya habang nakangisi. Chelsea is a friend of ours. Kaibigan namin sya ni Sab since college. Maraming may ayaw sa kanya sa campus namin dahil sa liberated daw sya. Pero hindi naman namin sya masisisi dahil ayon sa kanya ay sa States sya lumaki. Umuwi lang sya dito dahil sa meron daw syang bussiness dito. Ngayon narealize ko na kung ano ang 'bussiness' na yun. Ang mapalapit pala sa amin. Napag isip isip ko na halos sabay ko nga lang sila nakilala ni Ron. Ngayon alam ko na. Magkasabwat sila noon pa.

"Oh! Sorry for being rude. Nakalimutan kong ipakilala sainyo si Chelsea. Guys let me introduce to you my REAL girlfriend Chelsea. Babe, kilala mo na sila right?!" Binigyang diin pa ni Ron ang salitang 'real' para sadyang ipagduldulan sa akin na ginamit nya lang ako. Masakit. Pero pinipilit kong wag ipakita sakanila iyon para hindi nila maisip na apektado ako. Pero ang totoo gustong gusto ko ng magwala at umiyak. Hindi biro ang 2 years at ang pinagsamahan namin ni Chelsea kaya naman nasasaktan talaga ako ng sobra.

Nakita kong nakatingin sa akin si Sab na parang naaawa sya sakin. Ngumiti ako ng mapait para iparating sakanya na ayos lang ako.

"You two are crazy! Hindi ko akalain na may mga ganyan pa palang mga tao ngayon! Mga psycho!" Sigaw ni kuya. Tila hindi naman nagustuhan ni Ron ang mga sinabi ni kuya kaya pinagsasapak nya ito.

"Ron stop it! Stop it please!" Hindi ko alam kung hanggang kelan kakayanin ni kuya ang mga pambubugbugbog nila. Diyos ko patatagin mo pa sana ang loob ng kuya ko para kayanin nya ang lahat ng to.

Laking pasasalamat ko ng itigil ni Ron ang ginagawa nya at bumalik na ulit sa harapan namin.

"Now, sino kayang uunahin ko sainyo?" Palipat lipat ang daliri nya sa amin ni Sab na animo'y nag eenie meenie minnie moe. Inihinto nya ang daliri nya kay Sab. Nilingon ko ang best friend ko at kita sa mukha nya ang takot at kaba.

"Fck you Ron! Wag mo na silang idamay! Ako nalang ang saktan mo!" Sigaw ni kuya kay Ron pero umiling lang ito.

"No Daniel. Okay nga to eh. It's like hitting two birds with one stone. Masasaktan ko sila at the same time masasaktan din kita pati si Anton. Ang saya diba? Now, boys dalin nyo to sa kabilang kwarto."

"Noooo! Please don't!" Pagmamakaawa ni Sab habang pilit syang binibitbit ng dalawang lalaki.

"Hey babe. Wag kang masyadong masasarapan ah. Tandaan mo sa akin ka lang dapat." Malanding sabi ni Chelsea. Grabe pinakikinggan ko palang ang pag uusap nila gusto ko ng masuka. Nakakadiri sila!

"Saaaab! Please let her go! Nagmamakaawa ako Ron!" Sigaw ko sakanya pero tumawa lang sya.

"Don't worry Daien isusunod kita. Wag kang mainggit. I will save the best for last." Hinawakan nya ang baba ko at madiing hinalikan ang labi ko. Mabilis akong umiwas at tinignan sya na parang sya na ang pinaka nakakadiring tao sa buong mundo. Lumabas na sila ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni kuya Daniel sa loob nito. Wala akong nagawa kundi umiyak. Sab, ang best friend ko. Sana naman wag na nilang ituloy ang binabalak nila. Sana makaalis na kaming lahat dito.

'Lord, kayo na pong bahala sa amin.'

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon