"Sabihin mo na lahat ng alam mo." Kalmado pero may halong pagbabanta na saad ko sa lalaking kaharap ko. Nakagapos ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. Nasa likod ko si Zac at ang mga tauhan niya. Dinala ako dito ni Zac pagkatapos nang lakad namin ni Ron. Nang sabihin niya sa aking gusto niya ko ay nag aya na akong umuwi. Hindi ko na kasi masikmura ang kasinungalingan niya.
"Wala kang malalaman sa akin!" Pasigaw na sagot niya. Kinuha ko ang kutsilyong nakapatong sa lamesa sa harap ko at pinag laruan iyon.
"Talaga?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sa kutsilyo.
"Akala mo ba matatakot mo ko? Hah! Nagkakamali ka!" Sigaw pa niya. Hawak ng mga tauhan ni Zac ang magkabilang balikat nito.
"Okay, Let's make this quick. Hanggang tatlong beses lang kitang tatanungin. Pag hindi ako nakuntento sa mga isasagot mo, aalis na ko." Saad ko. "Nasaan si George?" Dagdag ko pa. Napag-alaman kasi namin na hindi na nagpupunta si George sa hide-out nila, may isang linggo na ang nakakaraan.
"Hindi ko alam!" Sagot niya.
"Strike one." Isinaksak ko sa braso niya ang kutsilyong hawak ko. Halos mabingi ako sa sigaw niya pero pinag sa walang bahala ko iyon.
"Nasaan siya?" Tanong kong muli.
"Hindi.....ko.....nga.....alam." Bakas sa tinig ng lalaki ang sakit na nararamdaman niya. Muli kong kinuha ang kutsilyo na nakabaon sa kanang braso niya at isinaksak naman iyon sa kaliwa. Muli ay sumigaw siya pero sinuntok siya ng tauhan ni Zac na nasa likuran niya.
"Strike two. Sige, iibahin ko na ang tanong ko. This time mas madali na ito." Muli kong kinuha ang kutsilyo sa braso niya. Binigay ko iyon sa tauhan ni Zac at kinuha ko naman ang baril na nasa bulsa ni Zac. "Siguro naman ay alam mo na ang mangyayari kapag hindi ka sumagot ng maayos?" Halos umiyak na ang lalaki pero ni kahit kaunting awa ay wala akong nararamdaman sakanya. Nararapat lang yan sa mga ginawa nilang kasamaan. "Tell me all of Houston's plans."
"Wala----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil binaril ko na siya sa dibdib. Agad siyang nawalan ng malay at bumulagta sa sahig. Muli kong ibinalik ang baril at naglakad na palabas ng lugar na iyon.
"Linisin nyo yan. Ayokong makita yan dito pag balik ko." Sumunod sa akin si Zac at hinawakan ako sa balikat.
"Are you okay?" Tanong niya. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Agad naman akong niyakap ni Zac. "Hush babe."
"Bakit ba ang tagal matapos neto Zac?" Napahagulgol na ko. "Gusto ko nang matapos to nang makapamuhay na ko ng maayos."
"I'm sorry Angel." Napatingin ako kay Zac nang marinig ko ang sinabi niya.
"Bakit?" Takhang tanong ko.
"Dahil hindi ko mapabilis ang paghihiganti na to." Nakayuko lang siya habang sinasabi ang mga iyon.
"Hindi Izaac. Wag kang manghingi ng sorry. Hindi mo kasalanan yun. Ginawa mo ang lahat." Sagot ko.
"Be patient my Angel. Makakamit din natin ang paghihiganting hinahangad natin." Zac said to me. I just nodded. Pagkatapos nang pag uusap namin ay nagpaalam ako kay Izaac na pupunta muna ako sa salon ni Correen para dalawin siya. May katagalan na rin kasi simula nang huli ko siyang makita.
Pinag-drive ako ng isa sa mga tauhan ni Izaac papunta sa mall. Nang makarating kami doon ay sinabi ko nalang na tatawagan ko nalang siya kapag magpapasundo na ako.
Nang marating ko ang salon ay nakita ko si Correen na may kausap sa telepono. Nginitian niya ako at kumaway. Tinapos niya ang tawag at agad akong hinalikan sa pisngi at pinaupo.
"Namiss kita Angel. Tagal din nating hindi nagkita." She said to me.
"Oo nga e. Busy ka daw kasi dito sa salon mo kaya ako na ang dumalaw." Sagot ko.
"Oo e. Dumami kasi ang tao since naglaunch kami ng promos."
"I see. Kumain ka na ba?" Tanong ko. Umiling siya. "Tara kain tayo."
"Sige, magkwento ka na rin. Alam ko marami akong namiss sayo." Lumabas kami ng salon niya at nagpunta sa isang seafood restaurant. Tulad ng dati ay hindi tumitigil sa pagkekwento si Correen. Nang matapos kami ay napag desisyunan namin na mag ikot ikot muna sa loob ng mall. Habang abala kami sa pagkekwentuhan ay aksidenteng may makabangga akong babae. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko sakanya ay napaupo siya at tumapon sakanya ang dala niyang juice.
"Nako miss sorry. Sorry talaga." Agad ko siyang tinulungan tumayo pero nang makita ko kung sino siya ay agad ko siyang nabitawan na lalo niyang kinagalit. Si Chelsea.
"Ano ba?! Nananadya ka ba?! Bakit mo ko binitawan ulit?!" Bulyaw niya sakin nang makatayo siya. "Oh, it's you Angel." Saad niya ng makilala niya ko.
"Sorry talaga Chelsea. Hindi ko sinasdya." Paghingi ko ng tawad. Si Correen ay nasa tabi ko lang at nakatitig ng masama kay Chelsea. Siguro ay naaalala niya ang ginawa nitong iskandalo sa salon niya.
"Tss. Pareho nga kayo ng kamuka mo. Pareho kayong tatanga-tanga." Untag niya. Agad naman akong nakaramdam ng inis.
"Aba, iba talaga tabas ng dila ng higad na to." Sagot naman ni Correen. Agad na bumaling sakanya si Chelsea at pinameywangan ito.
"Excuse me, am I talking to you?!" Mataray na tanong ni Chelsea sa kasama ko.
"Ha? Are you talking to me?" Sagot naman ni Correen sakanya.
"Yes bitch." -Chelsea
"Wow! Look who's talking? Me? Bitch? Hah! You gotta be kidding me." Pang iinis pa ni Correen. Agad na lumapit si Chelsea sakanya at akmang sasampalin siya ng mahawakan ko anh braso niya. Agad siyang bumaling sa akin.
"Let go of my hand." Saad niya. Pero imbis na bitiwan ko iyon ay lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko. "I said let go!" Sigaw niya.
"Wala kang karapatang manakit nang kahit na sino." I said to her.
"Wala akong pakeelam sa sinasabi mo! Bitawan mo ko!!" Sigaw niya. Padabog kong binitawan ang kamay niya. Binalingan niya ko at akmang sasampalin ako ng unahan ko siya. Pumaling ang ulo niya. Agad niyang hinawakan ang pisnging sinampal ko.
"Isa pang amba mo ng sampal sa amin ay hindi lang yan ang matitikman mo." Pagbabanta ko.
"Bitch!!" Agad niya kong sinabunutan pero dahil na rin kay Correen ay nabitawan niya agad ang buhok ko. Tinulak ko siya palayo sa amin dahilan para mapaupo siya. Tinapakan ko ang kamay niya. Agad naman siyang napainda.
"Sinabi ko na sayo kanina, wala kang karapatang saktan ang kahit na sino."
"Anong nangyayari dito?" Agad kong tinignan kung sino ang nagsalita sa likuran namin at hindi nga ako nagkamali ng akala. Si Ron nga.
"Baby." Tila nagpapaawa na saad ni Chelsea nang makita niya si Ron. Hanggang ngayon ay hindi ko parin tinatanggal ang pagkaka-apak ko sa kamay niya dahilan para hindi siya makatayo. "Baby, pinagtutulungan nila ko." Dagdag pa no Chelsea. Napatawa naman ng pagak si Correen. Lumapit sa amin si Ron. Tinanggal ko na ang pagkaka-tapak ko sa kamay ni Chelsea. Inalalayan ni Ron na tumayo ang girlfriend niya pero kapansin-pansin na hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sa akin.
"Let's go Chelsea." Aya niya sa girlfriend.
"What?!! Ni hindi mo man lang ba ko ipagtatanggol sa kanila?!! Sinaktan nila ko Ron!" Naghihisterical na si Chelsea.
"I said let's go. Pasensya na kayo sakanya." Baling ni Ron sa amin. Tila nagulat naman si Chelsea sa inakto ni Ron kaya lalo siyang nagalit.
"What?!! Bakit ka nag-aapolgize sakanila?!! Ako ang nasaktan tapos ikaw pa hihingi ng sorry?!! Make them pay baby!" Sigaw nito.
"Enough Chelsea!!" Hinila na ni Ron ang girlfriend niya palayo sa amin kaya naman naglakad na rin kami. Kahit nakalayo na kami ay dinig ko parin ang pagsigaw ni Chelsea. Napailing nalang ako.
"That bitch is crazy." Saad ni Correen. Inayos niya ang buhok ko.
"Hayaan mo siya Correen. Malapit na din siya." I said, smiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/25805632-288-k289529.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...